Ikatatlumpu't siyam na Pahina

1.1K 18 1
                                    

"There are three sides to the story. His, hers, and the truth."

Kinwento ko kay Steffan ang lahat. Mula sa mga kabaliwan ko nung high school ako para lang mapansin ni John Calvin, nung umalis ako papuntang London, ang pag-iwan ko sa Khara para lang bumalik ulit ng Pilipinas to 'chase my dream' and fight for my love. Kinwento ko sakanya lahat ng nangyari sa amin, ang progress ng relationship namin, ang mga magagandang sandali namin before Selena came and ruined everything for us.

"Alam mo si Selena, mabait naman yan, Amanda. Masayahin, palakwento, parang ikaw. Nung finally nameet na nya si Sir JC, ayun, lagi na niyang bukambibig yun. She was very blunt and very open to loving him. Kaya lang, hindi naman talaga siya type ni Sir eh. Ewan ko ba. 6 months nawala yan sa AP, nagulat na lang kami dumadalaw dalaw na ulit siya sa AP. But this time, sweet na sila ni Sir JC."

"Eh si Xander? Anong relasyon nila ni Xander?"

"Si Xander ang naging savior ni Selena sa tuwing pinapahiya siya ni Sir JC. Alam mo ba, sabi pa dati ni Sir JC kapag daw hindi tumigil si Selena sa kahahabol at kakaistorbo sakanya, he's going to fire our whole team!"

Naisip ko yung time na maaga akong pumasok sa AP at pinagbantaan ako ni Xander na huwag akong magcoconfess kay John Calvin dahil sisisantihin daw niya ang buong team. So, yun pala ang basis nya kaya nasabi nya sa akin yun before. Now I understand.

"Iba ang ngiti niyan ni Xander, noon Amanda. He's not the grumpy and snob type. Pero nang umalis si Selena tapos nalaman niyang sila na ni Sir JC, palagi na siyang seryoso. Buti nga dumating ka eh, ngayon na lang ngumiti ulit yan si Xander."

So tama nga ang hinala ko, si Selena nga ang babaeng kinakabaliwan ni Xander dati. Ang hindi ko lang maintindihan is.. bakit kapag tinatanong ko siya about kay Selena he seems aloof? Ginagawa niya ang lahat para iwasan ang tolic na iyon.

Days passed at mukhang normal naman ang mga araw sa AP. Wala rin si John Calvin nang isang buwan. Hindi ko alam kung bakit pero napapadalas ang pagalis niya ng bansa.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin natatanong si Xander about kay Selena. Marami pa akong gustong liwanagin sakanya dahil may mga bagay pa rin akong hindi maintindihan. Pero hindi ko siya matanong dahil lately, palaging spaced out si Xander. Often times, nakatulala lang siya at parang may malalim na iniisip. And as the days go by, napapansin ko ang pagdalas ng pagtulala niya.

"Xander, okay ka lang ba? You look pale." sabi ko sabay dapo ng kamay ko sa noo niya. Wala naman siyang sakit.

"Okay lang ako." Tapos ay aalis siya para uminom ng tubig, or para magyosi sa labas. Kahit na ano para iwasan ang pagtatanong ko. Ganyan palagi ang scenario.

He's acting really strange lately. Ayaw niyang mangausap ng kahit na sino. Even me.

One time, habang naglalakad kami ni Mao sa hallway papunta sa cafeteria ng AP ay nakita ko si Xander na nagmamadaling pumunta sa may rooftop. Bakas sa mukha nya ang pagkabalisa.

"Mao, una ka na sa baba ha? Sunod na lang ako."

Tumango si Mao at nauna nang naglakad. Bumalik ako sa hallway at dinala ako ng mga paa ko para sundan si Xander.

I am his friend at kung noong mga panahong nangangailangan ako ng karamay ay nariyan siya para sa akin, then it's my turn to help now.

Pero nagulat ako nang marinig ko ang hikbi ni Xander. I was about to show myself to him and comfort him pero napatago ako sa likod ng pinto nang marealize ko that he is not alone.

"Sssshhh. Alexander, please. Wag ka ngang parang bata na umiiyak jan." Malumanay na sabi ni Selena.

Galit si Xander nang tingnan niya si Selena. "HOW CAN I?!" Nanlulumo ako sa klase ng pag-iyak ni Xander. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan kadevastated. Na kung iyakan niya si Selena ay parang mamamatay na ito.

Selena reached for Xander's face. "You don't have to cry for me, Alexander. Everything's gonna be alright." She smiled at him. Pero ang ngiting yun ang mas nagpalakas ng hikbi ni Xander.

"If only I can do something...anything! Pero wala akong magawa!" Nakaluhod si Xander sa semento at sinuntok niya ito pababa. Nagulat naman si Selena sa inakto ni Xander at dali daling hinawakan ang kamay nya at hinalikan ito.

"I'm okay, as long as you're here for me, Alexander." sabi niya.

Tiningnan siya ni Xander na parang kinakabisa ang bawat linya ng mukha niya. Hinaplos niya ang pisngi ni Selena at itinago ang ilang buhok nito sa likod ng kanyang tenga.

"Selena, I love you so much."

Napatakip na lang ako ng bibig ko nang halikan ni Xander si Selena sa labi at pumayag naman si Selena. Walang bakas ng pagkagulat o panlalaban nang halikan siya ni Xander.

Automatic na kumulo ang dugo ko.

She is John Calvin's wife, for Christ's sake! Ako na nagpaparaya at nasasaktan sa pagpapaubaya kay John Calvin sakanya, tapos siya ay kapag wala si John Calvin dito, lumalandi nang patalikod?

Hindi ko maiwasang mataniman ng galit ang dibdib ko. She can't do this to John Calvin. Hindi niya pwedeng pagtaksilan ang lalaking matagal ko nang tinitingala.

Naguguluhan ako sa mga nangyayari. Hanggang ngayon, marami pa ring tanong sa utak ko ang hindi pa nabibigyang kasagutan. If he likes Xander too, bakit pa siya nagpakasal kay John Calvin? At kung sinaktan ni Selena si Xander dati, bakit hanggang ngayon he still cries for her? He still cared at hindi man lang siya nagagalit dahil pinagsasabay sila ni Selena?

Mas lalo lang akong naiinis sa kanya dahil kahit anong sahol ng ugali niya, mahal siya ng dalawang lalaking malapit sa akin. Pinaglalaruan niya lang ang dalawang yun!

Galit akong nagmartsa pabalik ng opisina namin.

Selena Martinez. Ano bang meron sayo? Ano bang meron sa inyong tatlo?

That no matter how I try to figure things out on my own, alam kong isa lang sakanila ang makakasagot ng tanong ko. And that leaves me with no choice...

I have to know the truth.

-----

Sorry. Maikli ang chapter na to. Hahaba na kasi masyado kapag tinuloy tuloy ko pa eh. Bawi ako sa next chap. :)

When Do You FallWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu