4 : OMFG

209 10 3
                                    



Nakakainis! Ang aga nasira ng araw ko. Remember the guy who stole my first kiss? Well, nakita ko na naman ang hinayupak!

Nakapila ako para mag-order ng kape sa Starbucks, siya naman kinuha yung order niya. Nagkasalubong kami, pero ang walangya parang hindi ako ginawan ng masama. Parang hindi niya ako kilala! Gusto ko sanang patirin para madapa siya at matapon sa kanya yung kape niya. But of course hindi ko iyon ginawa, sarili ko lang ipapahiya ko...pati pala magulang ko kasi madaming mapanghusgang tao sa mundo, sasabihin hindi ako napalaki ng ayos ni Mama at Papa.

Okay na sana kasi hindi na niya inulit ang ginawa niya noong unang beses na mag-krus ang landas namin, pero talent yata niya na bwisitin ako.

Hinayupak Guy: excuse me Miss, sa I Got You Advertising ka ba nagta-trabaho?

Guess what?! Nakatingin siya sa dibdib ko...kasi doon naka-pin ang id ko. Hindi ko alam kung tanga siya o nagtatanga-tangahan o sadyang gusto lang niya na sirain ang araw ko.

Sa inis ko inalis ko yung id ko at itinapat sa mukha niya habang umiinom ng kape ko. Nung sigurado na ako nakita na niya, ibinalik ko na ang id ko sa pagkaka-clip at saka umalis sa harap niya.

Hindi pa siya nakuntento, sinundan pa niya ako at saka nagtanong na naman.

Hinayupak Guy: anong trabaho mo sa IGY?

Hindi ko talaga siya pinapansin. Diretso lang ako sa paglalakad papunta sa IGY building.

Hinayupak Guy: I'm Lucas Travis, but you can call me Luke.

Ahh, Luke pala. Eh wala akong pake! Wala ako pake kung sino siya! Eh ano naman kung siya si Lucas Travis. Hindi ko siya type! Hindi ko siya boss!

***

O to the M to the F to the G!!!

This can't be happening to me! Si Hinayupak Guy! Yes! Oo! Siya nga! Siya lang naman ang anak ni Sir Marlon. Si Hinayupak Guy ang papalit sa kanya bilang Operations Manager! Hindi ako makapaniwala!

Life and chance is playing with me! Of all people sa planetang 'to, siya pa talaga!

Syempre bilang ako si Wedding, act like I don't care. Act like I don't know him. But of course, epal na naman ang hinayupak. Pinansin pa talaga ako. He even mention my name. Sinabi din niya na gusto niya akong makita kung paano mag-trabaho since his father mentioned how I work and how our clients love my works. My ass!

Ayoko siya makasama! Ayoko siya makasama kasi baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko at baka kung ano ang masabi ko sa kanya.

Akala ko doon na natatapos ang lahat... HINDI PA PALA! May continuation pa. May mas ilalala pa pala ang araw ko.

Dismissed na kami. Tapos na ang meeting, pero ang walangyang hinayupak na lalake na 'yon bigla na lang may sinabi na hindi inaasahan ng lahat. Kahit ako hindi ko talaga inaasahan na sasabihin niya iyon.

"MISS WENDY, IT WAS REALLY MY PLEASURE TO BE YOUR FIRST KISS!"

Dahil sa ginawa niya na 'yon, nagmamadali kong makaalis sa lugar na iyon at nag-out.

May araw din sa akin ang Lucas Travis na 'yon! At kapag dumating ang araw na iyon... HUMANDA SIYA DAHIL LULUHOD SIYA SA HARAP KO PARA MAGMAKAAWA NA TIGILAN KO NA SIYA!! (Caps lock para intense, para damang-dama!)

•••
A/N:

Kapag po Sunday walang update, o kung anong araw po ang off ko. Wala na kaming net sa bahay, sadness. Pero kapag may pondo naman ako ng update, doble ang update bago ako mag-day off.

Salamat much!

Miss Wedding DiaryWhere stories live. Discover now