I'm Married ♡: Chapter 42

Start from the beginning
                                    

“Ah. Yung kabarkada nila Ivan?” Tanong ko. Hindi ko alam pero ng sambitin ko ang pangngalang “Ivan”, nakaramdam na naman ako weird na pakiramdam.

“Bestfriend!” Tawag ulit sa kin ni Kyla.

“Ah. Oh bakit? Ano nga pala ulit sinabi mo kanina?” Tanong ko dahil nawala na naman ako sa sarili ko.

“Sabi ko kung sasama ka. Iniimbita kasi tayo after class. Magcucutting pa nga daw sina Josh para lang makapunta sa bahay nina Aaron. Sama tayo?” Sabi naman nya sa akin. Sa totoo lang, hindi pa din ko masyadong masaulo ang mga pangngalan ng mga nakakasama ko araw-araw. Tulad ng mga kaibigan ni Ivan na nakakasabay namin lagi sa pagkain ng lunch. Pero… Syang hindi ko tanda ng mga pangngalan nila. Sya namang napaka-pamilyar ng mga mukha nila.

“Tanungin ko muna si Austin.” Sabi ko naman.

“Ah. Sige sige. Masaya pag kumpleto tayo! ^_^” Sabi naman nito.

Ilang sandali lang ay dumating na yung prof. namin. Hindi ako masyadong nakinig sa kanya. Ni-wala nga yata akong napakinggan eh. May malalim kasi akong iniisip. Sa pagi-isip ko, nasakit ang ulo ko. Pero, tinitiis ko dahil pakiramdam ko may kailangan akong malaman at may kailangan akong isang tao na dapat balikan. Pilit ko din inaalala yung mukha ng lalaki na nasa isip ko kanina, yung lalaking natutulog. Pero kahit anong gawin ko, blurred pa rin ang mukha nito.

Nabuo naman ulit sa isipan ko ang katanungan na…

Paano kami umabot sa punto na maikasal ni Austin?

Hindi ko alam pero, basta kong naisip yun. Masyado pa kaming bata para ikasal. Ganun ba namin kamahal ang isa’t isa noon kaya naisipan namin ang magpakasal? Napatungo akong muli dahil mas sumakit ang ulo ko. Pakiramdam ko, binibiak ang utak ko.

                                                                   ****

“Birthday daw nung Aaron. Kasama si Kyla. Sama tayo?” Tanong ko kay Austin.

“May gagawin pa ko mamaya eh. Ikaw, wala ka bang gagawin? Wag na tayong sumama.” Sabi naman sa akin ni Austin.

“Ah. Sayang naman.” Sabi ko naman. Di ko alam pero nakaramdam ako ng lungkot ng ayaw sumama ni Austin. Pakiramdam ko kasi na magiging masaya dun eh. Saka, mas makikilala ko pa sila ng mabuti pag nagkataon.

“Gusto mo ba sumama?” Tanong sa akin ni Austin.

“Alisa!!!” Napalingon kaming dalawa ni Austin sa boses na tinawag ang pangngalan ko.

*Dug dug* Si… Ivan. Natakbo sya papalapit sa amin.

“Alisa, sama ka sa bday ni Aaron ha? Sa beach resort yun. Masaya dun promise!” Sabi naman nya na medyo hinihingal-hingal pa.

Napalingon ako kay Austin, hindi ko mabasa ang ekspresyon ng mukha nya pero iisa lang alam ko.. Ayaw nyang sumama kami sa bday ni Aaron. Bumalik ang tingin ko kay Ivan, “Hindi pwede eh. May gagawin si Austin mamaya eh.” Sabi ko naman.

“Si Austin yun. Ikaw, meron ka bang gagawin? Dun mo nalang gagawin. Tutulungan pa kita. Sama ka na ha?” Sabi naman nya sa akin.

“Narinig mo naman ang sinabi nya di ba? Kung hindi, ‘hindi’ ang sagot nya. Alisa, halika na alis na tayo.” Hinigit ni Austin ang kamay ko pero hinawakan din ni Ivan ang kamay ko.

“Bitawan mo sya.” Malamig na sabi ni Austin kay Ivan. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Pakiramdam ko talaga na meron silang hindi pagkakaintindihan.

“Bakit ba ayaw mo syang pasamahin? Natatakot ka ba na baka may bumalik sa alaala nya?” Sagot naman ni Ivan dito.

May dapat ba akong maalala? Napa-isip na naman ako…

I'm Married ∞ | ✓Where stories live. Discover now