Second Chapter |Krystal|

Mulai dari awal
                                    

Bukod kasi sa cup cakes ay napag desisyunan ng may-ari na mag-benta na rin ng kape, tulad ng sa mga coffee shop. Meron kaming Capuccino, double cappuccino, Mocha, Espresso, latte, mochafrapp at an gaming espesyal na kape..... BARAKO.  Anim lang na klase kasi bago pa lang nasimulan.

Maraming  tao kapag umaga at sa kasamaang palad, nasa morning shift ako. 24/7 kasi ang store na ito. Sa ganitong oras, karamihan sa mga costumer ay mga college students na nag-papalipas oras.

Here’s your order miss. Sabi ko sabay lagay ng triple chocolate cupcake at latte sa table ng isang kolehiyala.

Thanks. Sabi niya sabay ngiti oh, by the way here’s your tip. Binigay niya sa akin ang isang daan. Nginitian ko naman siya saka nagpasalamat. Laking pasasalamat ko dahil tinanggap nila ako dito. bukod kasi sa medyo malaki ang sweldo ay binibigyan pa kami ng tips.  Malaking tulong talaga to dahil my mga gamot na dapat i-maintain si papa.  Bumalik ako sa station ko upang kumuha ng panlinis sa mesa ng may pumasok. nang tiningnan ko kung sino yung dumating, costumers pala. Apat na college students na kalalakihan, na sa tantya ko ay nasa 19 hanggang 20 ang edad.

Magaling akong mag tantya ng edad ng tao eh XD

Kinuha ko na yung notepad at pen ko at dumeretso sa table nila. Welcome to cakes in cups. Ano po ang order nila? Sabi ko sabay bigay ng malapad na ngiti (^v^)

Kahit ano basta mabura lang yang ngiti mo..para kang tanga saad ng isa sa mga lalaki. Yung naka coral blue na polo at saka naka gel.

Sige lang Krystal. Smile lang. Super duper sweet ka eh, bitter lang siya.

Ngingiti-ngiti pa eh, akala mo kung sinong maganda dagdag pa niya

Nakakahalata na ko dito ha..

Ah! pag-pasensiyahan mo na ang kasama naming miss ha? Pag-hingi ng dispensa ng kasamahan niya na naka white polo shirt ganyan talaga yan eh, masungit(^_^V) Sabi niya tsaka nag peace sign.

Oo nga miss dugtong pa nung isa na naka checkered na polo na naka salamin kami na ang humihingi ng dispensa.

Bro! Hindi ganyan ang tamang pagtrato sa babae sabi pa nung isa na naka polo shirt na stripes sabay tapik sa balikat nung naka coral blue na polo

By the way miss beautiful, I’m steve.what’s your name? Pahabol niya sabay ngiti ng mapang-akit

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Parang nadadala ako ah.

.

.

.

.

.

.

.

NOT!

As if!

 Eew!!

Mukhang chickboy yung naka suot ng stripes na poloshirt. Pero infairness .. uhm, gwapo na man sila.. pero parang ayaw ko sa kanila.. mukhang arrogante. Pero kahit papano naman may modo, pwera lang sa isa  -_-

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Dec 08, 2013 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

An Angel's PenTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang