Pinaibig • o.s

777 28 18
                                    

Pinaibig { oneshot }

written by: sparklingashes

**

Nasa isa akong malawak na lugar. May mga bermuda grass at puno lang ang makikita. Gabi na at napakaraming bituin sa langit. Bilog ang bwan at ang liwanag nito ang nagsisilbing ilaw sa buong lugar. 

Naglalakad ako. Pinapakiramdaman ang hangin na humahaplos sa aking balat. Napaka-sariwa at sarap sa pakiramdam. Sa aking paglalakad, may nakita akong isang lamesa. May mga kandila at pagkain na nasa lamesang iyon. Nilapitan ko ito. Habang lumalakad ako, nakarinig ako ng isang musika. Nang malapit na ako, may nakita akong isang papel na may sulat na "Andrea". Pangalan ko? Bubuksan ko na sana ito pero biglang may boses na nagsalita mula sa likuran ko.

"Nagustuhan mo ba mahal ko?"

Lilingon na dapat ako ng...

Krriiing~ Krriiing~

Linsyak! Panag-inip lang? Anubanamanyan! Leche kasi yung alarm clock e. Perfect timing. Note the sarcasm. 

 Nag-ayos na lang ako. Papasok pa kasi ako sa school at ayokong nale-late ako. 

30 minutes before mag-bell, nasa school na ako. Nakita ko naman agad si Jane, ang bestfriend ko. Umupo naman ako sa upuan ko na katabi lang ng kanya. 

"Uy bes. Nabalitaan mo na ba? May transferee daw a." kwento nya sa akin

"Huh? September na ah?" Nakakapag-taka naman na kung kelan September na, doon pa lilipat ng school.

"Kaya nga e. Pero eto pa, gwapo daw yung lalaki." So, lalaki pala ang transferee. I don't know pero naging curious ako. Gwapo daw? Ano kayang itsura nya?

Nag-bell na at dumating na rin yung adviser namin. We said Good Morning in unison.

She started discussing but a knock interrupted us.

"Is this Section 3-A?"

Nag-nod si Ma'am. "You might be the transferee."

"Yes, I am." the guy answered.

 "Oh, come. Introduce yourself Mr...?"

"Cruz."

Nakita ko naman na 'yung mga babae kong kaklase, pinapapantasyahan na si...

"Hi. I'm Jeno Cruz. Hope we can be friends." 

A month later, Jeno and I became close friends. Hindi ko inaasahan na yung gwapo-- lokong 'to, naging kaibigan ko. Oo. Maloko rin sya. 

 "Ands."

Nilingon ko sya at nagulat ako na ilang inch na lang ang pagitan ng mukha namin sa isa't isa. Nararamdaman ko 'yung hininga nya. Sobrang lapit nya na pati 'yung pabango nya feeling ko kumapit na sa akin. Nagtititigan lang kami. Hindi ko alam kung bakit hindi ko maialis yung mata ko sa kanya. Bumaba yung tingin nya sa labi ko. Gahhd. Hahalikan nya ba ako? Bakit sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Feeling ko sasabog na 'to sa sobrang bilis. 

Riing~ 

Na-distract kami dahil tumunog 'yung cellphone ko. Akala ko matutuloy na 'yun. It was Jane who's calling. Sinabi lang nya na i-excuse ko sya for a week dahil pupunta sya sa Cebu. Malay ko kung anong gagawin nya dun.

After the call ended, nagkaroon ng awkward silence sa pagitan namin ni Jeno. Nandito kasi sya sa bahay namin dahil sabay kaming nag-review para sa long test bukas. 

Si Jeno? Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya. Lagi akong nakaka-recieve ng sweet messages mula sa kanya. Bibigyan nya ako ng flowers kahit wala namang dahilan. Kalat na nga sa school na nililigawan nya ako e. Pero ni wala namang sinabi si Jeno na liligawan nya ako. He always make me feel special. Pinaparamdam nyang mahal nya ako. Pinaparamdam nyang importante ako sa kanya. 

Ano bang nararamdaman ko para sa kanya? Kasi tuwing malapit sya, kinakabahan ako. Tuwing magkakatinginan kami, parang may kumikiliti sa tyan ko. Kapag tinetext nya ako at tinatanong kung kamusta na ba ako, kung kumain na ba ako, kinikilig ako. Tuwing bibigyan nya ako ng bulaklak, namumula ako. Nararamdaman ko rin yung bilis ng tibok ng puso ko kapag nandyan sya. I think I'm falling for him.

Hinahanap ko si Jeno. Kailangan nyang malaman ang nararamdaman ko. Sigurado na ako. Gusto ko sya. Tatanungin ko kung parehas ba kami ng nadarama. I found him sitting under the tree, sleeping. Lumapit ako sa kanya and poke his cheeks. 

Dumilat kaagad sya. Ang bilis naman netong magising. Nung nakita nya ako, ngumiti sya. Why does he have to smile to me like that? Ayan na naman tuloy yung mabilis na tibok ng puso ko. May kumiliti na naman sa tyan ko. 

"May kailangan ka ba Ands?" he asked me while still smiling. 

"Uhmm. A-Ano." Why am I stammering? Nakakahiya. "M-May gusto l-lang akong sabihin s-sayo."

"Hmm? Spill. I'm listening."

"Maygustonaataakosayo." Yan! Nasabi ko na. Wala nang bawian. 

"Ano? Pakibagalan naman. Hindi ko naintindihan e."

"A-Ang sabi ko, m-may... may g-gusto na ata ako sa... s-sayo." Pumikit ako ng mariin. Ayokong makita 'yung reaksyon nya. Mamaya hindi naman pala nya ako gusto. Nakakahiya! Binuksan ko yung isa kong mata. Nakita ko syang nakangiti lang sa akin. What? Yun lang? Dinilat ko na yung mga mata ko. 

Hinawakan nya yung pisngi ko. Nag-lean sya at I felt his soft lips touched my forehead. And then looked me in the eyes, "Gusto rin kita and I will make you fall for me."

Tatlong araw na ang lumipas mula nung mangyari yun. Hindi pa rin pumapasok si Jeno. I've been calling him many times but he doesn't answer! Nasaan na ba sya? Napa-praning na ako sa kakaisip kung ano nang nangyari sa kanya. Leche sya. Matapos nyang sabihin na gusto nya rin ako at I will make you fall for me line nya, hindi sya papasok? 

Dumating na yung adviser namin. Meron syang hawak na letter.

"Class, I have something to tell you. You won't see Jeno anymore. Him and his family went to Canada and will be living there for good. So sa mga naging kaibigan ni Jeno dyan, alam kong nalulungkot kayo."

Eff? Hindi lang nalulunkot kundi sobrang nasasaktan! Bakit hindi man lang nya sinabi na aalis pala sya at hindi na babalik? Sasabihin nyang gusto nya rin ako pero iiwan din pala! Hindi na nga nya kailangan pang paibigin ako dahil una pa lang mahal ko na sya. Pero... bakit kailangan nya pang umalis ng hindi nagpapaalam? Ano yun? Pinaibig nya lang ako tapos kapag nagawa na nya, aalis na sya? E leche pala sya. 

Umiiyak ako lagi. Sino bang hindi? Iniwan ka ng taong mahal mo ng hindi man lang nagpapa-alam. Masama sya! Pinaibig nya lang ako at umalis na sya. Sana nung una pa lang pala hindi na nya ako binigyan ng dahilan para mahalin sya kung aalis din pala sya. 

Why Jeno? You made me fall for you but why did you not catch me? You left me instead with tears in my eyes and a broken heart.

**

A/n: Please tell me if there are typos and grammatical errors. :)

Pinaibig • o.sDove le storie prendono vita. Scoprilo ora