Kabanata 19

2.8K 59 1
                                    

Maka lipas ang ilang araw ay unti -unti na ring bumuti ang lagay ng dalaga, ilang ulit na itong nagising subalit sa twina ay tinuturukan ng pampatulog dahil madalas ay na tatakot ito at sumisigaw ng ....

"Tay tulong!" Palaging ang ama ang tinatawag nito at kung tumingin kay Lucien ay para bang isa na syang estranghero dito. Bagay na nagpapakaba ng husto ng husto sa lalaki, dahil pakiramdam nya unti -unting na wawala sa kanya ang dalaga.

Gayon pa man ay na natili sya sa tabi nito sa loob ng ospital at inaamot ang bawat sandaling makakapiling nya ang dalagang minamahal. Mali man ay umaasa syang sana ay wala pa rin ito sa tamang huwesyo sa muling pag gising para manatili pa ito ng matagal sa piling nya.

Lumipas pa ang mga araw at tuluyan ng bumuti ang lagay ng dalaga na ng gumising ay hindi na natatakot at sumisigaw, sa halip mahinahon nitong iniikot ang mga mata sa loob ng private suite na na iilawan ng malamlam na liwanag at na pa kunot noo pa ng mabalingan si Lucien na natutulog sa sofa sa tagilirang bahagi ng kama. Naka talikod ito sa kanya at hindi gumagalaw kaya naisip nya agad na tulog ito.

Na uuhaw sya at nangangawit ang kamay nya na may naka kabit na dextrose. Inalis nyang mag isa ang dextrose at iginalaw galaw ang nangangawit na kamay habang muling tinignan ang paligid. Hanggang sa mahagip ng paningin nya ang mini ref. Ewan nya kung ilang araw syang naka dextrose, ang alam nya lang hindi sapat ang dextrose para mawala ang uhaw at gutom na nararamdaman nya ngayon.

Nag pilit syang bumangon pero na realize nyang may catheter na naka kabit sa kanya, sapilitan nya iyong inalis mag -isa at na pa ngiwi sya sa sakit, pero na alis naman nya, sandali syang di kumilos pero dahil di nya na matiis ang uhaw ay maingat syang bumaba mula sa kama. Marahan at ingat na ingat ang galaw nya upang wag ma estorbo ang lalaking natutulog.

Mukhang nag babantay ito sa kanya at kahit di nya pa na kikita ang mukha ay ramdam nyang kilala nya ito. Ingat na ingat sya sa pag kilos pero dahil nang hihina sya ay mabuway ang kilos nya, na tabig nya tuloy ang upuan sa tabi ng kama at nabuwal iyon at tumama sa paa ng kama na yari sa bakal kaya lumikha ng ingay.

Awtomatikong lumipad ang tingin nya sa lalaking nasa sofa at kitang-kita nya ng gumalaw ito at pumihit pa harap sa kanya at kunot noong nag mulat ng mga mata. Pero saglit lang at panabay na nanlaki ang mga mata nila at napa awang ang bibig nya ng mabistahan ang gwapong mukha nito, habang ito naman ay mabilis na bumalikwas ng bangon.

"B-babe! Where are you going? You should have woken me up if you need anything." Anito sabay tayo, habang sya naman ay lalong pinan lakhan ng mga mata pagkarinig sa sinabi nito na ano raw? Babe?!

Hindi nya matandaang nagka "babe" sya ng ganito ka gwapo o kung may ka kilala syang ganito ka gwapo. Rommel was handsome but not this handsome and they doesn't have endearment, they call each other by their first names. Na pa kurap-kurap sya at tinitigan ang mukha ng lalaki na ngayon ay halos abot kamay nya na lang.

"Where are you going?" Masuyong tanong nito, para tuloy kiniliti ang puso nya.

"Ha?!" Anas nyang na pa lunok at halos di kumurap ang mga matang naka tingin parin sa mukha nito.

Napa taas ang kilay ng lalaki tapos ngumiti ito, ngiting nag pa hinto yata sa pag tibok ng puso nya, na tutop nya tuloy ang dibdib at lalo itong na pa ngiti.

"I said where are you going?" Ulit nito sa sinabi, saka inisang hakbang ang pagitan nila at mabilis syang hinapit sa baywang at hinila pa lapit dito.

"H- ha? Ah..I mean a - I mean na nauuhaw ako!" Hindi mag kanda tutong usal nya na pilit itinutulak ang dibdib ng lalaki. Tumawa ito ng marahan at naramdaman nyang biglang sumikdo ang puso nya, at para syang nahiyang bigla sa posisyon nila.

HUWAD (EDITING)  Where stories live. Discover now