1 : WHY?!

575 21 4
                                    




Hindi ko alam kung ano ang trip ng Mama ko nung ipinanganak ako at ng mag-isip siya ng pangalan. Dala siguro ng gamot na itinurok sa kanya. Cesarian kasi siya nung pinanganak ako, so baka epekto talaga ng anesthesia kaya "WEDDING" ang pangalan ko.

Ayon naman sa birth certificate ko, kasal na ang Mama at Papa ko bago pa ako mabuo at iluwal sa planetang ito. So hindi frustrated si Mama na maikasal sa Papa ko.

Siguro talagang kakaiba lang si Mama, kasi si Kuya ang pangalan niya ay Cupid Lucifer. Normal delivery naman siya, so epekto siguro ng sobrang pagod at hirap ni Mama kaya iyon ang naibigay niyang pangalan.

Eto pa, hindi ko alam kung nagkataon lang ba o talagang trip ako ng tadhana. I'm a photographer at nagtatrabaho sa isang kilalang advertising agency at photography studio. Sa advertising more on photoshoot ng mga sikat na model at artista, pero yung sa photo studio more on wedding ang pinapa-cover sa akin. Minsan naisip ko baka pinagti-tripan lang ako ng boss ko.

Si Kuya na mas madalas makita ang pagiging Lucifer niya ay isang model at talaga namang habulin ng babae. Kabaligtaran ng kapalaran ko. At the age of twenty five, never been kiss and touch ako. No boyfriend since birth pa. Not that I want to have one, pero kasi nawawalan na ako ng tiwala sa kagandahang taglay ko.

Siguro kasalanan din ni Lucifer kung bakit wala man lang nanliligaw sa akin. Malamang tinatakot niya! Gawain na kasi niya iyon high school students pa lang kami, lumala nung college na kami.

Kasalanan ni Cupid Lucifer kung bakit loveless ako. Baka dahil sa kanya hindi ko maranasan ang pangalan ko.





•••
A/N:

Hello! Hello! Bagong diary-type story handog ko para sa inyo.

Please support kagaya ng suporta ninyo kay Zed a Harley!

Miss Wedding DiaryWhere stories live. Discover now