I'm Married ♡: Chapter 45

Start from the beginning
                                    

“Bestfriend, maganda yan! Hahaha. Magugustuhan mo yan promise!” Sabi ni Kyla na agad na tumabi sa tabi ni Alisa.

Pero, wala sa papanoodin namin ang atensyon nya. Tingin lang sya ng tingin sa cellphone nya.

Habang lahat ay nanonood. Ako nakatingin lang sa kanya.

Kung nagsinungaling siguro ako noon… Hindi siguro sya maaksidente at hindi sya magkaka-amnesia.

Kung binigyan kong halaga ang pagmamahal nya sa akin noon… Sana kami pa ngayon.

Kung tinanggap ko siguro sa sarili ko na hindi para talaga sa kin si Ianne… Hindi siguro dadating sa punto na mapunta sa isang pustahan.

Kung minahal ko sya gaya ng pagmamahal nya sa akin… Hindi sana sya mapupunta kay Austin.

“Ohmyyy! Na-love at first sight si ‘R’ kay girl! *u*” Kinikilig na sabi ni Kyla.

Na-love at first sight kasi yung zombie na si ‘R’ kay girl. At si Kyla naman, todo kilig.

“It’s pretty obvious. No need to broadcast.” Sabi naman ni Luke.

As usual, tiningnan na naman sya ng masama ni Kyla. Lagi naman silang ganun eh. Madami na ring pinagbago si Luke. Palibhasa, sikat na sa ibang bansa.

Binalik ko ang tingin ko kay Alisa. Buti nalang wala si Austin. Walang sagabal.

Tumunog yung cellphone nya. Agad nya itong tiningnan at ngumiti.

“Kyla, wait lang ha.” Sabi nito at tumayo na.

Tumayo na din ako. Hinanap ko sya. At sa may gawi ng isang swimming pool ko sya nakita. Nakalublob ang dalawa nyang paa sa tubig. May kausap sya sa cellphone nya at kitang-kita ko ang mga ngiti nya sa labi.

Agad akong naglakad papalapit sa kanya. Pero, napatigil ako na marinig ang pangngalan ng kausap nya.

“Austin, uwi ka na. Please…

Hindi ako sanay ng wala ka…”

Alisa’s POV

Austin, uwi ka na. Please…. Hindi ako sanay ng wala ka…”

“Mas lalo ako. Mas lalong hindi ako sanay na wala ka sa tabi ko. Wag kang mag-alala. Pipilitin kong maka-uwi ng maaga.”

“Talaga? Yehey! ^^ Hmm, pwedeng request?”

“Sige. Ano yon?”

“Bili mo ko sa mcdo ng mcflurry. Bukas pa ba yon kahit gabi na?”

“Ah. Oo naman. Hehe. Sige ba. Anything for you. Sige, tinatawag na ko nung photographer. Sasabihin ko na rin na bukas nalang ituloy yung photoshoots.”

“Ah. Osgeee. Bye.”

“Alisa.. Wait…”

“Hmm? May sasabihin ka pa ba?”

“I… I lo… Nothing. Sige, bye.”

I ended the phone call. Nilagay ko yung cellphone ko sa bulsa ko. Napatitig ako sa tubig ng pool. Di ko alam pero basta nalang ako napangiti. Narinig ko na kasi yung boses nya.

Bakit ganto yung nararamdaman ko? Parang pakiramdam ko… Sobra sobra ko na syang namimiss. Hayy. Nasanay na kasi siguro ako na nasa tabi ko sya palagi.

Pero lahat ng katanungan sa isip ko… Hindi pa din mawala wala at pilit pa din akong naguguluhan. Hindi ko na naman ito masyadong iniisip dahil sasakit na naman ang ulo ko.

Normal lang daw ito sabi sa akin ni Austin. Nabanggit daw ito ng Doctor sa kanila. Sasakit ang ulo ko pag may pilit akong bagay na inaalala. Mas doble daw itong sakit pag pilit ko din daw inalala ang bagay na nakalimutan ko noon. Bawal din ako sa maingay na lugar. At mahihirapan din ako makapag-concentrate sa iisang bagay.

Napatingin ako sa gawing kanan. At nakita ko si…. I-Ivan? Nakatingin lang sya sa akin. Tinitigan ko sya. Nantutubig ang dalawa nyang mata.

“Ivan…” Agad akong tumayo at agad na lumapit sa kanya, “Okay ka lang?” Tanong ko sa kanya. Pero, hindi sya nasagot at nakatingin lang sa dalawa kong mata.

“Ivan...” Tawag ko ulit sa pangngalan nya dahil unti-unting may natulong luha sa mata nya.

“Alisa…” Agad nya akong niyakap.

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kuryente sa katawan ko at pagbilis ng tibok ng puso ko.

“Sorry. Ang dami kong kasalanan sayo. Hindi ko alam kung paano ako makakabawi. Kung pwede lang ibalik ang nakaraan, gagawin ko…para itama lahat ng mali kong nagawa sayo. Alisa... Gawa nalang ulit tayo ng good memories natin… Yung tayong dalawa lang. Hindi pa naman huli ang lahat para sa’ting dalawa di ba? Yung saya na meron tayo noon… Hihigitan pa natin yun… Alisa… Can we go back to the way we used to be?” H-Hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi nya. Pero…pakiramdam ko na lahat ng mga binitawan nyang salita… Lahat yun totoo.

Humiwalay sya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ang dalawa kong pisngi na mas lalo akong nakaramdam ng pagbilis ng tibok ng puso ko at kuryente sa buo kong katawan.

Unti unti nyang nilapit ang mukha nya sa mukha ko dahilanan para magkadikit ang mga labi namin. He’s kissing me passionately.Pakiramdam ko malulunod ako sa mga halik nya... Ang sarap sa pakiramdam. Hindi ko alam kung bakit pero binalikan ko ang mga halik nya.

Ivan…

To be continued… 

I'm Married ∞ | ✓Where stories live. Discover now