An Angel's Pen

91 1 5
                                    

"Dalawang nilalang, dalawang magkaibang buhay. ang isa, malapit ng mamatay at ang isa naman, lumalaban para  mabuhay."

Para makabalik sa kaniyang katawan, isang utos mula kay san pedro ang kailangang gawin ni Gayle. iyon ay kolektahin ang tatlong kaluluwa na kailangan ng mabura dito sa mundo at kailangan niyang isulat kung papaano pumanaw ang mga ito sa kaniyang mahiwagang kwaderno. ang akala niya,madali lang itong gawin ngunit hindi pala. papaano kung ang inaakala niya na ang pagiging  "invisible" niya ay may makakakita't makakahalata pala sa ginagawa niya? 

Si Krystal ay isang masayahin at optimistic na dalaga katulad ng iba. hindi lingid sa kaalaman ng iba na sa likod ng kaniyang masasayang ngiti at pagtawa, ay isang mabigat na hamon ng buhay. siya ang umaako ng responsibilidad ng kaniyang ama na may malubhang karamdaman. siya ang nagtatrabaho para sa ikabubuhay ng kaniyang pamilya. siya ang nagsakripisyo, na sa halip na tapusin ang kaniyang kurso ay minabuti nitong magtrabaho. ngunit, papaano kung matuklasan niya isang araw na may isang nilalang na ka edad niya ang nangungulekta ng Kaluluwa? paano kung matuklasan niyang isa siya sa mg kaluluwang ito? may magagawa ba siya?

An Angel's PenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon