Hayy ang hirap ng buhay. Dumiretso ako sa kwarto ko at humiga ng ilang minuto, tinitigan ko ang kisame, natulala na naman ako. Naramdaman ko ang vibration ng cp ko, binuksan ko ito.
From unknown: Be strong now, because things will get better. It might be stormy now but it can't rain forever.
Good evening ☺ ~grp.
And that qoute, suits to what I feel right now. Kaya ko ito, Aja lang. Baka pwede ko siyang makausap bukas. I typed a message
To payat: Nakauwi kana? Let's see tomorrow. In our favorite spot, 3:00 pm. Take care and good night :).
And then sent. Think positive, gamutin mo na habang mababaw pa ang sugat kesa sa lumala pa, mas masakit.
Kinaumagahan, nagising ako sa lakas ng alarm clock ko, bumaba ako at dumiretsyo sa kitchen, nagutom ako nakatulog kasi kaagad ako kagabi. Nadatnan ko si justine sa kusina kumakain, he looked at me seriously, kunot noo ko naman siyang tiningnan. Binalewala ko nalang ang tingin niya at kumuha ako ng sandwich at umalis na doon. Bumalik ako sa kwarto at kinuha ang cp ko, tiningnan ko ang masayang larawan namin na ginawa kong wallpaper. Sorry, kailangan kong gawin ito para hindi masyadong sumakit kapag tumagal pa.
Sumapit ang alas tres. Buo na ang desisyon ko, kailangan kong gawin ito, hingang malalim. Pagdating ko roon nakita ko siyang nakatayo sa ilalim ng puno, nandito kami sa isang burol kung saan madalas kami magawi, nasa may ibaba nga lang ng burol kung saan may puno ng mangga na may duyan at may isang maliit na lawa kung saan siya ngayon nakaharap, tanging huni lang ng ibon ang iyong maririnig.
Nakasuot siya ng itim na jeans at naka three fourth shirt siya with wayfarers, ang gwapo niyang tingnan. Lumapit ako sakaniya, naramdaman niya ang paglapit ko at bigla siyang humarap. Nginitian ko siya.
"Kanina ka pa?" tanong ko. Umupo ako sa may duyan.
"Hindi naman. Wala kang gagawin? Namiss mo kaagad ako?" pabirong tanong niya.
Paano ko nga ba sasabihin ito. Tiningnan ko ang kalangitan at nandoon naman ang ulap na nakita ko noon. Tiningnan ko ulit siya at ngayon kumunot na ang noo niya.
"May pag uusapan ba tayo?" tanong na niya.
"Sorry" sabi ko sabay yuko, hindi ko napigilan ang mga luha ko at tuluyan na itong kumawala sa mga mata ko.
Wala akong salitang narinig galing sakanya, nakatingin lang siya sa may lawa.
"Let's break up." sabi ko at bigla siyang tumingin saakin, hinayaan niya akong magsalita. "I know we tried, no I tried pero hindi talaga ehh, ayoko nang masaktan ka at lokohin ka. Pero baka hindi talaga tayo, mahal kita at minahal kita pero sana mapatawad mo ako sa ginawa ko siya, na wala kang ibang ginawa kundi mahalin ako" puno na ng mga luha ang mukha ko, kinuha niya ang mga kamay ko at bigla niya akong niyakap. Sa huling pagkakataon niyakap ko siya at kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko.
Yakap parin niya ako ng nagsalita siya "Alam ko kung ano ang dahilan, mahirap talaga kalaban ang first love haha" at nagawa niya pang tumawa "kung ang paghihiwalay natin ang makakapag pasaya sayo, gagawin ko kahit masakit. Masaya ako dahil nakilala kita at dumating ka sa buhay ko. Maghiwalay man tayo tandaan mo ito, mahal kita at patuloy kitang mamahalin." Pagpapatuloy niya, inalis na niya ang pagkakayakap saakin at tiningnan ako, pinunasan niya ang mga luha ko at nginitian niya ako.
"Sorry kung nasaktan kita, eto lang ang mabisang paraan para maging masaya tayong dalawa."
Maging masaya tayong dalawa, kasi mas makakahanap ka pa ng iba at maliliwanagan ang sarili ko. Wala na akong narinig sakanya at niyakap niya ulit ako. Ang gaan sa pakiramdam ng ganito baliktad sa inaasahan ko. Hinalikan niya ang noo ko, tungki ng ilong ko at isang dampi sa labi ko.
"Ingatan mo palagi ang sarili mo at sana maging masaya ka sa desisyon ko, still friends" paalala niya saakin
"Opo, friends." tugon ko naman. Ngumiti ako at pinitik ang ilong niya. Kinuha niya ang kamay ko and it filled the spaces between the gap of hid hands. Tuluyan na naming nilisan ang lugar na iyon at naglakad, pagdating sa labasan binitiwan na niya ang kamay ko at naghiwalay na kami ng landas.
Mas masaya magmahal kapag totoo mo itong mahal, hindi iyong lokohan lang. And I hope we'll find our best partner. Pinagtagpo kami para malaman ang mali at maitama ito sa pangalawang pagkakataon, hindi man naging maayos ang relasyon namin atleast alam namin at tanggap namin na hindi talaga kami para sa isa't isa yung bang pinagtagpo pero hindi itinadhana. And I proud that I made a decision on a right way.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Thank you for reading. God bless po ☺❤
BINABASA MO ANG
Pagpili Sa Paglaya (Short Story)
Teen FictionMahirap mang gawin pero kailangan ko siyang palayain. Hindi ibig sabihing bumitaw ako ay mahina ako, matapang ako dahil natuto akong magpalaya. Hindi man kami ang itinadhana, nakilala naman namin ang isa't isa, nakapagbigay kulay at saya sa tsapter...
