Epilogue

106 3 0
                                    

After 8 Years

"Love, si baby!" inaantok ko na sabi sa kaniya

Kahit na inaantok, bumangon siya at hinele ang tatlong buwang umiiyak na sanggol. Siya kasi ang nakatoka para alagaan si baby, marahil gabi na.

Maya-maya'y wala na akong narinig na umiiyak na bata. Naramdaman kong lumubog ang espasyo ng kama sa gilid ko. Naramdaman ko ang kaniyang brasong unti-unting pumupulupot sa aking katawan, ang kaniyang hita ay idinantay niya sa akin. Nararamdaman ko ang kaniyang hininga sa aking leeg. Naririnig ko na ang kaniyang malakas na hilik. Ako ay napahagikgik, kaya nagigising si baby eh! Tsk.

Unti-unti akong gumalaw para makatapat siya. Humigpit ang kaniyang pagyakap sa akin, akala siguro'y aalis ako. Kanina kasi'y nakatalikod ako sa kaniya. Nang tuluyan na akong tumapat sa kaniya. Napangiti na lamang ako ng makita ko ang kaniyang payapang mukha habang natutulog. Namiss ko yung mga araw na umaasa pa ako sa'yo, yung nasasaktan ako, nung iniiyakan kita. Nagkamali din ako, hindi ka pala paasa. Sadyang mahal mo lang talaga ako.

Nakita ko siyang may kahalikang iba. Alam kong wala akong karapatan ngunit di ko maiwasang masaktan sa aking nadatnan sa aming silid aralan na wala pang katao-tao dahil sobrang aga pa. Kasama niya yung babae sa ibang section. Sa tingjn ko ay Trisha ang kaniyang pangalan. Ng nakita ako ni Trisha sa bukas na pintuan ay agad agad siyang umalis sa kandungan ni Kenneth. Binitawan ko ang aking bag sa upuan sa harap. Bumagal ang ikot ng mundo ko ng makita ko siyang nakatitig sa akin. Tumalikod ako at tumakbo.

Naramdaman kong may kamay na humigit sa aking braso. Nauntog ako sa kaniyang dibdib. Niyakap niya ako at puro sorry ang narinig ko sa kaniya. Tinulak ko siya ngunit hindi ko kinaya, masyado siyang malakas. Umiinit na ang gilid ng aking mga mata.

'Hushh' sabi niya sabay punas sa aking tumakas na luha

Lalo akong umiyak. Sinuntok ko ang kaniyang dibdib.

"Nakakainis ka!" Sinuntok ko siya ng sinuntok hanggang sa mawalan na ako ng lakas.

Hinila niya ako sa aming room. Na wala pa ding tao maliban sa amin.

"Sorry" Yun lamang ang narinig ko sa kaniya. Niyakap niya ako.

"Tama na.." Humahagulgol kong sabi

"Ayoko na"

"Pagod na ako"

"Hwag mong sabihin yan!" Matigas niyang sabi. Ipinatong niya ang kaniyang ulo sa aking balikat habang nakayakap. Naramdaman kong nababasa na ito. Gustuhin ko mang ikandado ang aking puso. Eh, di ko kaya. Mahal ko talaga siya.

"Bakit hindi?" Subok kong tanong

"Kasi mahal kita!" Bulalas niya

"H'wag mo na akong paasahin"  halos pabulong ko nang sabi

Nagulat na lamang ako ng ako'y kaniyang hinalikan. Narinig ko ang mabalis na pintig ng aking puso.

"Ngayon, alam mo na?" tanong niya

"H-huh? A-ano? Ayaw mo akong sumuko dahil gusto mo akong H-halikan?" nauutal kong sabi

Pinitik niya ang aking noo.

"Ang bagal talaga magproseso ng utak mo hahaha"

"E-eh ano?"

"MAHAL KITA! NOON PA! AYAW KONG LANG SABIHIN KASI AYOKONG SAKTAN KA DAHIL ALAM KONG HINDI AKO ANG NARARAPAT SAYO"

nagulantang ako sa rebelasyon niya

"B-bakit hindi?"

"KASI IKAW AY ISANG MALA ANGHEL NA GALING SA LANGIT. SAMANTALANG AKO? ISANG GAGO PARA MAGPAIYAK SA ISANG ANGHEL NA TULAD MO"

Niyakap ko siya ng sobrang higpit. Sabay niyon ang paghagulgol ko.

'hindi ako nagsising nakilala kita'

Nagulat na lamang kami ng makarinig kami ng palakpakan at sigawan

'ANG DRAMA NIYO!'

'WALA PA DING FOREVER. MGA ULOL!'

Natatawa na lamang ako sa tuwing naaalala ko ang araw na iyon.

Ako nga pala si,

Magui Xynah Santiago-Dy. Ang babaeng umasa, nagpakatanga sa isang gagong katulad niya. Dito na nagtatapos ang aking kwento.

***

Ang dami ko pa sanang upcoming chapters, pero di ko na masulat kasi wala na akong inspiration.

Sorry for the short updates haha. Tamad na tamad siguro kayong basahin. Lol. I know.

May new story ako entitled 'She's a hater' KN din siya.

Yun, ang may sarili kong plot. Not like this na, based on my experiences kaya short yung iba. Hehe.

Hope you all read it. :*

Xiao! ^_^
***************

False Hope (Completed)Where stories live. Discover now