Chapter 20: Crushed

Start from the beginning
                                    

Nang matapos ang kaibigan sa pag-aayos sa kanya, halos hindi na niya makilala ang sarili. Medyo lumaki ang mga mata niya dahil sa eyeliner at smoky eye shadow. May fake lashes pa na mabigat sa mata. May konting gold glitters pa sa mukha niya. Sa makeup na daw 'yon.

"Isn't this too much?"

Umiling ito. "That's just enough. Hindi ka lang sanay kaya."

Gusto sana niyang ipabago kaso wala nang oras. Siguro isinakto talaga ni Brandi para hindi na siya makareklamo. Austin was already waiting outside. Nakaayos din si Brandi kahit ibang party naman ang pupuntahan nito. Ang paalam kasi niya sa katulong, kasama niya ang kaibigan para hindi siya isumbong. Who knows what Yaya Norma will do if she learned that she's going out with two guys? Kahit pa sabihing as friends lang. May mga matatanda kasing binibigyan ng malisya ang lahat. Gano'n si Yaya Norma minsan.

Lumabas sila ni Brandi. Ipinakilala niya ito kay Austin. Austin looks cute, as usual. Naka-dark blue dress shirt ito na nakarolyo ang mga manggas hanggang sa siko. He paired it with a pair of khaki jeans. Sadyang bitin iyon, naka-rolyo din nang maliit ang laylayan. Sinamahan pa nito iyon ng isang pares ng blue and tan boat shoes.

Bago sila umalis, bumulong sa kanya ang kaibigan, "He's cute."

Kung hindi man maging sila ni Austin, pwede kaya nya itong ireto sa kaibigan niya kahit limang taon ang tanda nito sa lalaki? Ang saklap kasi. Austin's just twenty-four. Ang layo na ng narating nito sa buhay kahit mas bata pa ito sa kanya.

--

Pagkarating nila sa harap ng club, nandoon na si Mickey. He's waiting beside his motorcycle. Napabagal pa siya ng lakad palapit dahil nahihiya siya rito. If Austin's cute, Mickey's off the roof hot. Alam niyang hindi lang siya ang nakakapansin. May mga padaan-daang mga babaeng hayagan kung makatingin dito.

To think na sobrang simple lang ng suot nito. He's wearing a dark grey V-neck shirt (nakatiklop ang manggas), black jeans, and black chukkas. Nakalugay ang buhok nito. And it looks like he had a black leather jacket on. It was draped on the motor bike.

Mickey gave her a once-over. She felt the urge to hide. Ayaw ba nito ng suot niya? Masyado bang maiksi? Masyado bang see-through? May tube naman siyang suot sa loob. Hindi naman kabastos-bastos ang hitsura niya.

But why would he care anyway? Hindi naman siya nito type. Baka hindi lang ito sanay na ganoon ang ayos niya.

Nang makalapit sila rito ay itinabi nito ang jacket at saka sinabayan sila sa pagpasok. The club was already packed. Naghanap sila ng mauupuan. She let Austin order a drink for her. Si Mickey naman ang nag-order ng pagkain nila. He knows what she wants, spice and cheese. They ordered pizza and samplers. The two guys promised to split the bills. Si Austin, matinong kausap. Si Mickey, hindi niya sigurado.

Pagkaubos niya ng isang slice ng pizza, inaya na siya ni Austin na magsayaw. She glanced at Mickey, silently asking for his permission. Pero tutok ito sa phone nito.

"Sure," she told Austin.

Iniwan nila si Mickey doong mag-isa. Mukhang may kausap ito sa phone. Pangiti-ngiti ito habang nagti-text. Maybe he's chatting with someone. Baka palagi itong may kausap. Baka sya lang ang hindi nito madalas kausapin online.

Bumuntong-hininga siya. Pilit iniwan sa isang tabi ang pagkadismaya sa lalaki. She tried to enjoy herself. The EDM helped. The vibe around her helped. Energetic ang mga tao sa pagsasayaw. And even though she's not used to dancing, it didn't feel awkward. Kasi maraming awkward dancers sa paligid. But Austin's not one of them. Magaling itong magsayaw. Tinuturuan pa siya ng ilang dance steps.

She glanced at Mickey to see if he's looking. Her heart sank when she saw him talking to someone. Hapit na hapit sa katawan ang suot ng babae. Sobrang iksi pa. Mickey's smiling. It looks like he's enjoying the conversation.

Write Me A Heartache (The Starving Squad #2)Where stories live. Discover now