Paalam

347 2 0
                                    

Another one shot product of being dramatic and missing someone :) ✌✌
Hope you'll like it ;)
Votes / Comments are really appreciated :)

Plug ko ndn yung story ko and yung isang one shot

*The Unexpected
*Akala ko lang pala ang lahat

Enjoy reading ;)
Lets start.

--

Dear Mahal ko,

Miss na miss na kita. Kamusta ka ba kaya? Naiisip mo din kaya ako o namimiss man lang ba? Kasi ako oo, palagi pa nga ee. Sana makita kita kahit saglit lang. Sana makausap kita, gusto ko lang malaman yung dahilan bakit mo ko pinagtitripan. Bakit kung kelan narealize ko na na mahal padin pala kita matapos mo akong iwanan. Iniwan mo akong muli. Bakit ba laro lang sayo ang lahat. Bakit ka ganyan di ka marunong tumupad sa usapan, sa pangako. Akala ko ba walang iwanan? Akala ko ba kahit sino pa ang kumontra sa atin hindi tayo susuko. Diba sabi mo ipaglalaban na natin ang isa't isa. Bagay na hindi mo nagawa nuon dahil iniwan mo ako. Samantalang ako ipinaglaban kita kahit alam ko ako lang magisa ang lumalaban. Bakit ganito na naman ang nangyari? Lumipad tayo ng sabay ngunit tila nagiba ang ihip ng hangin at ngayon ay magisa na lamang ako sa ere. Pilit kitang hinawakan ng sobrang higpit pero syang pagpipilit mong bumitaw. Bumitaw din ako mula sa mahigpit na pagkakahawak ko sayo. Bumitaw ako, hindi dahil sa suko na ko at hindi na kita mahal. Pero ginawa ko yun dahil yung ang ikakasiya mo. Gusto ko mang ibalik ang nakaraan. Sa mga panahong masaya tayong naglalakad, namamasyal at sabay tayong tumatawa na para ng walang bukas. Pero hindi na maaari sa kadahilanang may gusto ka ng iba. Kahit gustuhin ko mang ipilit ang aking sarili mahalin mo lamang ako hahayaan ko na lang na dumating yung panahong puso ko na mismo ang susuko na mahalin ka at antayin ka.

Paalam na mahal ko

Kay daling bigkasin pero kay hirap gawain. Pero gagawin ko para lang sayo. Ganun kasi kita kamahal. Sana sa paglipas ng panahon maalala mong may isang katulad ko na labis na nagmahal sayo ng totoo.

PAALAM..

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 22, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PAALAM (liham para sa aking mahal)Where stories live. Discover now