"Ang sama-sama mo! Wala kang puso!" sabi nung babaeng lumapit sakin at umiiyak. Hindi ko siya matandaan. Basta ang alam ko may ginawa siguro ako sa kanya na hindi maganda. Hay! Alin kaya siya sa mga schoolmates kong loser na binully ko today? Siya ba yung ginupitan ko ng buhok? O kaya siya ba yung sinampal ko for no reason? Nilublob sa tubig? Kinulong sa banyo? kinuhanan ko ng math project? Hay! Ang dami ko palang ginawan na cute things ngayong araw. Alin kaya siya dun?

"Who are you?" tanong ko sakanya.

"Ako lang naman ang tinaggalan mo ng scholarship dahil gusto mo lang!"

"So? What's your problem?" sarcastic kong sinabi.

"Ikaw! Ikaw ang problema ko! Kinabukasan ko yun! Hindi na ako makakapag-aral kung ganun! 5th year na ko! Please! Gagraduate na ako eh! Sige nanaman oh! Mawa ka!" sabi nung girl.

"So what? 5th year narin naman ako ah! Gagraduate narin ako. And you know what? I don't think you deserve this freaking scholarship."

"Pano mo yan nasasabi! Halos hindi na nga ako nakakatulog dahil hinahabol ko ang average na 90 dahil yun ang pinakamababang grade para makuha yung scholarship. Halos di narin ako nakakakain dahil sa pagerview at nag aadvance study rin ako! I think I deserve this scholarship! Please! I'm begging you!" sabi niya sakin at umiyak pa ng malakas.

"I don't freaking care" tapos nagwalk out ako para di na siya makasagot.

At ngayon habang naglalakad ako..

"Grabi si Hannah no? Kung umasta parang siya ang may-ari ng school na ito! Eh anak lang naman siya, di naman talaga siya ang may ari!" -bruhang panget na chismosa 1

"Oo nga! Ang sama talaga ng ugali! Sa isang araw palang marami na siyang ginawang kamalditahan sa mga estudyante dito!" -bruhang panget na chismosa 2

Nasa likod nila ako, di nila ako napansin. Hay! Umiinit ang ulo ko sa dalawang to. Humanda sila!

"Oo! Sobrang sama talaga ni Hannah" sabi ko sakanila.

"Oo! Grabi talaga yung bruhang yun!" sabi ni bruhang panget na chimosa 1 tapos pagkalingon niya.. Aba'y nagulat ang bruha!

"Tingin mo sino ang mas bruha sating dalawa?" sabi ko while smilling

"A-ako po! Ako po yung bruha" umiiyak na siya ngayon. Ang bilis naman, walang thrill.

Hinawakan ko ang buhok niya at nginudngod sa lupa. Ginawa ko rin yun sa kasama niya.

"Tama na po!" sabi niya na nagmamakaawa.

Di ko siya pinansin. Nginodngod ko lang silang dalawa. Tapos dinala ko sila sa restrooom. Pinagsasampal ko sila, tapos niloblob ang mukha sa toilet bowl. Tapos ginupit gupit ko ang unifotm nila. Pati ang buhok nila kinalbo ko narin.

Pagkalabas nila ng restroom parang silang ginahasa. Iyak sila ng iyak.

Sabi nila wala daw akong puso. Wala din daw akong kaluluwa, pati konsensya sama niyo na! Kampon daw ako ng kadiliman. Angelic face daw ako pero ang totoo demonyita daw ako.

Tingin niyo? Tama sila?

————

Umuwi na ako sa bahay..

Nandito ang mga bruha kasama ang mga parents nila.

"Hannah! What did you do nanaman ba?!" tanong ni mama. Halos araw-araw na ganito ang eksena! Laging may pumupunta na parents sa bahay namin dahil nagsumbong ang mga binully ko. Pero lagi naman namin yun nalulusutan. Binabayaran nalang nila dad yung mga yun. Pero hindi naman ako sinusupend sa school kasi kami nga yung may-ari diba?

Nerd UniversityWhere stories live. Discover now