Ariana! Buti na lang nakita na kita. Di ka pa din nagbabago. Maaga ka pa din pumasok, wika ng isang morenang batang babae sa isang chinitang batang babae sa may gate ng school. Marami na bang tao sa classroom natin?
Konti pa lang, Nina. Tara! Gumala muna sa loob ng school. Unang araw ng klase sa Trinity Academy na kung saan freshmen sina Ariana at Nina. Galing silang pareho sa iisang school noong elementary at ang iba sa kanilang mga kaklase ay nag-enroll din na makakasama din nila.
Samantala, nag-aayos ng mga aklat si Arthur Lee, ang librarian at history teacher sa high school department. Narinig niya na may kumakatok sa pinto at agad niya itong pinagbuksan. Pumasok si Mrs. Aurora, ang principal para tingnan ang hitsura ng silid.
Impressive, Mr. Lee. Finally, nagkaroon na ng ideal library ang ating school. Thank you for a job well done!
Thank you Ma'am. Magiging operational na ang library natin this year.
But still, there are some problems when it comes to references. Medyo kulang ang mga libro. Pero magagawan natin ng paraan 'yan. Just continue what you're doing to improve our library. Good luck sa 'yong trabaho as librarian.
Yes, Ma'am. Salamat po, wika ni Arthur. Ipinagpatuloy niya ang kanyang ginagawa pagkalabas ng principal.
Sa loob ng classroom, nag-uusap sina Ariana at Nina kasama ang iba nilang dating kaklase noong elementary na sina Shaira, Vivien at CJ.
Buti na lang at dito din kayo pumasok. Sayang lang at 'yung iba nating tropa ay hindi natin kasama, wika ni Shaira, ang class valedictorian nila noong elementary.
Hay naku! Huwag na nga lang natin silang pag-usapan. Nakakalungkot lang eh, sabat ni Vivien na medyo may katabaan at magaslaw kumilos.
Ang bilis, ano? Parang kalian lang noong mga elementary tayo. Ngayong nasa Grade 7 na tayo, panibagong experience ang ating mararanasan, wika ni CJ na nag-iisang lalaki sa grupo.
Oo nga. Sino kaya ang magiging teacher natin, tanong ni Nina habang nagdo-drawing sa kanyang sketch pad.
Sumingit si Ariana sa kuwentuhan. Malalaman din natin 'yan mamaya. Huwag kayong mag-alala. Excited na ako na magsimula ang klase natin!
Masayahin, mabait, at maganda si Ariana na namumukod-tangi sa grupo. Mahilig siyang kumanta at sumayaw. Salutatorian siya noong elementary at aktibo sa mga school activities. Simple at walang arte sa katawan. Siya din ang nagbibigay ng sigla at buhay sa grupo.
Pumasok sa loob ng classroom ang isang teacher na chinita at may maikling buhok, Good morning students!
Good morning Ma'am, tugon ng lahat.
Before we start, let me introduce myself. I'm Ms. Liza Felisimo, your class adviser. Welcome to Trinity Academy. Nagsimula ang klase sa discussion ng rules and regulations ng school at pagpapakilala ng bawat isa sa klase. Ibinigay din sa kanila ni Ms. Felisimo ang schedule ng mga subjects sa kanila.
Habang nagre-recess, pinagmamasdan nina Shaira at Vivien ang mga lalaki na dumadaan. Grabe, totoo na ang daming mga cute at pogi dito sa Trinity. Wow! Wala akong mapili, bulong ni Vivien kay Shaira.
Nakikita mo ba 'yung nasa kanang table? Siya si Zyrell, siya 'yung kilalang dancer dito. Kamukha niya si Tom Rodriguez, bulong ni Shaira kaya Vivien.
Tapos katabi niya si Vincent, 'yung varsity player dito. Ang cute ng mga mata niya, di ba? Gusto kong dukutin, kilig na kilig na bulong ni Vivien kay Shaira.
Lumapit sa kanila sina Nina at CJ. Grabe kung kiligin ang dalawang ito. Parang kinikuryenteng hito, biro ni CJ.
Ewan ko sa 'yo. Teka, nakita niyo ba si Ariana, tanong ni Shaira.
Si Ariana ba? Kanina kasi eh parang hinahanap niya 'yung library. Siguro nandun siya, sagot ni Nina.
Ganun ba? Hayaan na lang natin siya dun. Magaganda ang view dito. Ikaw CJ, may nakita ka na bang magandang girls dito, tanong ni Vivien.
Ano ka ba? Alam naman natin na si Ariana lang ang apple of the eye niya. Di ka na nasanay. Torpe lang kasi kaya walang nangyayari, sabat ni Nina.
Tumahimik ka nga diyan, Nina. Nagseselos ka lang eh, biro ni Shaira. Ang mabuti pa, bumalik na tayo sa classroom. Malapit nang magsimula ang sunod nating klase.
...
Mag-isang pumasok si Ariana sa library. Napansin niya na walang tao sa loob. Tiningnan niya ang mga libro at iba pang mga bagay na makikita sa paligid. Sa kanyang paglalakad, may napulot siyang fountain pen sa sahig. Naka-engrave sa gilid nito ang pangalang Arthur Lee. Sino kaya siya? Baka isa sa mga estudyante dito. Isauli ko na lang sa kanya mamaya. Ibinulsa niya ang fountain pen at agad na lumabas sa library.
Habang paakyat siya ng classroom, napatingin siya sa kanyang orasan. 10:10:03 na ng umaga. Nakita niya na may isang lalaking teacher ang papasok sa kanang pintuan ng classroom. Para hindi siya mahuli, dumaan siya sa kaliwang pinto. Pinihit niya ang doorknob. Saktong 10:10:10 sa kanyang relo. Agad siyang pumasok na nagmamadali sa loob ngunit sa isang emergency exit siya lumabas. Bumagsak siya sa sahig at pilit na tumayo, Napansin niya sa paligid na nasa loob siya ng isang mall. Teka, ano ang ginagawa ko dito? Napuna niya na iba din ang suot ng mga tao sa paligid. Nakita niya ang mga tao na may hawak na cellphone na may mahabang antenna at beeper na binabasa ng mga tao.
Beeper? Celphone with antenna? Teka, nabasa ko na nauso ito noong 1990's. Napatingin siya sa isang stall at nakita ang kalenderyo - July 14, 1995. Ano? 1995? Pero paano ba ako napunta dito? Papasok lang naman ako sa klase eh. Oh my God! Paano ng nangyari ito, wika niya na hindi alam ang gagawin.
Mula sa likuran niya ay may isang lalaki na mabilis na tumatakbo. Hindi nito napansin si Ariana na nakatayo kaya nagkabanggaan sila. Pareho silang bumagsak sa sahig. Natapon ang mga dalang donut ng lalaki na nagkalat sa sahig. Nakita din niya si Ariana na hirap tumayo at agad na tinulungan. Okay ka lang? Pasensiya ka na sa akin kasi hinahabol ako ng mga kasama ko.
Nagkatinginan ang dalawa ng mata sa mata. Halos kapareho ng edad ni Ariana ang batang lalaki na flat tops ang buhok at naka-school uniform ng white polo at khaki pants. Pakiramdam nila ay parang tumigil ang oras habang hawak nila ang isa't-isa.
YOU ARE READING
#TurnBackTime2 (The Chronicles of Arthur Lee)
FantasySa hindi inaasahang pangyayari, natuklasan ni Ariana ang kakayahang makapaglakbay sa nakaraan. Sa taong 1996, nakilala niya ang isang batang lalaki na si Arthur Lee. Si Arthur Lee, ay isang guro sa kasalukuyang panahon na may malinaw na alaala kay A...
