the one with the preps

Start bij het begin
                                    

"Buti na lang natauhan na tong si RJ no?" natatawang sabi ng nanay ni Maine. "Huling-huli na nga siya sa mga pangyayari."

"Kung alam niyo lang kung gaano ko siya kagustong suntukin nung binalikan niya yung babaeng yun," sagot naman ng daddy ko.

"Dad naman," sabi ko habang nagkakamot sa ulo.

"Aba dapat lang sayo ang masapak! Sinaktan mo kaya itong si Menggay."

Nagtawanan lang silang lahat habang ako, nagpapawis pa rin ang kamay sa sobrang kaba.

"You okay, baby?" Maine asked when she noticed how wet my hands are. "Kanina ka pa pinagpapawisan."

I held her hand tightly and smiled. "I'm okay, baby."

Napalingon kami ni Maine nung tumikhim ang tatay niya at tinawag ako. "RJ,"

Yung kabang nararamdaman ko kanina? Nawala lahat nung marinig ko yung sinabi niya.

"Mahalin at alagaan mo ng buong-buo ang bunsong babae ko, RJ, at wala tayong magiging problema."

October 23, 2021

Nandito na kami sa kanya-kanyang kwarto ngayon pagkatapos ng rehearsal namin kanina. Everything went well naman, halos lahat ready na para bukas. 2pm kasi yung kasal, sakto na hindi naman umuulan simula nung dumating kami dito nung isang araw. Sana ganun pa din hanggang sa isang araw.

Nakahiga lang ako sa kama ko nung napatingin ako sa oras. 7:53pm pa lang pero ang tahimik na ng paligid. We wrapped up just about 30 minutes ago pero parang ang tagal tagal na. I wonder what Maine is doing.

Tatawagan ko na sana siya nung nakita ko yung name niya sa phone ko sa screen.

"Ano, hindi ka nakatiis no? Ikaw din unang tumawag."

Kanina sa rehearsal, we had a little bet earlier. Kung sinong unang tatawag, siya ang talo. Lakas pa ng loob niyang sabihin na ako yung unang tatawag pero kita naman na siya talaga ang ultimate clingy girlfriend. Joke lang.

"Mukha mo, I'm just going to check on you. Mamaya nambababae ka na diyan."

"I'm just a wall away from you, Menggay. Kung may babae dito maririnig mo na."

"ABA'T MAY BALAK KA PA TALAGA HA!!!!"

"Joke lang Nicomaine susmaryosep!"

"Hindi nakakatuwa yung joke mo RJ ha. Sasapukin talaga kita!"

"Sorry na. I'm perfectly fine here, baby. Aminin mo na lang na miss mo na ako. Dali dali lang eh."

"Mukha mo miss. Tse."

"Amin amin din kasi, Meng."

"Oo na nga miss na kita."

"Napilitan?"

"Grabe ka sakin, RJ!"

There was a moment of silence for the both of us, until we both said,

"Labas tayo."

Natawa na lang kaming dalawa ni Maine. Sabay kaming lumabas ng kwarto at nagkita pa kami sa hallway. Parehas pa kami ng suot. Jogging pants at yung hoodie jacket namin sa university.

"Diba sabi nila bawal daw magkita ang bride at groom before the wedding? Sinabi mo din sakin yon!"

"Wala akong pake, RJ. Tara na, lumabas na tayo please," hinigit na niya ako palabas ng hotel. May mga bikes kaming hiniram pagdating pa lang namin nung isang araw kaya yun din yung ginamit namin ngayon. Nag-ikot ikot muna kami hanggang sa makarating na kami sa Vayang Rolling Hills.

Sakto, may parang kumot dito sa basket sa bike kaya naglatag kami saka umupo. Maine sat in between my legs, leaning the back of her head on my chest while my arms are wrapped around her. Nakatingin lang kami sa dagat, our favorite thing to do together.

"I still can't believe we're getting married tomorrow, baby," she said. "Parang kailan lang, naglilibot pa tayo sa iba't-ibang bansa."

"Ayaw mo yatang makasal sakin eh."

"Loko ka, syempre gusto ko no! Mukha lang hindi, pero gusto ko talaga."

"Happy ka?"

Nagulat yata si Maine dun sa tanong ko, napatingin kasi siyang bigla sakin.

"I remember asking that to you nung nasa US tayo."

I remember that too, she asked me that nung nasa Hawaii kami after a series of activities. I was genuinely happy at that moment.

Pero ngayon? Ibang happiness yung nararamdaman ko. Sobra pa sa sobra eh.

I kissed her forehead and smiled. "I remember that, baby. Pero ngayon, happy ka ba?"

"Ano ka ba, syempre oo naman!" she cupped my face and leaned forward so she can kiss me. "More than you'll ever know."

We stayed at the Rolling Hills for about an hour, our legs intertwined, our bodies so close together. Naghikab bigla si Maine kaya kami nagdecide na bumalik na sa hotel para makapahinga na din.

Hila hila ako ni Maine papasok sa hotel nung pinigilan ko siya.

"Maine?"

"Hmm?"

"Love me?"

Tumigil siya sa paglalakad at tumingin sakin, sabay ngiti.

"Always, baby. Always."

***
A/N: SURPRISE ULIT!!! Gulat na naman kayo no? HAHAHAHA. Ako din nagulat eh 😂 anyhoo, here's the first part of this chapter. May 2nd part pa to, then last chapter na talaga. I hope you like this! Unbeta'd (as usual) kaya all mistakes are mine. Edit ko na lang next time hahaha tweet me your thoughts, I'm @fymaichard 😊

The Bucket ListWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu