Chapter two

11 0 0
                                    

Mag-isa lang ako ngayong pumunta dito sa resto.

Marami kasing ginagawa si bhestie eh.

Marami rin naman akong kailangang tapusin proj. pero dahil may wi-fi na  sa restong ito,dito ko nalang iyon gagawin.

"Miss,can I join you?"

Ano ba naman 'yan? Seryoso akong gumagawa ng proj. dito,tapos,may biglang manggugulo na pa-english-english pa!

"Puno na kasi yung ibang mga table eh."

Hindi ko parin siya pinansin kaya tumalikod na siya.

"Maupo ka kung gusto mo." pagbibigay pahintulot ko sa kanya.

"Salamat."

Bumalik siya sa table na kinaroroonan ko at naupo.

Pero kahit magkasalo kami sa iisang table, ni minsan ay hindi ko siya sinulyapan.

Masyado kasi akong abala kaya hindi ko na pinagaksayahan pa ng panahon na makipagkilala sa isang estranghero.

Pagkaraan ng ilang minuto ay natapos na ako sa aking mga gawain kaya inayos ko na ang mga gamit ko at umalis.

Hindi ko pala napansin na nakaalis na pala yung lalaking nakiupo kanina.

Bago pa ako makalabas ng resto ay nahabol na ako ng isang crew.

"Ma'am" tawag sa akin ng crew habang hinihingal pa.

"Bakit?" tanong ko sa kanya.

"May nagpapabigay po kasi sa inyo nito."

Inabot niya sa akin ang isang nakatuping papel at nagpaalam na.

"Ano kaya ito?" tanong ko sa sarili ko habang sinusuri ang nakatuping papel.

Balak ko na sanang buksan iyon ngunit biglang tumonog ang cellphone ko....

Nagtext pala sa akin si bhestie,gusto niyang pumunta ako sa school at bilisan ko daw.

Thank you po for reading my story kahit boring.

Ideal or Real [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon