"Matutulog na ako." sabi ko
"Teka! Hindi pa tayo tapos!" sabi ni mama pero di ko siya pinansin. Tumaas na ako sa kwarto ko.
———————
"Sabihin mo na ang mga kondesyones mo! Bilisan mo!" sabi ko kay Maica
"Sabihin mo sa buong school na your sorry sa ginawa mo samin" naka ngiti niyang sinabi
"Ano ka siniswerte?! Nagsorry na nga ako sayo kahapon! Baka gusto mong mawala sa mundong ibabaw?!" sabi ko sakanya
"Talaga? Baka gusto mong kasuhan kita. Isang tawag ko lang kay daddy, patay ka na."
"Are you block mailing me?"
"Medyo"
"Well, hindi ako natatakot sayo. Umalis ka sa harapan ko!"
"Kung ganon. You made you're decision. I hope you woudn't regret it." she said wearing her evil grin and then she walked away.
Bahala na nga siya sa buhay niya! Edi magsumbong siya tatay niya malaki ang tyan! Ayoko nga sumunod sa kanya! Hindi niya ako mabablock mail!
————
Sa bahay..
Nandito nanaman si Maica at ang kanyang daddy...
"Itutuloy na namin ang kaso" sabi ni Mr. Dilla
"Please, pag-usapan natin to Mr. Dilla! I will do anything! Kahit magkano magbabayad kami!" sabi ni mama
"Mr. Dilla, magsabi ka kung ano ang gusto mong gawin namin o ng anak ko." sabi ni dad
"anything?" sabi ni Mr. Dilla
"Yes." sabi ni dad seriously.
"Mag sorry siya sa buong school." sabi ni Maica
"What?! No!" sabi ko
"You need to do it." sabi ni dad. Nakatingin siya sakin ng diretsyo. "Please?" ngayon lang ulit siya nakipag-usap sakin ng parang nagmamakaawa. "You're wrong. You should say sorry. Please naman anak. Wag ka nang gagawa ng bagay na magsisisi kami na naging anak ka pa namin." seryosong sinabi ni dad.
Alam kong imposible tong nararamdaman ko pero gusto kong umiyak. Ganun na ba talaga ako kasama na pagsisisihan nila na maging anak ako?!
"You didn't say that!" sabi ko.
"Anak, please. tigilan mo na kasi ang kalokohan mo na to! I'm sick of it! Lagi nalang kaming nakasigaw sayo ng mama mo! Pagod na pagod na kami! Panganay ka pa naman. Sana naman hindi mo kami pahiyain! Akala mo ba hindi namin alam ng mama mo ang pinagagagawa mo! Na araw-araw may tinatanggal kang scholar ng school! Na lagi kang nahuhuli ng teacher na nagchecheat! Na gabigabi tumatakas ka para pumunta sa party?! Akala mo ba hindi namin alam yun?! Hindi nalang namin sayo sinasabi kasi alam kong pagod ka na sa mga sermon! Pero ngayon! Sawang sawa na ako! Yung kapatid mong si Amos, kaylangan niya din nang ate! Pero anong ginagawa mo? Nagpapakasaya ka sa labas ng bahay na to! Nagrereynareynahan ka sa school! Hindi mo pinapansin yung kapatid mo! Miss na miss ka na niya! Pati kami ng mommy mo! Miss na namin ang mabait at mala anghel naming anak. Yung anak namin na sweet at araw-araw kaming pinangingiti! Pero anong nangyayari sayo? Naging sakit sa ulo ka na! Alam mo ba? May highblood na ang mama mo! Hindi siya puwedeng magalit! Pero sa gingawa mo. Unti unti mo siyang pinapatay! Alam mo ba mahal na mahal ka ng mama mo? Ayaw niyang sabihin sayo yung sakit niya para hindi ka maguilty!" sabi ni dad. Ngayon lang niya ako nasigawan sa harap ng ibang tao.
Nakita ko si mama, umiiyak.
I don't know what to say. And suddenly my anger turns to tears. I really realize something. Kahit gaano pa ako katatag, when I saw my mother crying in front of me, I felt broken. I felt that this is all my fault! I hate my self!
ESTÁS LEYENDO
Nerd University
Novela JuvenilNaranasan mo na bang maging estudyante? Kung oo, sigurado akong nagawa mo nang mangopya, magpakopya, bumagsak sa exams, makipagsisikan sa jeep, mang-hingi nang papel, mawalan nang ballpen, mangbully, binully, palabasin nang teacher, ma-office at hin...
Chapter 1
Comenzar desde el principio
