"Tignan mo ginawa mo sa anak namin! Kinalbo mo na! At andami pa niyang pasa! Iningatan namin siya buong buhay niya pati lamok hindi namin pinapalapit sa kanya! How dare you do that to my daughter!" sabi nung mommy nung bruhang panget na chismosa 1
Yung mommy naman nung bruhang panget na chismosa 2 ay iyak ng iyak. Bakit? Siya ba yung binully ko?!
Hindi ako nagsasalita. Wala akong pake sa kanila.
"Mrs. Queli and Mrs. Dilla, puwede naman po natin tong pag-usapan?" sabi ni mama
"Nandito kami para sabihin sa inyo na magsasamapa kami ng kaso laban sa anak niyo! Republic act 10627 or the Anti Bulliying Act of 2013. The law defines bullying as any severe or repeated use by one or more students of a written, verbal or electronic expression, or a physical act or gesture, or any combination thereof, directed at another student that has the effect of actually causing or placing the latter in reasonable fear of physical or emotional harm or damage to his property; creating a hostile environment at school for the other students." sabi ni Mr. Dilla, daddy nung bruhang panget chismosa 2. Lawyer ata siya.
Sa buong buhay ko. Nganyon lang ulit ako kinabahan. Kinakakabahan ako ngayon ng sobra. Wala na akong naririnig kundi ang tibok ng puso ko. Ako? Sasampahan ng kaso? A-ayoko.
"Pe-pero, hindi puwede." sabi ng mama ko
"Mrs. Cruz, grabi ang ginawa ng anak niyo." sabi ulit ni Mr. Dilla
"Pag-usapan natin to Mr. Dilla, magbabayad naman kami kahit magkano para sa damage na ginawa ng anak ko!" nagmamakaawa na si mama
"Hindi mababayaran ang trauma na ginawa ng anak niyo sa anak ko. Nakapagdesisyon na kami. Sige, we're leaving." sabi ni Mr. Dilla at tumayo na siya kasabay ng mga kasama niya.
Hindi ako puwedeng makasuhan! Makukulong ba ako?! Ano bang mangyayari sakin!!!?
"Mr. Dilla! wait" bigla kong nasabi
"What? Ms. Cruz?!" sabi ni Mr. Dilla
"I'm sorry" sabi ko
"Ano/What?" sabay-sabay nilang lahat na sinabi.
"I said I'm sorry" ngayon lang ulit ako nag-sorry. Hays. Bahala na! Basta wag lang akong kasuhan!
"Nagsorry ka talaga samin?" sabi ni chismosa 1
"Oo" tipid kong sinabi
"Hindi sapat ang sorry mo" sabi ni Mr. Dilla
"Wait dad!" sabi ni chismosa 2
"What?" sabi ni Mr. Dilla
"Hindi nagsosorry si Hannah. Ngayon lang siya nagsorry." chismosa 2
"So?" Mr. Dilla
"Okay na dad! Ako na bahala!" -chismosa 2
"But Maica!" sabi ni Mr. Dilla, Maica pala pangalan ni chismosa 2.
"Dad! Ako na po ang bahala! Wag na po natin siyang kasuhan! I can manage!" sabi ni Maica
"Ano balak mo?" sabi ni chismosa 1
"Yanny, ako bahala." sabi ni Maica. Yanny pala pangalan ni chismosa 1
Ano ba ang binabalak nitong mga to?! Baka pag-untugin ko sila!
"I'll just tell you my conditions tomorrow. bye :)" -Maica
Umalis na silang lahat.
"Ano ba balak mo sa buhay mo?! Maging masamang tao nalang buong buhay mo?! Kelan ka ba magbabago?! Hindi kita pinalaki ng ganyan! Ano ba nag nangyayari sayo?!" sabi ni mama
YOU ARE READING
Nerd University
Teen FictionNaranasan mo na bang maging estudyante? Kung oo, sigurado akong nagawa mo nang mangopya, magpakopya, bumagsak sa exams, makipagsisikan sa jeep, mang-hingi nang papel, mawalan nang ballpen, mangbully, binully, palabasin nang teacher, ma-office at hin...
Chapter 1
Start from the beginning
