Paperweight

35 0 1
                                    

DIARY 1

September 23, Monday

      Ang ganda na naman ng panahon. Gosh! Kinikilig ako sa liwanag ng langit. Malinis na asul. AT parang cotton candy na ula. Aaaah~

    Actually katatapos ko lang magbasa ng isa na namang libro ni Jude Deveraux, Sweetbriar. Pagkatapos kong basahin, as usual, napapatunganga ako sa kawalan at napapaisip ulit sa mga binasa. Ang galing talaga ni Jude magsulat. Aaaah~

         Ngayong araw na to ay medyo extraordinary. Ang totoo nyan, yung una kong dalawang paragraph, kaninang hapon nangyari. At ngayong 6 pm na ko nagsusulat. Tinandaaan ko lang ang pakiramdam tsaka sinulat. (It doesn't make senseat all, right?)

        So balik tayo sa extraordinary day. May nakilala akong lalaki ngayon. Gwapo sya. Attractive. At maamo ang mukha. Malalim ang mata na lalong nagpagwapo sa kanya. Nagbabasa sya ng libro... sa tabi ko pagkagising ko sa upuang semento na nakapalibot sa malaking puno sa gilid ng school building. Ang pangalan nya ay Lucas. Lucas Dela Vega.

~~~~~~~~~~

May bookhang over na naman si Amores. Katatapos lang nya basahin ang isa sa mga libro ng paborito nyang awtor na si Jude Deveraux. Sweetbriar ang pamagat. Madalas syang nakatingin sa kawalan at napapaisip sa mga nabasa nya. Kinikilig pa rin. Sa tahimik at di mainit na panahon, laging nakakatulog si Amores sa lagi nyang inuupuang pwesto sa gilid ng school building.

Paggising nya, sa sobrang ganda ng panahon, nagsulat uli sya ng diary. HIndi palalampasin ang magandang panahon. Pagkatapos ng dalawang paragraph tsaka nya napansin ang katabi nyang lalaki na nagbabasa ng---

Sa sobrang seryoso sa pagbabasa, hindi rin siguro nya alam na dilat na ang mata ng katabi nyang si Amores at nakatingin na ito sa kanya.

Hindi naman kilala ni Amores at ang lalaki kaya wala rin itong balak pansinin. Nacurious sya sa binabasang nyang libro.

Nang sinusubukan nyang basahin ang mga dialog at tinitingnan kung interisante ang libro. Biglang nilipat ng lalaki ang next page , dahan-dahan at biglang binalik sa kabila at binalik ulit at binalik ulit at binalik ulit hanggang sa mapatingin si Amores sa mukha ng lalaki. Nakatingin sya kay Amores.

Napanganga sa gulat si Amores, hindi alam sasabihin, nang biglang tumawa ang lalaki, tsaka natawa rin si Amores.

Pagkatapos magtawanan...

Ngumiti lang si Amores, di alam yung sasabihin. "Pinagtitripan mo ko ah!"; "Hey, I'm Amores, just call me Amor"; "Ano yang binabasa mo?" Naisip rin nyang: "Sige, tapos na tayong magtawanan, alis na ko. Bye!"

Pero hindi nagsalita si Amor kaya si Lucas ang unang nagsalita.

"Ako si Lucas, Lucas Dela Vega"

Pagpapakilala ni Lucas kay Amores, seryoso.

"Amores, Amor na lang. Mas sanay akong----"

"Kilala na kita , di mo kailangang magpakilala"

Tumahimik sandali si Amores. Isip niya: 'Stalker?'

"Kilala ka ng lahat ng lalaking pumupunta sa library" Tuloy ni Lucas

Di pa rin alam ni Amores kung anong sasabihin. 'Stalker nga!' Isip ulit ni Amores

"Madalas ka pag-usapan ng mga lalaki pag duty mo don" Dugtong pa ulit ni Lucas. Nanlaki mga mata ni Amores sa naririnig. 'Grupo ng mga stalker?' .Tumingin sya sa suot nya.

"Malaswa ba 'ko manamit?" Tanong ni Amores

"Hindi, gusto ka lang nila pag-usapan" Sagot agad ni ni Lucas

"At isa ka don?"

"Minsan, minsan hindi"

"Hmm?" Hindi nagets ni Amor

"Thrice a week lang ako pumunta sa library, pero mga kaklase ko, araw-araw. Pag nagkasabay kaming pumunta nakakasali ako sa usapan nila"

"At ano namang pinag-uusapan nila?"

"Nothing worth at all"

"Mmm... so ano pala yang binabasa mo?"

"Ah eto... politics. Gusto mo basahin?, maganda"

"Sige, pagkatapos mo. Wala pa kong nababsang libro nya. Sino pa lang favorite author mo?" Tanong ni Amor na nagpapakitang nagkakainteres sya kay Lucas

"Dan Brown, I guess?"

"Di mo sure?" Natuwa si Amor sa tono ng pananalita ni Lucas

"Uhmm... sa tingin ko hindi naman sa favorite ko talaga sya. Pero sya kasi ang author na may pinakamaraming libro na nabasa ko na. Magaling talaga sya, creative, meaning behind his story, you know what I mean. Pero hindi ko pa rin masabing gusto ko syang author"

"Aaah. Ganun ba. Hindi ko pa rin natatry magbasa ng libro nya eh. Nagkainteres ako basahin yung Angels and Demons pero nagk-crave ako lagi ng libro ni Jude Deveraux"

"Favorite author mo?" Dugtong ni Lucas na ikinagulat ni Amor. Nakangiti sya. Napangiti rin si Amor.

"Alam mo, malapit ko ng itanong sayo kung stalker ka ba" Joke ni Amor. Natawa naman si Lucas sa sinabi nya.

"Alam mo, lagi rin akong nandito, nagbabasa. Mula Juna pa ata. Pero ngayon mo lang nalaman"

"Talaga?!" Di makapaniwalang tanong ni Amor.

"Yes. Nakita ko na nga iba't ibang reaksyon mo sa mukha" Pang-aasar ni Lucas.Di ulit makapagsalita si Amor.

"Edi nakita mo rin akong umiyak nung binabasa ko yung Lavender Morning?"

"Oo, kung Lavender Morning man ang title non"

"Nakakahiya" Tamang-tama, napatingin si Amores sa relo. 4:30 pm. "Oh, 4:30 na, magsasara na pala ang library maya-maya. Baka hanapin ako ni ma'am Solis" Hindi nagsalita si Lucas, tahimik lang.

"Magkikita ba tayo ulit bukas?" Tanong ni Lucas habang nagliligpit si Amor ng gamit.

"Mm?" Napaisip si Amor sa sinabi ni lucas "Oo. naman. Andito. naman. ako. lagi?" Dahan dahang dugtong ni Amor

"Pero hindi mo 'ko napapansin" Pakiramdam ni Amor nagmamakaaawa si Lucas

"Alam ko na, sali ka sa culb namin" Nakangiting tugon ni Amor

"Club? I'll try" Kumuha si Amor ng memo pad at nagsimulang magsulat, tapos pinilas at binigay kay Lucas.

"Kailangan ko ng umalis Like..."

"Lucas" Paalalani Lucas na Lucas ang pangalan nya at hindi Luke.

"Oh, akala ko Luke" Nakangising sagot ni Amor. "Magkita ulit tayo bukas, at susunod na bukas at sa pangatlong bukas at pang-apat" Hindi alam ni Amor Ba't nya nasabi yun.

"Sige" Maamong tugon ni Lucas bago tumalikod si Amor at umalis. Hindi naman mawala ang ngiti ni Lucas. Bago nya ituloy ang pagbabasa, tiningnan nya muna ang nakasulat sa memo:

                                                          'Flip the Pages' (Book club)

                                                          UnYoung Building. room 333 (4th flr.)

                                                          Be there at 2pm :))

                                                                                                  -Amor-

PaperweightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon