Chapter 1: First Sign

7K 220 12
                                    

First Sign

Sinubukan kong tingnan ang likod ng hawak kong sticky-note.


1st Sign na crush ka ng crush mo? Pag nakita mo 'yong Crush mo, na nakatingin din sayo.

PS. More signs are coming to help you.

- Good Luck -

Isang malaking question mark sa 'kin kung sino ang naglagay no'n sa cup ng coffee ko. Ang lakas naman ng trip no'n!

“Norie,”

Kasabay nito ang biglang pagdating ni Jhai. And eww, sana nag-alcohol ang bruha bago pumunta rito.

“Oh, Norie, ano 'yang hawak mo?” Tanong niya at umupo sa bakanteng upuan na nasa harap ko.

“Basahin mo, oh!” Inabot ko sa kaniya 'yong note at binasa niya.

Nagtaka rin sya. Pa'no nalaman nong nagbigay no'n na magse-search kami? Ang weird talaga.

“Sino kaya 'yan? They want to help eh. Edi hindi na pala natin kailangan mag-search, Norie?” Ani Norie.

"More signs are coming to help you?" Sabi ni Jhaii habang nanliliit ang mga matang binabasa ang nasa maliit na papel na hawak niya. “Ah, so ibig sabihin madadagdagan pa 'to?” Magkakasalubong ang kilay niyang sabi.

"Baka nga."

Matapos ang ilang minutong pag-uusap habang nagka-kape, tinungo na namin ang aming classroom.

Naalala ko 'yong note, parang nakaka-enggan'yo kasi kaya gusto kong subukan. Hinanap ko ka'gad si Roey. Alam kong magka-tapat lang kami ng room. Hindi naman ako nabigo, dahil nakita ko syang naka-tayo sa labas ng room nila na para bang may hinihintay.

Kinakabahan ako hindi ko alam kung bakit.

Pumwesto ako sa tapat ng pintuan na nakabukas pero hindi ako masyadong lumapit dito dahil baka mahalata ako. 'Yong tama lang na makikita ko siya.

"Okay, Norie sabi d'yan sa note, 'pag nakita mo s'yang nakatingin din sayo, ibig sabihin ayun 'yung sign na may gusto rin siya sa'kin." Kausap ko 'yung sarili ko. Nag-iisip at naghihintay ng response.

Sinulyapan ko sya at hindi nagtagal, tinitigan ko na.

Tumingin ako sa wrist watch ko at baka mayari ako ng professor ko rito sa ginagawa kong pagtanaw sa labas.

10 seconds. May 10 seconds pa 'ko para matitigan siya. 10 seconds bago pumasok ung professor namin. I'll count 10 to 1. Maghihintay ako.

10

9

8

7

Ayaw tumingin! Tsk!

6

5

4

Give me a glance, please...

3

Shit! Hu-hu! Pikit na lang ako.

2

Bahala na.

1

OmyGod! Na-nakatingin s'ya sa 'kin! I felt my chest seems that thousand of drums banging it.

Hindi ko alam kung ngingiti ba ako! Ewan ko. Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko.

I don't know what to do. All i know is i'm stuck gazing at him.

Nakatingin lang ako sa kanya ay hindi! Pakingshit magkatitigan kami!

Nginitian ko siya kaso bigla na siyang tumalikod at tuluyan nang pumasok sa loob ng room nila.

Wala s'yang reaksyon nung nakatingin ako sa kanya. Aba! Norie, bakit naman magkakaro'n e hindi ka naman kilala niyan. Tss! Nababaliw na naman ako. Pe-pero tumingin sya! Hi-hi! Letche! kinikilig ako!!

No'ng haharap na ko sa board-shit! Si-si Ma'am nasa harap ko na.

She caught me!

"Ayy, ma'am sorry."

"Sino ba tinitignan mo d'yan at kinikilig ka pa parang kinikiliti 'yang bewang mo?"

"A-aheh! Wala po ma'am. Let's start na po to our topic."

At nag-start na ang klase namin.

Grabe hindi talaga ako makaget-over. Lumingon s'ya sa 'kin ay hindi! Nagkatitigan pala kami. Ho-ho-ho!

**

After an hour, lunch break na. Kasama ko si Jhai sa canteen.

"Jhai! Jhai! Jhai! Si Roey! Remember the note? Tumingin si Roey, Jhai!! Tumingin siya!!"

Tumingin lang siya sa 'kin.

"Tss! Oo na wag mo na 'kong yugyugin at baka matapon 'tong pagkain ko!"

"Ayy, hehe sorry."

"Do'n tayo Norie!" Sabay turo niya sa vacant na table. "Do'n na tayo umupo sa wala pang tao."

Tinuro niya 'yong table na pinag-upuan ko kaninang umaga no'ng bumili ako ng coffee.

"Okay, sige." Pagsang-ayon ko naman.

Pagkaupo ko nagulat ako nang mapatingin ako sa table kasi may..

"Sticky note-Jhai!" Sabay hatak sa kaniya. "Tignan mo 'to oh !"

"Ara-aray, Norie! Ano ba kasi 'yan-oh, another note pala. Good news yan!"

10 Signs Na Crush Ka Ng Crush MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon