Chapter 9.

8.8K 271 24
                                    

Kanina pa parang kiti-kiti ang best friend ko habang naglilikot siya sa tabi ko. She looks so giddy, ang daming baon na energy.

"Oh my god, bru! I'm so excited! Grabe, ang tagal ko na 'tong pangarap!" kinikilig niyang sabi habang nasa backstage kami. "Full access to them, VIP perks!"

Special passes ang tickets na ibinigay sa amin ng Kryptonite kaya pwede kaming pumasok sa backstage kasama ang iba pang bands na mag-pe-perform para sa opening night ng restobar ng kaibigan ni Mama Kirsten.

Julianne and I both thought that it was just a small big, but the owner's actually high profile and the opening is definitely packed.

"Sobrang taas na achievement para sa isang fangirl. Hindi talaga ako makapaniwala na mangyayari 'to sa buhay ko!" naluluha-luha niya pang sabi ng best friend ko.

Julianne can really be too much when it comes to Kryptonite. She loves them a lot. Buti na lang at nasa stage sila ngayon para sa sound check. My best friend's free to fangirl in whatever way she wants.

She hides it when she's around the boys. Ayaw niya kasing isipin nila na sinamantala niya ang pagkakataon kaya siya nakipagkaibigan. I know the boys won't think that way but Julianne wants to keep it separate so I let her.

"Bru, calm down!" Hinawakan ko siya sa magkabila niyang balikat dahil tumili pa siya sa tabi ko. "Hinga, okay? Kaya tayo nandito ngayon dahil friends na nila tayo. You said you want to keep it low profile."

"Hoy, ano'ng friend? Ako lang ang friend nila," punto niya. "Ikaw, asawa ka ng bassist nila."

"You really wouldn't let me forget that," I chuckled.

"Of course. It's too important to forget," she winked. "Not everyone becomes the wife of their crush! Hindi lahat nagtatagumpay."

"Gaga. It's not as if he really wanted me," I said in a sad tone before trying to sound cheerful again. "Bakit ikaw? Itinatago mo 'yong sa inyo ni Evan?" tanong ko na lang.

"Huh?" nalilito niyang tanong. "It's nothing. I have nothing to say about us," she dismissed.

"Oh, talaga?" I impatiently asked her. "Magsisinungaling ka sa akin?"

"Eh... bru naman!"

"Ano nga?" pamimilit ko.

"Hindi ako sure dahil hindi pa namin napag-uusapan," pag-amin niya at kumunot naman ang noo ko. "Kaya nga ayaw kong sabihin sa'yo kasi magulo. Nag-u-usap kami araw-araw. Sa text messages, sa chats, phone calls... pero hindi ko naman alam kung ano kami."

"Mararamdaman mo naman 'yon, 'di ba?"

"Alam kong may something. Pero nakakatakot kasi mag-assume kapag wala kayong label, kapag walang commitment. Hindi ko alam kung saan ako lulugar. Ayaw ko namang mag-impose. Baka sabihin niya, minamadali ko siya."

"Masyado pa namang maaga para mag-conclude ka, bru. Just enjoy what's happening, don't overthink it," payo ko naman. "Tsaka 'wag kang mahiya na magsabi sa akin. Ayaw mo ba na dalawa tayong kinikilig?"

"Gusto," nakangusong sagot niya. "Eh syempre... ang dami mo rin kasing problema noong nakaraan kay Tim. Ayoko namang sumabay na masaya ako tapos malulungkot ka lang."

"Magiging masaya pa rin naman ako para sa'yo kahit malungkot ako," nakangiting sagot ko. "You don't need to hold back because your happiness is mine too. We're best friends, Juls."

"Thank you, bru..." malambing niyang sabi bago ako niyakap. Maya-maya, nag-text sina Seph na magsisimula na raw ang set nila kaya lumabas na kami mula sa backstage para manuod.

SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon