Second Chapter |Krystal|

27 3 1
                                    

Chapter Two

|Krystal|

Ba-bye! Sigaw ko sa aking Pamilya sabay takbo.

Ako si Krystal Jade Fernandez. Kilala ako sa aming lugar dahil sa aking kasipagan , kabaitan, katalinuhan at higit sa lahat kagandahan~~~ sabi ng nanay ko ( -3-)

Ako ay labing walong taong gulang at ang bread winner ng aming pamilya. Nagkasakit kasi ang aking Ama kaya’t hindi siya pwedeng magpagod. Kahit papano, nakapagtapos naman ako ng highschool. 16 years old kasi ako nung nagyari yun sa aking papa. Meron akong nakakabatang kapatid, si Ailynn at isa lang ang masasabi ko sa kaniya, siya ang the best kapatid in town. ^///^

O siya, tama na ang pagpapakilala. Dumiretso na tayo sa kwento.

Kasalukuyan akong tumatakbo papunta sa trabaho ko ngayon dahil kung hindi, masisisante na ako. Sunod-sunod na kasi ang pagkaka-late ko sa trabaho dahil sa pag-babantay kay papa. Si mama kasi eh, ang tigas ng ulo. Sinabi ko ng huwag ng mag-labada at ako na lang ang mag tatrabaho para my mag-babantay kay papa, eh ayaw!

*takbo*takbo*

Nung makita ko ang pintuan ng aking pag-tatrabahuan, parang nag slow motion ang lahat..

Kaliwa.kanan.kaliwa.kanan. Sige lang Krystal takbo pa..malapit na ang finish line..

Konti na lang..Kaya yan

Konting-konti na lang!

Three

Two

One

Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ay agad kong chineck ang orasan

7:29! O yeah!

At dahil nagtagumpay ako,  nagmistulang heaven ang aking paligid.

May tumutugtog na harp sa background, may mga ulap ,may mga nagagandahan, nagagwapuhang at mga cherubic na anghel sa aking paligid at...

.

.

.

.

.

at.....biglang naglaho ng parang bula ang lahat-lahat ng biglang may sumulpot na mamaw~~ este si manager sa aking harapan.

Late ka na naman Krystal, pang labing dalawa mo na to ah! angil niya

Bigla akong nag-panic

H-hindi po mamaw! Este ma’am Au... nakarating po ako dito eksaktong 7:29 am! Tanungin niyo po sila..

Tinaasan niya lang ako ng kilay at saka tinanong si Brad, ang body guard.

Totoo ba ang sinasabi nito? Paniniyak niya

Opo magalang na sagot ni Brad the body guard

Tinaasan niya muli ako ng kilay at saka umalis.

Phew! Muntik na ko doon ah!

Siya si Ma’am Au (short for Aurora)~ ang mamaw ng buhay ko..hehe.. siya ang manager ng cupcake store na pinapasukan ko, ang Cakes in Cups. May katamtamang laki ang store kaya’t medyo marami kami dito. May dalawang  pastry Chef, dalawang body guard, tatlong Server at obviously, isang mamaw este manager. Si Ma’am ay kapatid ng may-ari nitong cupcake store kaya’t akala mo para siyang amo. Mas mabait pa nga yung amo namin eh! Palibhasa matandang dalaga.

Pumunta na ako sa pwesto ko. Nasuot ko na yung uniform ko, kaya’t ung apron nalang saka head band ang kulang. Ang Kyut nga nung uniform namin eh, parang sa Maid Sama. Kulay itim na maid’s uniform na semi-balloon ang skirt na hanggang tuhod, white apron at head band saka black shoes with white knee-length socks.. oh diba ang cute? Parang nag cosplay lang kami..

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 08, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

An Angel's PenWhere stories live. Discover now