Third peson's POV
Kaila Mhae Dizon "Kai" for short. Simple, magalang, maalaga, mabait, hindi basta basta nasuko, iniisip ang iba bago ang sarili nya at masayahin, pero sa lahat ng magagandang katangiang yon, hindi parin matatangging hindi perpekto ang buhay nya, na wala syang problema, na hindi sya nalulungkot, dahil kahit anong gawin nya, may kulang parin. Hindi nya alam kung sino ba talaga sya.
Amnesia, may amnesia sya at di nya alam kung sinong tunay nyang pamilya sa loob ng isang taon. Pero nagpapasalamat parin sya dahil sa pamilyang kumopkop sa kanya. Ni hindi nya alam kung ano ba talaga sya. Ano bang ugali nya, Saan sya nanggaling, Kung yung tunay nyang pamilya ay iniintay sya. Feeling nya nabubuhay sya sa isang malaking kasinungalingan, kung saan di nya alam kung nararapat ba sya sa lugar na nasaan sya, gamit ang apilyido ng iba, ni walang alam kung sino ba sya sya talaga. Hanggang sa araw na nagkausap sila ng kapit bahay nya, na kaklase nya, na hindi nya pa nakakausap dalwang buwan na simula pa nung lumipat sya ng inuuupahan nyang bahay hanggang dumating yung araw na yon.
"Hello, Ma?" Sagot nya sa kabilang linya.
("Anak!") Rinig nyang sigaw ng Mama nya. Marinig nya lang itong tawagin syang anak ay napapangiti sya. Dahil kahit di naman sya nito tunay na anak ay parang anak talaga ang turing sakanya nito. ("Kamusta ka na? Ok ka lang ba dyan?") Tanong ng mama nya na nasa Cebu. Pinili nyang pumuntang manila upang tulungan ang lola nya (Nanay ng mama nya). Dahil sa trabaho ng Mama nya ay di ito kasamang tumira sa kanya. At dahil maraming nakatira sa bahay ng lola nya ay napilitan syang mangupahan.
"Ok lang naman ako, Ma. Ikaw po ba?" Tanong nya dito. Nami-miss nya na ito. Isang buwan na rin nung nagpunta ito sa manila upang magkita sila.
(I'm ok pero Namimiss na kita. As in miss na miss na miss na kita.)
"Miss na miss na miss na miss na din kita, Ma. Magkikita naman po tayo nitong buwan diba?"
(Pasensya nak. Im really busy at work kaya hindi ako makakabisita I'll make it up to you.) Malungkot na saad nito.
"It's ok. I understand naman, Ma. You don't need to worry. I really do miss you a lot, but i can manage my self."
(I know, pero di mo ko mapipigilan sa pagworry sayo even though i know you can manage your self.)
"Hays. Ma, papasok na po ako. Ang bilis ng oras." T.T
(Pumasok ka na nga, baka malate ka pa. Sige na nak, goodbye, i love you.)
"I love you too. Bye." At binaba nya na ang tawag dahil baka mapahaba pa ang usapan.
Nagbus sya papuntang school. Hindi uso sa kanya ang jeep, masikip kasi dito at mainit, may tendency kasing manikip ang dibdib nya.
Kai's POV
Napalingon ako sa katabi ko. 'Gian Vaughn Dela Cruz'. Classmate-slash-Neighbor ko. Ni minsan hindi pa kami nagkausap, kung sabagay ni katiting na interest ay wala kami para sa isa't isa. Bakit nga naman kami mag uusap?
Nakaearphone sya habang nakapikit. Hindi ko ikakailang gwapo nga sya, Kaya pala napakasikat nya sa school namin. Hindi lang yon, naririnig kong magaling daw sya sa basketball at MVP sya ng School's Basketball Team.
"Staring is rude." For the first time narinig ko sya magsalita gwapo din ang boses nya.
Bigla niyang minulat ang kanya mata kaya napaiwas ako ng tingin. Sheyt! He caught me staring?! O.O wait! Whuuut?
