Prologue

9 1 0
                                        

Isang malakas na sampal ang dumampi sa pisngi ko. Wala na akong nagawa kundi umiyak sa harapan niya. This is too much.

"You slut! I told you na ayusin mo yang pisti mong buhay!" wika ni ate.

Hindi ko mapigilang mapahikbi, matagal ko ng inayos buhay ko. Pero pinagtataka ko, bagsak pa rin ako sa lahat ng subject. Hindi ko alam kung bakit nagkaganun. And then pinatawag ako at sinabing kick out na ako sa paaralan namin.
Nabigla ako ng hilain pa itaas ni ate ang buhok ko. Dahilan para mapasigaw ako sa sakit.

"Wala ka talagang kwenta! Wala na akong magagawa sa buhay mo! Tandaan mo yan!"

Marahas niya akong tinulak kaya na tumba ako sa sahig. Tumingin ako sa kanya ng pagtataka. Bakit mo 'to ginagawa saakin ate?

"Ate please give me one last chance. Please.."

Imbis na maawa siya saakin ay bigla na lang itong tumawa, tiningnan niya ako na para bang nandidiri sa akin. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang ibabang parte ng mukha ko.

"Hmm.. Goodluck lil sister."

Nagsitayuan ang balahibo ko sa sinabi ni ate. Bakit niya sinabi ang salitang yun?.

"Dalhin niyo na siya!"

Bigla na lang may pumasok na armadong lalaki sa bahay namin at hinawak ng mahigpit ang dalawang braso ko. Ngumisi ng nakakaloko si ate. What the hell is happening?!.

"Anong nangyayari dito? Sino sila ate?!"

"Sila ang sundo mo Jane, gusto mo ng one last chance diba? So ito na yun! Haha!"

Magtatanong pa sana ako ngunit tinakpan nila ang ang ilong at bibig ko. Hindi ako makahinga! Bago pa man ako mawalan ng malay nakita kong kumaway siya sa akin habang may ngiting nakakatakot.

Jane HillsWhere stories live. Discover now