I stared coldly.

"May pamilya ako. Nautusan lang ako." Umiiyak na sya. Iniluhod ko ang isang paa ko at tumingin sa kanya.

Tinaas ko ang baba nya upang titigan ako. Nanginginig na ang pisngi nito.

"Tell them I'm the one who killed your buddy."

"H--o?" Takang taka ito.

"At kapag tinanong nila kung ano ang pangalan. Sabihin mo..." Tumigil ako saglit at tumingin sa bangkay ni JT.

"Messiah. Messiah Morgan." Bumalik ang tingin ko sa lalaki na ngayon ay lalong namilog ang mata. "Tandaan mo ang pangalan."

Tumayo na ako at pumunta sa bangkay ni JT hinila ko na ang strecher sa lagusan para itakas ito.

Nakita ko ito ng walang bantay sa labas. Madilim na at umuulan tila walang balak tumigil.

Nung nasa kwarto ako na pinagdalhan ni Bryan nakita ko sa malaking bintana ang isang gubat. Doon ko sya ililibing. Lumabas na ko kaninang umaga at naghukay doon.

Dali dali na ako pumunta doon kahit malakas ang ulan at basang basa na ako.

Nang makarating na ako ay agad kong hiniga si JT sa pinaghukayan ko.

Gagawin ko ang pangako ko JT. Kaso lang hanggat di nag papakita si Messiah....ay ako muna ang magpapangap na sya.

Gagamitin ko ang pangalan nya upang magbigay ng takot sa Mortal Brigade at sa General. Alam ko na kung anong klaseng tao sya. Walang awa. Walang kaluluwa.

Mamayang umaga na ang huling pagsubok at handang handa na ako. Hindi ko sasayangin ang sakripisyo nyo ni Misty.

Someone should pay.

"See you soon, Messiah Errol Sarmiento." Huling kong ani habang sinimulan ko na ang pagbukal muli ng lupa. All this rage I feel with be put on justice by the end of the day tomorrow.

Keep on faith with me JT.

•••

"The last stage will happen in the evening. Sa old arena gagawin ito. Maraming manunuod na assassin galing sa ibang institute. Pwede kayo gumamit ng isang armas lamang laban sa kalaban nyo. Naiintindihan nyo ba?" Sabi ni Major Hector Vegas habang nakatayo kami sa harap nya.

"Yes Maj!" Sigaw namin at saka ito umalis.

Tumalikod na rin ako kila Elias at Freddie. At yang Freddie yan nakakaasar ang pagmumukha nakangisi sa akin. Hayop sya. Mamatay ka mamaya sa mga kamay ko!

"Saglit lang Cassie." Napahinto ako sa tawag ni Elias na papalapit sakin ngayon.

Humarap ako at nakita ko syang malumanay ang tingin habang umalis na rin si Freddie dito sa training arena.

Lumapit ako kay Elias. "Ano yon?"

Tumingin ako sa mata nya na puno ngayon ng lungkot. Tinitigan ako nito ng malalim. "I- I don't want to fight against you."

Kumunot ang noo ko. "What do you mean?"

"You're right. I should guarantee Misty's last wish."

"Ibig mo bang sabihin....tatakas ka na?"

Ngumiti sya ngunit di aabot sa kanyang mata. Tumungo ito. "Aalis na ko mamaya kaya magpapa alam na ko. Mag iingat ka kay Freddie. Lahat gagawin nya para lang maging Red Assassin. There's a deep thing about him. Pakiramdam ko ay hawak sya ng kung sino. Gawin mo ang lahat Cas, wag mong hayaan ang demonyong yon manalo sa larong ito. Ipangako mo sakin na ikaw ang magiging Red Assassin." tumungo ako habang pinipigilan ang aking luha. Tumingin ako sa kanya at niyakap ito. "I promise. Tatalunin ko sya. Wala akong ititira sa kanya." Naramdaman ko ang bisig ni Elias sa likod ko. It's comforting.

The Red AssassinWhere stories live. Discover now