Chapter 2

1.1K 62 3
                                    

Leann's POV

Pag dating ko sa bahay ay may mga pulis hindi ko alam kung bakit. Pinark ko ang kotse ko sa garahe at agad na pumasok sa loob ng bahay namin. Nandoon si Mommy't Daddy tapos kausap ang humahawak sa kaso ni Xiana. Hindi ko sila pinansin aakyat na sana ako pero na pako ako sa kinatatayuan ko nung nag salita ang pulis. "Mr. And Mrs. Honrado nakita na namin ang CCTV footage ng school may mga parte ng deleted na at hindi sunod sunod ang oras, meron din kami nakitang parang isang babae na pumasok sa loob ng shower room ilang oras bago po pumasok ang anak niyo naka jacket na itim at lumabas din matapos, di masyado kita ang itsura dahil ang cctv ay malayo. Medyo maraming tao pa noon sa eskwelahan kaya di na malaman kung sino ang isa sa mga pumatay pero na ninigurado po akong isang estudyante rin po iyon ng St. George, kita ko pa nga po ang anak niyong isa eh. Kasama ang mga kaibigan niya na lumabas sa gate noong araw na 'yon. Mukhang planado po ang pag patay sa anak niyo." Sabi noong lalaki tumingin si Mommy sakin na parang nagtataka, don't tell me na ako ang pag hihinalaan niyang pumatay. Kaya nag react agad ako. "Oh? Eh ano kung makita doon? Kasama ko ang mga kaibigan ko baka pag bintangan niyo rin po ako?!" utas ko, hindi na sumagot si Mommy umakyat ako sa hagdan pero huminto rin ako sa taas at pinakinggan pa ang usapan nila. Di parin talaga tumitigil ang mga magulang ko sa pag hanap sa killer niya.

Nakakainggit siya dahil patay na siya pero siya padin ang iniintindi pumasok ako sa loob ng kwarto ko at binagsak ang gamit ko sa kung saan at hinubad ang sapatos ko. Humiga ako sa kama ko at kinuha ang earpods ko, ang sama ng pakiramdam ko. Pumikit ako saglit at si Xiana ang nakita ko umiiyak siya kaya bigla akong na pamulat, umayos ako ng upo at inalis ang earpods ko.

Tumayo ako at nagulat ako ng nakita ko si Manang Belen pag bukas ko ng pintuan ko. "Shit!" I cursed, nakita ko si Manang Belen na may hawak na white t-shirt. "Leann, iyo ba itong damit na ito?!" Tanong niya sakin at binuka niya yung t-shirt may mga dugo pa ito. "Hindi po, patingin nga po ako." Sabi ko tapos inabot niya sa akin yung t-shirt pinagmasdan ko ng maiigi ang t-shirt. "Uh, sa kaklase ko po ito, Manang! Tarantadong Ibañes 'yon dito sakin pa tinago ang pinagduguan niya matapos makipagsuntukan! Ibibigay ko nalang po ito sakanya, wag niyo na pong laban." Sabi ko. Tumango siya sa akin at umalis na, inilagay ko sa isang plastic bag ang t-shirt at nilagay sa bag ko. Lumabas ulit ako ng kwarto ko at bumaba, pag baba ko ay wala na ang mga pulis, si Mommy ay umiiyak si Daddy naman ay kino comfort siya. Dumiretso ako sa kitchen at kumuha ng tubig sa ref, pag sara ko ng ref ay nakita ko ulit si Xiana, umiiyak siya.

"Leann .. Bakit mo ko pinatay?!" Tanong niya sakin. "Hindi kita pinatay!" Sigaw ko at binato ko siya ng baso, bakit siya nag papakita sakin? "Leann, what happened?!" Napatingin ako bigla kay Daddy ng pumasok siya, hindi ako nakapag salita hindi ako alam ang sasabihin ko kaya agad akong yumuko para damputin ang basag na baso. "Wala po, Dad! Na-nabasag ko lang po yung baso, na bitawan ko po. You know that I'm clumsy right?!" Sabi ko pag yuko ko ay nakita ko na naman si Xiana at bukang bibig niya ang sinabi niya sakin kanina. "Leann, bakit mo ko pinatay?!"

 "Leann, bakit mo ko pinatay?!"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Xiana's Killer | #KNLabyrinthWCWhere stories live. Discover now