"Umuwi ka ng maaga mamaya Pam, dito magdidinner sila Stella" sabi nito.

Agad akong siniko ni Yanna kaya sinamaan ko siya ng tingin. Hindi na nagtanda ng sinabi kong ayoko ng sinisiko ako. Bwisit.

Tumango lang ako kay Papa at nagpatuloy na sa pagkain. Ilang linggo na rin ang nakalipas nung nalaman ko yung tungkol kay Ian. Naiinis pa rin ako sa bwisit na yun pero wala akong magagawa kung makikita ko siya mamaya. Bahala na. Kakain lang naman kami.

"Ian might come, too" sabi ni Yanna pagkaandar ng kotse. "He's so makapal! After what he did to you? He has the nerve to show and step in your house?!"

"Anak siya ng fiancee ni Papa"

"Kahit na! Duh?!"

Napailing na lang ako. Alam ko nagalit si Papa pero hindi na 'ko nagtanong. Wala akong pakialam kung anumang nangyari sa kanya. Subukan niya lang na kausapin ako mamaya, kamao ko ang haharap sa kanya.

"Later after class pupunta tayo sa mall" sabi ni Yanna habang nasa classroom kami.

Hindi ko siya pinansin. Wala naman akong sinabing pumayag akong maging chaperone niya, assuming masyado.

Naramdaman kong may sumiko sakin kaya sinamaan ko agad ng tingin yung nasa gilid ko. Nakataas ang kilay ni Yanna habang sinasalubong ang tingin ko.

"Sasama ka mamaya, whether you like it or not"

"Ayoko"

"Pam!"

"Tsk" umiling ako at tinutok na ulit ang tingin sa professor. Kung hindi siya titigil, mapapalabas ulit kami ng classroom na palaging nangyayari kapag may hindi siya nakukuhang gusto niya. Pero pigilan niya sana ngayon, terror ang prof namin kaya sigurado akong detention ang bagsak namin kung sakali. Sana naging magkaklase na lang sila ni Raven para hindi ako ang nagsasuffer. Kingina lang.

"Pam!"

"Tigilan mo 'ko Yanna" naiinis na sabi ko nang hindi siya tinitingnan.

Naramdaman ko na naman ang pagsiko niya sa tagiliran ko kaya hindi na 'ko nakapagpigil. Kingina, wala na 'kong pakialam kung sa prof.

"Ano ba Yanna?! Sinabi nang ayoko ng sinisiko ako" I hissed.

Napalingon samin ang mga nakaupo sa unahan kaya hinanap ko agad ang mga mata ng prof namin. He cleared his throat at inayos ang suot niyang salamin bago nagpabalik balik ang tingin niya samin ng pahamak kong best friend.

"Yes, Miss Reyes and Miss Lee?" seryosong tanong ng prof. "Mind to share your own discussion with us?"

Sinamaan ko ng tingin si Yanna saka nagcross arms. Hindi ko siya tutulungan! Kasalanan niya naman. Tsk.

"No sir. Im sorry. May tinanong lang po ako kaya Pam" sagot ni Yanna na pilit ang ngiti saka sumulyap sakin.

"And what is that all about?"

Umangat ang kilay ko nang binalingan ako ng prof. Bakit ako?!

"Miss Reyes, kindly tell me what Miss Lee had to ask you that made you shout and interrupted my class?"

Kumunot lalo ang noo ko at napailing ng makita na sakin na ang atensyon ng lahat. Kingina.

"She's just asking how did you get the answer, sir. She wasn't able to follow your discussion because you were too fast, that's why she keeps on bothering me" sagot ko. Muntik ng dumugo ang utak ko.

Kitang kita ko ang pag-igting ng panga ni Sir. Tsk. Pakialam ko? Totoo naman ang sinabi ko, kaya walang makaperfect sa quizes niya dahil hindi naman namin maintindihan ang tinuturo niya. Wala lang makapagreklamo dahil terror.

Good To YouWhere stories live. Discover now