'Why now? Kaaalis ko lang kasama ang daddy. We'll be having our vaca...' ani ni Setra sa text. Napaismid ako.

Sayang naman. Halos malasog ang ngala ngala niya sa tuwing nakikita ang kuya now that she has the chance to meet my brother personally ay saka pa siya wala. Hindi rin naman siya umattend kahapon.

Nagsend lang ako ng emoji sa kanya bago bumaba na nang tawagin ako ni kuya. Dumako ang mga mata ko sa mga lalakeng nasa ibaba ng ring at sinusubukang magshoot. All of them are from Sandoval cousins.

Hinalughog ng mata ko ang presensiya ni Pruss. He was the only one na wala sa mga magpipinsan. Kumunot ang noo ko. Again? Maybe he's just late? Maya maya pa siguro ang dating niya. He's a busy person, Emla. Dapat alam mo 'yan.

Tinanguhan ko lang ang magpipinsan nang makarating ako sa gilid. Nagawi ang tingin ko, nagbabakasakaling si Pruss iyong dumating ngunit dalawang lalakeng pamilyar sa akin ang lumabas sa isang Montero. Wearing their jersey. Doctor Colton and kuya Chaxel.

Nang makalapit sa amin ay nakipaghigh five lang ito kila kuya.

Pumangalumbaba lamang ako roon habang pinagmamasdan ang mga lalakeng naglalaro at nagtatawan sa gitna ng court.

"Stop the face, Emla! They'll be here any minute." Utas ni kuya nang mapansin ako. Nilingon niya ang ring at pinasok ang hawak na bola. Umayos ako ng upo at nilingon ang labas para subaybayan ang kotseng baka sakaling huminto roon.

Halos maramdaman ko ang kaba sa dibdib ko nang makita ang pamilyar na Sportage ni Pruss. Kusang lumitaw ang ngiti ko at napiling tumayo para ayusin ang damit ko.

Sa wakas. Akala ko matagal pa akong bubusangot dito dahil wala pa siya.

Napairap ako nang madatnan kong nakangisi ang kuya sa akin.

Mula sa front seat ay lumabas ang nakajersey na si Pruss. Sa likod nito ay nakasabit ang kanyang bag. He was smiling at me. Halos rinig ko na ang bawat tahip sa dibdib ko.

"Hi!" bati niya at humalik sa pisngi ko. Naestatwa ako sa init ng labi niyang hinaplos ang aking pisngi. It felt real. My dream last night felt real now.

"Hi!" bato ko pabalik at ngumiti sa kanya.

"I'm sorry for not being present last night. I'm in a business deal." Kwento niya at nilapag ang bag niya sa tabi ng inuupuan ko.

His manly sent trapped me in blossoms. Sa simpleng amoy niya ay halos maghurumentado ako.

"Sayang nga e. Next time maybe." Ani ko at nginitian siya. He moved his head on his side trying to tell me he needs to enter the court. Tumango lang ako sa kanya at hindi inalis ang tingin kung paano siya makipagbatian sa mga pinsan at ibang kasama nito. Naputol lamang iyon ng may dumaan sa harap ko.

Nanlaki ang mata ko nang makita ang pamilyar na bartender. Compared to them, he's not wearing a jersey. Tanging puting v-neck sleeveless shirt ang suot nito at cotton shorts na tamad niyayakap ang binti niya. Kailan pa siya sumali sa kanila para sa basketball?

What he did last night came rushing inside my head. Kung paano niya pasakitin ang ulo ko dahil sa ayaw niyang pagbigyan ang aking gusto.

"What are you doing here?" singhal ko, hindi ininda ang presensiya ng mga lalakeng sa tingin ko ay maaring marinig ang boses ko.

"Trying to mix some drinks, I think?" pabalang na sagot nito ng hindi ako nililingon. Lagi ko siyang nakikita sa tuwing lumalabas sila kuya na kasama ako. He's one of my brother's friend at pinagtataka ko kung bakit? He's a bartender. Kung itatabi siya sa lahat ng kaibigan ng kuya ay naliligoy siya ng landas. At saka ngayon ko lang siya napansing maglalaro kasama sila kuya.

Emla (SSB#2)Where stories live. Discover now