Chapter 11

3.2K 52 1
                                    

Unedited!

__________

//flashback//

Dj's POV

Ilang linggo na rin yung nakaraan pagkatapos aminin ni Julia sa media na hindi ako ang ama na dinadala niya sa kanyang sinapupunan.  Ayaw kaming tigilan ng media, sabog na sabog yungs social medias namin. Puro away ng mga fans.

Dalawang  linggo na din ang nakalipas pagkatapos namin mag usap ni Kathryn. Pagkatapos nun, wala na kaming narinig sakanya. Hindi ko na alam. Mababaliw na ako sa sobrang pag iisip sakanya.


Nandito lang ako ngayon sa bahay. Nakahiga, nakatulala. Hindi ko na alam kung ano pang gagawin sa buhay ko. Pero sabi nga ni Kathryn, onting oras lang. kaya ko rin naman maghintay kaso nakakabaliw naman na paghihintay to.


Natigil ako sa pag iisip ng may pumasok sa kwarto ko. Si Mama.

M. Karla: Anak?

Humiga ako nagtalukbong. Wag ngayon. Ayoko munang kumausap ng kung sino. Natatakot ako. Natatakot ako na baka oag nagsalita ako, hahagulgol lang ako.

Naramdaman ko naman na Lumapit sakin si mama

M.Karla: Hindi ka daw kumain sabi ni Joy?

Hindi ako nagsalita.


M.Karla: *sigh* Dj. Huwag ka naman ganyan. Sa tingin mo ba gugustihin ni Kath yang ginagawa mo? Bumangon ka na.


Hinila niya yung kumot sa mukha ko. Wala na akong nagawa pa.

M.Karla: Sige na, Dj. Bumangon ka na diyan.


Dj: Maaa



Tumingin sakin si mama.


Dj: Hindi ko na alam.


M.Karla: Oras lang anak. Bigyan mo lang siya ng oras makapag isip- isip.



Dj: Napakatagal naman na pag iisip nun ma.


M. Karla: Magtiis ka, sinaktan mo eh.


Magsasalita pa sana ako pero tumayo na si Mama.

M.Karla: Tumayo ka na diyan at kumain. Hihintayin kita sa baba.

Wala na akong nagawa pa.

Kinuha ko na lang yung cellphone ko at binuksan yung facebook ko. Dalawang linggo na rin matapos namin magusap ni Kathryn pero hindi parin ako naka- block sa facebook niya, na kahit papano nakakapagpangiti sakin.


Pinuntahan ko yung account niya...

Binuksan ko yung messenger ko at nag type ng sasabihin kay kathryn.

Daniel Ford: Kath??

Sinend ko na din.


After ilang minutes nagreply din siya.

Kinakabahan ako, at the same time natutuwa kasi nagrereply siya sakin.


My EverythingWhere stories live. Discover now