Chapter 22

5K 143 23
                                    

Dali dali akong pumasok ng makita kong nakahiga si Aly sa kama na may sleeping pills na katabi at may bote rin ng alak. Hindi ko tuloy alam kung nagoverdose ba siya o lasing lang kaya tumawag ako kay Mama at Dad at dumating naman sila sa bahay kasama yung family doctor namin.

I'm so worried dahil sabi niya sa kwento niya sa akin kahapon may pagkasuicidal siya dati dahil sa ex niya.

Kief, relax. She'll be okay. Sabi ni Mama.

You think so Ma? Sarcastic kong tanong sa kanya.

I know this is my fault Kief. I'm sorry. Sabi niya.

This is our fault. I can't live without her Ma. Sabi ko at niyakap niya ako.

Anong dinadrama niyong magnanay diyan? Tanong ni Dad.

How's she? Tanong ni Mama.

She's just drunk. She didn't take the pill. Maybe she's too drunk to even pop one. Sabi ni Dad.

Are you gonna be okay here alone or you want us to stay? Tanong ni Mama sa akin.

Okay na ako dito ma. Thanks for coming. Sabi ko.

Sige Hijo. If anything happens just give us a call. Sabi ni Dad.

Thanks doc, i know you should be with your family but I really appreciate you coming here. Sabi ko.

It's okay Kiefer. Sabi niya at umalis na sila nila Mama.

Pagkaalis nila mama nilock ko na yung door. Inayos ko na rin yung gamit ko pabalik sa kwarto pero hindi ko na muna nilagay sa closet dahil pagod na ako. Hinang ko lang ulit yung pictures namin sa wall. Niligpit ko rin yung kalat sa kwarto. Kaya naman pala bumagsak tong babaeng to, dalawang bote ng alak tinungga isang tequila at isang jack daniels at sa loob ng isang oras lang niya ata inubos yun.

Tumabi ako kay Aly sa kama and I can't help but cry ng dahil sa itsura niya. Maga yung mata niya and she looks so sad.

I'm sorry babe. Sabi ko at hinawakan ko yung mukha niya saka ko siya hinalikan. Nilapit ko siya sa akin at niyakap ko siya ng mahigpit.

Nagising akong bigla dahil naririnig ko si Aly na umiiyak pero tulog pa rin. I really feel bad that she's crying because of me. Kaya niyayakap ko siya ng mas mahigpit at saka siya tumigil. Nakatulog na rin ako after nun.

Ang bigat bigat ng ulo ko paggising ko at naramdaman ko rin na mabigat yung katawan ko dahil may nakayakap sa akin. Dahan dahan kong inalis yung pagkakayakap ni Kiefer sa akin at tumayo dahil nasusuka na ako. Pagkatapos ko sumuka okay na ulit ako. Uminom na lang ako ng gamot para sa sakit ng ulo. Sana nga lang nagagamot ng mefenamic pati sakit ng puso.

Lumabas ako ng kwarto at sinarado ko yung pinto. Pumunta ako ng kusina dahil parang nagugutom ako kaya kumuha ako ng tinapay pero wala akong panlasa kaya kumuha na lang ako ulit ng maiinom. Sakto meron pang alak dito. I should be cooking today because it's Christmas, pero yung pakiramdam ko parang araw ng mga patay.

Tumutungga ako ng alak ng makita ko yung Christmas tree. Hindi siya bagay sa pakiramdam ko kaya hinila ko yun para matumba. Saka ako umupo sa sahig at sumandal sa likod ng couch. Tinungga ko yung hawak kong bote. I want to be numb so i won't feel the pain. Ang sakit kasi eh, yung luha ko nga tinry ko ubusin kagabi pero ang dami pa rin, hindi pa rin nauubos. Gusto ko matulog tapos pag gising ko wala na akong sakit na nararamdaman. Inubos ko yung alak na hawak ko saka ko niyakap yung tuhod ko at dun na rin ako nakatulog.
Nagising ako ng maramdaman kong parang lumulutang ako at pagdilat ko nakita ko si Kiefer kaya pinaghahampas ko siya.

Detour In Life's PleasuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon