"Good evening everyone! Kumusta kayo? Are you enjoying so far?" panimula ni Evan. "By the way, para sa mga hindi nakakakilala sa akin, I'm Evan... Kryptonite's lead vocalist."

"OH MY GOD ANG POGI-POGI MO, EVAN! TANGA LANG ANG HINDI MAKAKAKILALA SA'YOOO!" sigaw ng babae'ng nakaupo sa right table na katabi nang sa amin ni Julianne.

Nakita kong umirap ang best friend ko, tinawanan ko lang siya.

"That's a part of being with him, masanay ka na," bulong ko sa kanya. Alam niya namang marami talagang fangirls ang Kryptonite.

"Marami pa kayong bands na dapat abangan ngayong gabi. We'll party until dawn! Ayos ba 'yon sa inyo?" duktong naman ni Seph bago siya nagpakilala. "Ako nga pala si Seph, lead guitarist."

"ANAKAN MO NA AKO SEPH! PLEASE!" sigaw ng isa pang fan sa likod.

Tawa lang kami nang tawa ni Julianne habang nakikinig sa kung anu-anong pinagsasabi ng mga audience. Ganitong-ganito rin kasi kami noon, hanggang ngayon. Nabawasan na nga lang dahil nahihiya kami ngayong mga kaibigan na namin sila.

"Excited na ba kayo?" tanong naman ni Kael sa audience. Itinapat niya pa ang microphone sa harap kaya nagsigawan talaga ang lahat. Pati nga kami ni Julianne, hindi na nagpigil at sumbay na rin sa sigawan. "Excited na rin kami na tugtugan kayo! I'm Kael by the way, on rhythms," nakangisi niya pang sabi

Nagwawala na naman ang mga audience at hindi mapakali sa pagsigaw. Nagmistulang concert ng Kryptonite ang opening event ng restobar. Their audience was the loudest for sure.

"SHET! ANG OBARYO KO, NALAGLAG NA YATA."

Lalo kaming natawa ni Julianne sa narinig. Nagtawanan din sina Kael sa stage na mukhang narinig ang sigaw ng babae.

"Hi! I'm Tim, the bassist," pakilala niya kaya itinuon ko ang atensyon ko sa stage. "Naubusan na yata kami ng sasabihin ni Kris," sabi niya bago siya ngumiti. 

Magaan ang aura nilang lahat ngayon kumpara sa dati naming napapanuod na gigs ni Julianne. Hindi ko alam kung dahil mas kilala na namin sila o talagang komportable lang sila.

Napangiti ako habang nakatingin sa kanya. Siya ang may pinakamalakas na sigawan at may nagsasabunatan pa sa likod ng table namin dahil sa sobrang kilig.

"I guess, I'd just say this... please enjoy our performance for tonight."

"I LOVE YOU TIMOTHY!!! SANA AKO NA LANG NAG PINAKASALAN MO!"

Oh, ang bilis talagang kumalat ng balita kahit sa Serendipity University lang announced ang tungkol sa kasal namin.

"Bru, sana i-mention ka ni Timothy. That would be amazing! Sana ipakilala ka niya," kinikilig na sabi sa akin ni Julianne habang inaalog niya ako sa balikat. "I will take videos! Baka gawin niya."

"Ano ba naman 'yang naiisip mo," nakatawa kong sabi. "Isa pa, hindi niya naman kailangang gawin 'yon kung ayaw niya."

"Kailangan! He has to do it! So I can forgive his asshole side!" she pushed.

"Mamaya na natin pag-usapan 'yan, magpapakilala na si Kris. Take good pictures!" pag-i-iba ko ng topic.

Ayoko namang paasahin pa lalo ang sarili ko. Expectations lead to disappointments and I don't want that. Sabi nga ni Julianne, masakit mahulog kung wala namang sasalo.

"So... wala na nga kaming masabi ni Tim," bungad ni Kris na napahawak pa sa batok niya. "Sige, spoil ko na lang kayo. We'll be covering songs tonight. 'Yong mga nakapag-request, susubukan naming makanta ang lahat ng ibinibigay niyong songs. Okay ba 'yon?" tanong niya at nagtilian na naman ang karamihan.

SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon