Chapter 1

210 6 3
                                    


Guys! Remind ko lang kayo ha? Short story 'to, pero aabot sya ng mga 20. Hahahaha baka lang naman. And mabilis ang mga pangyayare since wala naman syang exact time line. Hindi na din ako mag-lalagay, so yeah. Enjoy the first chapter guys!


*********


''Ano bang mga pakulo nyo ha?'' Tanong ko sa mga abnormal kong kaibigan na ginising ako ng pagka-aga-aga.

''We have a plan.'' Seryosong sabi ni Liza sakin. Napansin ko din na mga naka-pajamas pa sila. At talagang dito sila sa bahay ko dumeretso.

''Ano na naman yan? Pag ako napahamak sa mga plano nyo.'' Sabi ko at inirapan sila. Nabitin ako sa tulog ko eh.

''Ano ka ba. You'll like this one.'' Sabi naman ni Nadine at napahikab pa.

''Sabihin nyo na, mga pabitin kayo eh.'' Sabay irap na naman sa kanila. Mawawalan pa ata ako ng mata sa mga 'to kakairap ko.

''Okay, okay! We have an OPLAN just for you.'' Sabi ni Janella.

''And we call it... OPERATION: FIND KATH A BOYFRIEND!''

Agad akong napatayo sa sinabi nila. Seriously? Nababaliw na ba talaga ang mga 'to? O talagang desperada lang silang makahanap na ako ng BF?

''For real?'' Hindi ko makapaniwalang tanong sa sakila. Sabay-sabay naman silang napatango. I can't believe it. They are setting me on a blind date.

''NO!'' Sigaw ko. Hindi ako papayag, I know naman na NBSB ako pero ayaw ko naman makaipag-blind date no.

''Teh naman, 26 ka na. Wala ka pang naging BF ever since.'' Sabi ni Nadine.

''Eh ano naman? Si Liza din naman walang BF ah.'' Sabi ko sa kanila.

''Hoy, kaya ko naman humanap ng akin. Tsaka ako nagka-bf na. Ikaw never.'' Sabi ni Liza. Ugh! Why are they doing this to me?

''Kath, wag ka ng tumanggi. Pipili naman kami ng matino eh.'' Sabi ni Janella na akala mo naman luluwag ang pakiramdam ko dun.

I get their point naman. NBSB ako. At 26 years old na ako, at hanggang ngayon wala talaga akong naging BF. Nagpaligaw naman ako dati pero wala eh, hindi ko sila nagustuhan.

''So, payag ka na?'' Tanong ulit nila ng hindi ako sumagot.

Napabuntong hininga ako. At nagtatalon na sila, alam na kasi nila na once mag-buntong hininga ako eh napapayag na nila ako.

''Umalis na nga kayo dito. Matutulog pa ako.'' Sabi ko sa kanila at iniwan ko na sila sa living room at pumasok sa kwarto ko.

''Psh.'' Sabi ko at humiga sa kama.

Wag nyong mamasamain ha? Pero maganda naman ako, matalino din, pinanganak na mayaman, but I guess hindi sapat yang mga yan para makahanap ng BF. Sinukuan ko na nga ang pag-hahanap ng BF nung college pa lang at nag focus nalang sa pag-aaral. Tignan mo nga ngayon at may sarili na akong Botique. At nakabili na ako ng sarili kong bahay, may kotse pa.

I have the most loving and supportive parents. And I have the realest best of friends. So saan ka pa diba? I have it all. Well except for a BF. Ugh!

Pero minsan din talaga, hindi ko maiwasang hindi maisip kung may BF ako ngayon, mas masaya kaya ako? Mas gaganda kaya ang buhay ko? Kasi diba, imagine na araw-araw may nagsasabi na mahal ka nya, araw-araw na may nag-aalala sayo. Iniisip kung kumain ka na ba, kung ayos ka lang ba. Tapos yung mga sweet good morning and good night texts. Hay..


Sana lang talaga mag-work 'tong plano ng mga kaibigan kong mas desperada pa sakin na makahanap ako ng BF.


*********

Short star!!! Hahahaha sorry na po kasi!

What do you guys think about it? Mag-wowork ba ang plano nila Liza, Nadine at Janella?


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 01, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Kitty Kath And The Seven MiceWhere stories live. Discover now