Three minutes na palang nag-ngunguwa ito. Kaya pumasok na ako agad sa banyo at maligo para mas lalong magising ang diwa ko. Saglit lang ang ginugol ko sa CR dahil hindi naman ako nagbawas kaya 20 minutes lang ay natapos na ako maligo. Kinuha ko ang nakasampay na damit na inihanda ko kagabi. Suot ang isang loose white top na itinack-in ko pa sa isang pencil cut skirt ko na si Mommy pa bumili. Ang laman ng mga closet ko ay halos mga ganito. Ni pati ang mga slacks ko ay itinago niya at di ko alam saan nilagay kaya pag mga formal ay usually dresses at skirts ang gamit ko talaga.

And I just put some foundation in my face and a lip balm para kahit papaano ay mag-glow ng kaunti ang mukha ako. Yun ang sabi ni mommy pag mga normal days daw dapat ganun ang mga nilalagay lang pero not for me, normal days is wala dahil pulbos sapat na kaya pag mga ganito okay na yung mga yun. Inilugay ko lang ang di masyadong mahabang buhok ko at inubos ang chocolate drink na itinimpla ko kanina and I'm ready to off. Nagbigay ako ng 2 hour allowance para sa pagbiyahe dahil rush hour ang 7 am onwards kaya pag isang oras ay di kakayanin. Makati pa naman yun at nasa Paranaque ako ngayon.

Dala ang lumang sasakyan na bigay sa akin ni Mommy. Dumaan ako sa pinakamalapit na Fast food chain at nag-drive thru ako. Di kasi ako nakakain at tanging chocolate drink lang ang ininom ko. Nakakahiya naman kung tutunog ang nagrereklamo kong sikmura especially sa mag-iinterciew sa akin.

Napaisip ako. Di ko alam  kung anong klase ba ang ijojob interview ko. Kinakabahan ako dahil it is my first time na mag-job inteview kasi laging school interview lang lagi ang meron ako. I know na pa-fourth year na ako at mag-oojt na ako pero di pa naman kami masyadong sinasanay ng mga Professor namin sa mga ganun.

Nakarating ako ng 8:25 am sa office nila pero bago yun ay nilamon ko muna  ang binili kong burger kanina para sa umagahan ko at ng pumasok ako ay una kong tinanong kay Kuya Guard kung nasaan ang CR dahil magtotoothbrush ako. Mahirap na baka sensitive ang ilong ng makausap ko at maamoy pa sa bungana ko ang burger na kinain ko. Hygiene pa lang bagsak na ako. It's a No no for me. Nakakahiya. Naglagay uli ako ng foundation at lip balm para ano ba tawag doon re? re? ah retouch. Tawag ni Mommy pag magmamake up ka uli pero kaunti na lang para di lang masira ang make up daw at magfade ang mga ito.

Nang matapos ako ay tumungo na ako sa receptionist na nasa unang part ng company. Nai-describe ko na ba ang company na ito? Actually I think this is a 10 to 15th floor building ata ito. Nasa bandang gitna ito ng Makati City at nakikipagpaligsahan sa ganda ng structure ng mga buildings dito. Kung maganda ito sa labas mas bongga sa loob nito. Para akong nasa 5-star hotel dahil malaki ang lobby niya at may sobrang laki ng waiting area.

Doon sa babae na I assumed is receptionist nitong hotel ay tinanong ko kung pwede ba kay Miss Araya the secretary of the President. Yan ang nakalagay sa text niya na hanapin ko daw siya and if they ask me why ay sabihin na for a job interview scheduled for today. At pagkasabi ko naman yun ay tumawag agad siya sa isang telephone at ngayon ay kausap niya na siguro si Miss Araya on the phone.

"Ma'am, Miss Penefrancia is here. She is looking for you for a job interview today."

"....."

"Okay Ma'am." and she hang up the phone.

Ngumiti siya sa akin. Actually napaka-gentle ng ngiti niya. Nakakahawa tuloy.

"Ma'am Araya is actually waiting for you Miss Penefrancia. She's in the 12th floor of this building. She has a small open office room there and you can approach a petite lady there."

Ang Girlfriend Kong TomboyWhere stories live. Discover now