Chapter Four: Past Tense

1.2K 19 5
                                    

Kyle and Lisa

________________________________________________________________________________

[Ella's POV]

Pumasok si Lisa sa office ni sir Brent. Yeah narerecognize ko pa siya.. Pero parang nagkita na kaming dalawa dati pa. Hindi ko lang matandaan kung saan. Wala si sir Brent eh, umalis may hinahanap daw siyang tao. After nung nangyari sa restaurant eh hindi na ako masyadong pinapansin ni sir Brent. Kumabaga ang relationship nalang talaga namin eh yung boss ko siya empleyado niya ako. Nagbibitter ata kasi di ako bumalik sa restaurant. AHH EWAN!! Saka lately eh preoccupied siya at lagi siyang umaalis, tapos minsan may mga nagpupuntang private investigators dito sa office. Parang may hinahanap siyang tao. Basta ayoko ng maki-gulo sa kanila. Basta ako eh gagawin ko ng trabaho ko.

MYOB kumbaga.. Mind your own business.

Anyway balik tayo kay Lisa..

"Mam gusto mo ng coffee.." I greeted her with a smile. Although I noticed na katatapos niya lang umiyak.

"Ewww wag mo nga akong tinatawag na mam di naman bagay sa akin eh." she smiled.

I laughed.. "Pasensya kasama sa protocol namin."

"Wala ba kayong hot chocolate.. Di kasi ako nagcocoffee eh.." well since my hot chocolate naman eh gora!

Binigyan ko ng hot chocolate si Lisa, then bumaik na ako sa table ko andaming pinapagawa sa akin ni sir Brent. Lahat ng reports niya ako gumagawa. Sana naman makita niya na kung sino yung hinahanap niya.. Baka naman asawa na ang hinahanap nun kaya matagal? Pwede namang ako diba? HAHAHA.. Okay ang landi ko na.. Back to work..

Maya maya dumating na si sir Brent. At siyempre nagulat siya nung nakita niya si Lisa.. "Lisa umaano ka dito?" Yumakap si Lisa kay Brent sabay nag-iiyak siya. Hala ano nangyari?

"Lisa ano nangyari?" tanong ni sir Brent.. Umiiyak pa din si Lisa.. "Lisa.." hinatak ni Brent si Lisa papalabas ng office. Saan kaya pupunta yun? Anyway back to work.

[Brent's POV]

Tahimik lang si Lisa sa kotse habang dhn dahan niyang pinupunasan ang luha niya gamit ang panyo na inabot ko sa kanya. I'm looking for a place na magkakausap kami ng ayos. Then napadaan nalang ako sa isang playground. Yung playground kung saan mo kami unang nagkita, medyo naluma na yung playground. This is so reminiscent.

Naglakad akad kami ni Lisa sa playground. Kalmado na siya pero bakas pa din sa mukha niya ang lungkot.

"Hindi ko akalain na makakasama kita uli dito." sabi sa akin ni Lisa.

I smiled. "Bakit lagi ka bang nandito?"

"Pag nalulungkot ako.. gaya ngayon.."

"Bakit naman dito pa?" tanong ko sa kanya.

"Ewan siguro dahil dito nagiging kumportable ako. Saka feeling ko kasama kita.." she smiled.. "Ikaw kasi ang nagcocomfort sa akin dati.." Oo lagi pa ngang umuulan pag kinocomfort kita eh. Umupo kami sa isang park bence doon.. Then sumandal siya sa shoulder ko. "Nasabi ko na ba sa'yong namiss kita ng sobra Brent." namiss din kita Lisa.. Namiss kita ng sobra sobra.. Tahimik lang ako.. Speechless.. "Hindi ka man lang nagpaparamdam nung nag-aaral ka sa US. Akala ko tuloy nagagalit ka sa akin.."

"Hindi ah, bakit naman ako magagalit sa'yo.. Eh diba--." hindi ko tinuloy..

"Diba ano?" napatingin siya sa akin..

"Ah wala.." diba mahal na mahal kita.. Ayan ang gusto kong sabihin.. napaharap ako sakanya.. "Maiba tayo.. What happened to you?"

She buried her face on my chest.. "Ewan.."

"Things not going so well with Kyle?"

"Yeah.."

"Bakit?"

"Third party.."

"HA?!" Taena! Gago pala yung Kyle na yun.. "SINO?!"

"Si Hannah.. I saw them on Kyle's bed earlier today.." Tumayo ako.. "Stay here.."

"Saan ka pupunta?"

"Well dadalin ko sa ospital si Kyle.. Maybe break a few bones.."

"Uy ano ba? Wag ka namang ganyan Brent.." hinahatak na ako ni Lisa papabalik sa upuan..

"Don't even try to stop me! Pagkatapos kong ipaubaya ka sa kanya gaguhin ka lang niya! Hindi pwede!" I shove her hand off.. Sabay umalis ako..

[To be continued]

______________________________________________________________________________

Wahahah ayan na update ko.. Medyo mahaba haba itong chapter na ito.. Hahaha

Hello vote naman kayo saka leave kayo ng comments.. :) Salamat XDD

LOVE LOVE LOVE

--KINO

Fairytale Princess (Love Encounters 2) (NEW STORY)Where stories live. Discover now