Chapter 1

1 0 0
                                        

"Kelly,ano kaba naman?Ano na bang dapat kong gawin sa'yo?Kailan kaba magtitino?Hindi ko na alam kung anong gagawin ko para lang mapatino ka!"
Kasalukuyan akong nasa sala kaharap ang mama ko na nagsesermon na naman.

Nakakasawa.

Hindi ko naman kasalanan na inaaway ng kaklase ko yung isang nerd e.Pinagtanggol ko lang naman pero ako pa ang napasama.Sinuntok ko kasi yung kaklase ko e bakla naman pala kaya nagsumbong agad sa principal.

"Nakikinig kaba Kelly?Isang mali mo na lang makikick out kana!-"Hindi ko na pinatapos si mama at sinabi ko na"Ma,alam ko na,ok?Hindi na mauulit"
Yun lang naman yan e.Sasabihin ko lqng na di ko na gagawin para tumigil na siya.Maniniwala na din agad yan.

"Talagang hindi na dapat to maulit"Sabi niya at tumalikod na,papunta siguro sa opisina niya na halos dun na lang siya tumira.Lumalabas na lang naman si mama pag nagugutom o kaya pinapatawag sa principal's office.

Hindi ko na lang pinansin si mama at tumingin nalang ako sa labas ng bintana at nakita ko ang isang payat na lalaking naglalakad.Nakasuot sya ng itim at mahabang coat at kulay gray na pantalon.Siguro kasing edad ko lang to o mas matanda sakin ng isa o dalawang taon.Mabagal lang ang lakad niya kaya nagkaron ako ng chance para tingnan siya.

Infairness gwapo siya,matangkad,malaki ang mga mata niya at matangos ang ilong,maputla ang mga labi niya dahil siguro sa lamig sa labas.Sino ba naman kasi ang maglalakad sa malakas na ulan?Siguro baliw to.Tsk.Sayang naman.

Nakatingin siya sa malayo na para bang may malalim na iniisip.Tinititigan ko lang siya at hindi ko alam kung bakit.Nasense siguro niya na may nakatingin sa kanya kasi napagawi siya sa kinatatayuan ko.

Napasinghap ako sa itsura niya.Gwapo nga talaga siya,siguro pakainin pa.ng konti magkakalaman na din sya.Don't get me wrong hindi naman sya sobrang payat kaya lang mukha siyang malnourish.

Pero hindi ang mga ito ang dahilan ng pagsinghap ko kundi ang mga mata niya.

ITIM.Itim ang mga mata niya at parang wala ng buhay.

At NGUMITI siya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 17, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Till EternityWhere stories live. Discover now