Chapter 2

703 44 0
                                    

"Talaga?" nagpakita ako ng pekeng ngiti

"Oo grabe talaga yung love nyo--" may pumutol sa sasabihin ni Dindy

"Girls" nakita ko si Mama na nasa harapan namin

Ngumiti ako at nag-iwas ng tingin.

"Tita, uuwi na ba?" tanong ni Dindy at tumayo.

"It depends on you guys. Tapos na ba kayong kumain?"

"Tatapusin lang namin ang pagkain namin tapos uuwi na tayo" sabi ko kay Mama

Nang natapos na namin ang pagkain namin ay agad kaming umuwi.

Habang naglalakad kami ay hindi maiiwasan na may makakilala sa amin. Ang iba ay ka-close daw namin ni Dindy noon, sabi nya.

Binuksan ko ang wooden na gate at pumasok sa loob.

"Lola!" tumakbo si Dindy papalapit sa matandang babae na nakaupo sa sofa.

Nag-mano si Dindy kay 'Lola' at nilingon ako "Ate, this is our Lola. Tita.." lumingon si Dindy kay Mama "Mama, and Ninang's mother. Si Lola."

Unti-unti akong lumapit sa matanda at nagmano. "Kamusta ka na apo?" nginitian ako ni Lola.

"Okay naman po" ngumiti ako

Tumingin si Lola sa kay Mama na nasa likod ko "Inalagaan ka ba ng mabuti ng Mama mo?" natatawang tanong ni Lola

Lumapit si Mama sa amin "Of course Nay. Mabuti na ang kalagayan niya"

"Mabuti naman."

"Alam mo bang etong si Dindy ay matagal ka ng hinihintay bumalik niyan" natutuwang sabi ni Lola

Tiningnan ko si Lola "Oo nga po, halata. Pagkarating ko ay siya agad ang nag-welcome sa akin"

"Syempre ate! Na-miss kita sobra!" sabi ni Dindy at niyakap ako.

Niyakap ko siya pabalik.

I wonder where Tito is? I can't help but ask Dindy.

"Ah Dindy... Where's Tito? You're dad?" tanong ko

"Ah si Papa. Nasa Dubai siya ate. Nagtra-trabaho kaya nga sobrang close kami ni Lola eh kasi kaming dalawa lang ang naiwan dito sa Pilipinas" paliwanag niya

"Oh I see..." tumango-tango ako

"Anong gusto nyong hapunan? Ipagluluto ko kayo!" sabi ni Lola

"Ay ate! I-try mo yung kaldereta ni Lola! Masarap yun. Baka makalimutan mk ang pangalan mo kapag natikman mo yun" patawa niyang sabi

Tumango-tango ako at tumawa

"Sige La! Kaldereta na lang! Paborito ko rin yan!" sabi ko

"Katulad ka pa rin ng dati... Paborito mo rin yan dati" sabi ni Lola

"Ay talaga po? Grabe!" natawa ako

Naka-upo kami ni Dindy sa sofa habang iniintay matapos mag-luto si Lola.

"Ate, do you want me to show you your old twitter account?" tanong ni Dindy dahil nakita akong nasa Twitter

Tumango ako "Sige"

Binuksan niya ang "Twitter" app.

Selle | #KNLabyrinthWCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon