taking chances

1 1 0
                                    

Nung una kita nakita iba na nadarama, may kung ano kilig at kahiwagaan ang nakita sa iyong mga mata.

Masungit, seryoso ayun ay ganun ka, makulet, palabiro kapag nakapalagayanan na. Hindi ko lubos maintindihan bakit iba akin nadarama?

Lumipas mga araw, at buwan ang biruan ay naging kwentuhan ang kwentuhan ay naging inuman hanggang magka aminan.

Gusto ko na siya at gusto rin niya ako. Nung magtama aming mga mata ako'y nadala na lamang  ako sa mga halik niya. Naamoy ang pabango palihim ko inaamoy sa tuwing magkasama tayo

Umamin ka may kasintahan ka iba, tinanung mo kung "ok lang ba sa iyo?" Sa mga oras na iyon alam ko lamang ay masaya ako, sinagot ang tanung mo sa pamamagitan na lamang ng paghagkan ko.

Bahala na, bahala na, bahala na lamang kung saan tayo patungo. Anong saya ang nadarama kapag kasama ka, na sana hindi na matapos pa.

Wala tayong ginagawang selebrasyon dahil ang makasama ka para sa akin ay isa ng selebrasyon. Ayoko bilangin ang mga araw at buwan dahil ayaw ko ito bigyan ng hangganan.

Mali ba na mahalin ako? Mali ba na maging tayo? Sa tuwing kausap mo siya sa telepono at sasabihin mahal mo siya, pagkababa ng telepono, hahagkan mo ako.

Mali ba na umaasa ako? Mali ba na maging tayo? Inilalaan ko ang tenga ko para sa iyo upang mapakinggan ka at iparamdam sa iyo na lahat tayo ay may puwang dito sa mundo.

Ipinararamdam sa bawat halik at haplos na andito ako at hindi kita iiwan. Pinagsilbihan at minahal kahit pa may kahati ako.

Pero lumilipas na ang mga araw pero siya pa rin ang isinusumbat mo, Minsan ka umiyak at sinabi sa akin tapos na kayo, akala ko may pag-asa na tayo, umaasa ako na ako na pipiliin mo.

Pero hindi ka pa pala nakuntento at ayun at may kinakasama ka pa pala iba bukod sa ako. Lumipas lang ang mga araw nagkabalikan na rin kayo.

Mali ba na maniwala ako? Mali ba na makinig pa ako sa iyo? Nagalit ka nung sinabi ko hindi naman tayo, kung maghanap ka wala naman ako magagawa.

Kung aabot sa punto kailangan mo na mamimili, hindi kita pahihirapan at ako ang lalayo.

Natakot ka nung aking sinabi mga katagang iyon. Halos ayaw mo ako bitawan at sinabi "dito ka lang sa tabi ko, huwag ka lumayo".

Saan na ba tayo patungo? Hanggang kailan tayo ganito?

Nalaman ng mahal mo ang tungkol sa atin at sa mga oras na iyon wala ka nagawa nung pasakitan ako. Sa isip ko tama lang iyon kasalanan ko.

Mali ba na nagmahal ako? Mali ba ako ng inibig ko? Halos tapakan ang buo ko pagkatao dahil hindi daw ako sapat para sa iyo.

Bukod sa ako, sino pa ba kasama mo? Bukod sa ako, ano pa ba ang kulang ko?

Papaano ko mapupunan ang kulang para ako ang piliin mo?

Pero parang ang mga tanung ko ay naibulong na lamang sa hangin, umaasa madidinig mo at sasagutin ako.

Ang magmahal ng tao may mahal ng iba ay hindi mali, ang magmahal na nakasakit at ipinagpapatuloy pa rin ayun ang isa ng mali.

Nagising na lamang ako, madami na pala kami mas dumami kesa sa dati. Parati mo hinahanap ang kulang, parati mo ikinukumpara ang kakulangan ng iba sa bawat isa.

Tama na, sapat na ang minahal kita, sapat na, na minsan ay minahal mo ako, sapat na naging tayo sa paraan alam ko.

Lumayo na lamang ako ng wala paalam at para makapamuhay ka na rin ng matiwasay, wala ako pinagsisihan ayoko na lamang pa makagawa pa muli ng mali.

Kahit ako pa ang masaktan, sapat na ang naging tayo, sapat na upang makaroon ng linaw ang isip mo.

Paalam sa iyo, at sa hanggang sa muli natin pagkikita kung magpapakita pa ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 10, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

taking chancesWhere stories live. Discover now