“A-ahhhh, okay…sige, magpahinga ka na lang,” narinig na niya ang pag-aalangan ng dalawa. Nang wala nang ibang masabi, tinapik na lamang ng mga ito si Mase sa likod upang makiramay bago nilisan ang silid.

Nauunawaan niya ang pagkadismaya nina Mark at Chad dahil walang paglabas na naganap. Maging siya mismo ay dismayado rin dahil wala siyang natanggap ni isang tugon mula sa dalaga sa kabila ng siguro’y aabot sa sampung mensahe niya at mas marami pang tawag.

Araw-araw ay pinapadalhan niya ng imbitasyon ni Louie. Iyon nga lang, base sa karanasan, hindi agad nagbabasa ng mga text messages ang dalaga. May isang pagkakataon nang higit isang buwan ang lumipas bago siya nakatanggap ng reply mula rito.

Pagdating ng ikalawang araw, sinusubukan na niyang tawagan si Louie subalit tulad ng inaasahan, hindi rin nito sinasagot ang tawag na halos kada dalawang oras yata ay ginagawa ni Mason.

Tuluyan na siyang nawalan ng pag-asa pagsapit ng Biyernes at magdadapit-hapon na’y wala pa siyang natatanggap na anumang sagot mula rito. Nasa McDo na siya malapit sa village nina Louie noon at naghihintay pa rin ng tugon upang kahit late nang mabasa ng dalaga ang sunod-sunod na mensahe niya, pwede pa niyang makasama ito kahit isang oras lang. Pinangunahan siya ng hiya nang sumagi sa isip niyang dalawin na lang ito sa bahay dahil paniguradong tutuksuin din sila ng mga pinsan nito.

Sa katunayan, masaya na siya kung paunlakan siya ng tatlumpung minuto. Pwede ring kahit lima lang. Kahit hindi na sila kumain o mag-usap. Sapat nang makita niya si Louie bago ito umalis.

 

Ngayong napag-isip-isip niya, dapat siguro, ginawa niyang pain sina Charlotte at Sebastian upang maaya ito dahil sigurado namang hindi tatanggi iyon kung ang mga kaibigan ang kasama. Tutal, kasya naman ang limang libo para mailibre pati ang dalawa pa nitong kaibigan kung sakali.

Dumating na rin sa puntong inisip ni Mason na baka sadyang hindi interesadong lumabas si Louie kasama ang sinumang lalaki. Dahil kay Aidan.

“Siguro hindi lang niya nabasa ‘yung mga text mo,” narinig niya ang mahinang kumento ni Chad na nakaupo pa rin pala sa kama. “O kaya… alam ba niya ‘yung number mo?”

Tumagilid si Mase at yumapos sa isang unan bago tumango. Naaalala niyang siya mismo ang nag-type noon sa telepono ng dalaga. Subalit hindi niya sigurado kung nai­­­-save nga iyon ni Louie. Napatihaya siya at nagbuntong-hininga.

Masakit palang tanggihan ng hinahangaan kahit ang simpleng paanyayang kumain lang even without feelings involved.

“Ayos lang ‘yan, ano ba,” pagpapalubag-loob ni Chad na may mapang-unawang ngiti. “Ikaw, isang babae pa lang ang tumatanggi sa’yo. Ako… seven times nang nare-reject. Hindi ko nga alam kung Pelaez ba talaga ako eh, hahaha.”

Batid na ng magkakapatid ang kahinaan nito pagdating sa panunuyo sa mga kababaihan. Subalit hindi nila iyon pinag-uusapan. Ngayon lamang niya narinig mismo sa kapatid ang pag-amin. “Chad… bakit…” pagsisimula niya subalit hindi na alam kung paano itutuloy iyon nang hindi mao-offend ang kuya.

Muling ngumiti ito. “Bakit hindi pa rin ako sumusuko kahit ilang beses na akong nasasaktan?” paglilinaw nito. “Fall seven times, stand up on the eighth. Kung gusto mo talaga, bakit ka susuko? If you want something or someone so bad, fight for it. Even if it hurts. In time, makukuha mo rin.”

“Iisang babae lang ba…?” dagdag na tanong ni Mason dito.

“Ang alin? Ang nambasted sa’kin?” balik-tanong ni Chad. “Hindi naman. Apat na magkakaibang babae naman ‘yun. Isa dun ‘yung tatlong beses tapos isa pang dalawang beses yata akong ni-reject, hahaha,” nahihiyang saad nito bago nagpakawala ng buntong-hininga. “Tandaan mo, Mase, outnumbered ng mga babae ang mga lalaki. Hindi tayo mauubusan. Kahit nga mga Adan nagiging Eba rin eh. We have so many options. Sa ilang bilyong tao dito sa mundo, siguro naman may tig-isa tayo dun, diba? Hanap lang nang hanap.”

Bumilib si Mason sa tiwala ng kapatid niya. Si Chad na yata ang halimbawa ng hopeless romantic. Kahit hopeless na… romantic pa rin at naniniwala pa rin sa pag-ibig.

“Tsaka, paano mo malalamang si Louie talaga ang gusto mo kung wala ka namang ibang babaeng kilala?” dagdag pa nito. “Dalawa lang naman ‘yan eh. Either she’s not the one for you, or… you met her at the wrong time. Either way though, make use of her absence to get to know other girls. ‘Pag marami ka nang nakilala pero si Louie pa rin, alam na.”

Bahagyang napangiti si Mason sa mga sinabi ni Chad. Sa totoo lang, hindi niya inaasahang may mahusay na payo siyang mahihita mula rito dahil nga laging sawi. Hindi niya inakalang mas marami pa siyang napulot na aral mula rito. Siguro nga’y tama ang kasabihang ‘Experience is the best teacher’ kaya maraming makabuluhang bagay ang naibabahagi ito pagdating sa usapang kasawian. Subalit nakapagtataka pa ring wala pang napapasagot si Chad gayong sa kanilang magkakapatid na lalaki, ito yata ang pinakamabait at pinaka-approachable lalo na sa kababaihan.

Itinaas ni Mase ang kamao niya at nag fist-bump sila ng kapatid. Kahit hindi nila sabihin, alam ng isa’t-isang senyales iyon ng pasasalamat.

“Saka ka magmukmok kung malagpasan mo ang record ko, ha?” natatawang pahabol ni Chad. “Itago mo muna ‘yang limang libo mo,” payo nito at saktong pumasok ng kwarto si Charlie buhat pa rin ang sapatos at may biskwit na naman sa bibig. “O kaya… hindi naman sinabing dapat hindi related sa’yo ang babaeng ide-date mo diba?” dagdag ni Chad na may kasamang kindat bago nilisan ang kwarto.

Umupo si Mason at pinagmasdan ang kapatid na i-display ang bagong sapatos sa shoe rack. “Charlotte,” mahinang tawag niya rito.

“Hmm?” sagot naman ng bunso nang hindi tumitingin dahil abala naman sa pagpupunas ng sapatos upang siguraduhing walang alikabok iyon.

“Labas tayo ni Mama. Libre ko.”

===

A/N: Alam kong heart-broken tayong lahat dahil hindi natuloy ang MaLou date.. ahuhuhu <////3 Kasalanan ‘to ni Miss Astig eh! Para saan pa’t nagkaroon ng iPhone kung hindi rin pala gagamitin?!! Nagalit talaga eh noh? Ipanalangin nating magkaroon ng himala’t maituloy ang date na yan, hahaha.

Speaking of date! Pwede ba kayo sa Dec. 21, 2013 (Saturday) 1-5pm? Around Metro Manila lang. Kita-kita naman tayo para masaya :) Para naman makilala namin kayo, hehe. Bukod po sa’min ni Diwata nandoon din po sina Lolo Kozart (otter ni ChanChan, Jenni at Aqui), Mau (otter ni Van, Kuya Marcus, Kuya Kyle, Kuya Vlad/Ate Max) at si Erin (otter ni Hayley, Vincent/Alice, Janice).

Si Kuya Chad na hopeless at romantic nasa gilid :D hehehe

From A DistanceWhere stories live. Discover now