Dito lahat nag simula ang kababalaghan sa amin mag kakaibigan.
Nag plano kami na pumunta ng baguio. Tumuloy kami sa isang camp (di ko na maalala kung anong camp ba yun, basta sa may itaas siya ng wet and dry market sa may sentro ng baguio city). Ang ganda ng nakuha naming bahay. 9 kaming nag occupied nung attic part ng bahay. Napaka laki at tanaw na tanaw mo ang sentro ng baguio.
4 days & 3 nights kaming nag stay, mag isa ako sa kwarto ko dahil hindi naman ako takot sa mga kung ano anong supernatural na bagay. Wala naman naging problema sa pamamalagi namin sa bagyo except sa picture namin sa terrace na may parang puti na hindi mo maipaliwanag kung ano at nung araw na aalis na kami.
Nag ayos na kami ng gamit at ng aming mga sarili. Una akong natapos dahil wala akong kaartihan sa aking katawan at ang mga kaibigan ko ay nag me-make up pa. Habang nag aayos sila ng kanilang mga sarili pumunta ako sa kwarto nila dahil nga ako lang ang nahiwalay, ako lang ang umiba ng kwarto.
Nag kkwentuhan kami habang nag aayos sila. Dalawa sa kaibigan ko ang bigla na lang sumakit ang ulo. Si "A" at Si "I". Naniniwala ang kaibigan ko na si "B" na yun ang unang nangyayari kapag may espirito na napag lalaruan ka.
Taga bicol si "B" kaya mapamahiin pag dating sa mga ganyan bagay. Mahilig din daw ang mga espirito sa mga mahahaba ang buhok. Pareho mahaba ang buhok ni "A" at "I". Ako naman ay hindi naniniwala sa mga ganon.
Inutusan ni "B" na pabilihin ng kandila sina "A" at "I", lima kaming natira sa kwarto. Nag tuloy sa pag kkwentuhan ng mga nakakatakot na bagay dahil nga sa mga sinabi ni "B".
Nakaupo ako sa kama na nakaharap sa pinto. Tanaw ko ang labas ng kwarto. Habang nag kkwentuhan sila bigla akong nakakita ng kulay puting bagay na dumaan sa labas ng kwarto, sinabi ko agad sa mga kaibigan ko na kasama ko sa kwarto.
Wala pang isang minuto biglang dumating sina "A" at "I" na bumili ng kandila.. Biglang nag kwento si "I" na ang sama sama daw ng tingin sa kanya ng babaeng nag titinda. Na parang gusto na silang paalsin dahil parang may nakikita daw yung babae na di nila nakikita.
Napag isip isip ko na baka nga sinusundan silang dalawa nung puting bagay na nakita ko bago sila dumating. Kaya nag dasal kami at nag tirik ng kandila bago lisanin ang baguio.
-=<MANILA>=- Akala namin okay na ang lahat, akala namin okay na ang dasal at pag tirik ng kandila, pero hindi pala. Kahit nasaan kami ay sinusundan kami ng kung ano man ang bagay na yun.
Tumawag sakin si "M" balisang-balisa dahil hindi alam ang gagawin. Bigla daw nag iba ang ugali ni "A" na para bang sinasapian dahil nag wawala ito at nag iiba ang boses.( by the way, si "A" si "M" si "L" at si "BE" ay nakatira sa iisang dorm. Si "B si "I" si "Q" at ako ay may kanya kanyang bahay).
Nag punta silang apat sa albularyo at sabi nga na, nasundan daw kami. May mamamatay daw samin dahil sa bangungot.
Umikot ang kababalaghan sa apat kong kaibigan na nakatira sa iisang dorm. Dalawa sa kanila ang nasapian. Yung dalawa naman ay palagi masama ang pakiramdam. Yung iba naman nanaginip ng masama. Ako wala akong nararamdaman na kahit isa jan.
Nag kita kita kaming 8 at pumunta sa isang gimikan sa timog. Siyempre hindi mawawala ang picture picture. Nagulat kami sa resulta ng mga picture na kinuha sa cellphone ng kaibigan ko. Nandun ang babaeng puti. Oo babae siya malinaw ang mukha niya. Nakakatakot kasi parang na lukot yung mukha niya, para bang nadaganan kaya may lubog lubog.
Pa uwi na kami. Si "Q" nag taxi pauwi. Kami naman nila "I", "B" at ako ay may driver at hinahatid kami isa isa sa mga bahay namin, ako ang last stop. Biglang tumawag si "Q", takot na takot ang boses niya. Sabi niya yung babae daw na sumusunod samin ay kasama niya sa loob ng taxi. Nakita daw niya sa rear view mirror na may katabi siyang babae. Mangiyak ngiyak ang boses niya habang sinasabi ito.
After ng inuman session namin wala na akong nabalitaan na kung anong kababalaghan sa barkada. Yun pala ako na ang makakaranas. Hindi ako takot sa multo dahil bata pa lang ako nakakaramdam at nakakakita na ko kaya parang nasanay na ako pero iba tong naranasan ko.
Sabado... Pumunta ako sa las piñas dahil may birthday kaming pupuntahan ng boyfriend ko. Masaya ang naging party. 2am na yata nung umalis kami sa venue, Umuwi ako sa apartment niya. Nag patuloy ang inuman namin kasama ang tatlo niyang barkada. Lumabas ako saglit sa garahe para mag yosi. Habang humihithit ako ng yosi biglang lumabas ang boyfriend ko.(ayaw niya kasing nawawala ako sa paningin niya tuwing magkasama kami). Bigla niya akong niyakap. Pag kayakap niya, nagulat ako sa nakita ko dahil yung babaeng sumusunod saming mag kakaibigan ay biglang nag appear sa likuran niya at biglan din nawala. So sinabi ko sa kanya yun at sanay na siya tuwing makakakita ako ng multo dahil lagi ko sinasabi sa kanya pag nakakakita ako.
Linggo umaga umuwi na ako ng quezon city. Wala naman masamang nangyari, hindi naman nasundan ang pag papakita ng babae. (Yun lang pala ang akala ko). Kinagabihan, tumawag sakin ang boyfriend ko. Routine na namin ang palaging nag uusap bago matulog, inaabot kami ng madaling araw. 4am na, sabi ko matutulog na ko dahil may class pa ako mamaya.. Nakatulog ako. Ang aso ko ay nasa tabi ko. Lagi ko siyang tinatabi matulog sakin.
Nakatulog na ako. Bigla akong nanaginip. Ang set up niya is. Nasa kwarto ako ng tito ko. Ang lola ko ay naka higa sa kama at ako naman ay nasa sofa na naka pwesto sa kaliwang dulong bahagi ng kama. Natutulog kami ng lola ko sa panaginip ko. Kung maiimagine mo yung usok ng sunog is color gray-ish na black-ish. Ganun ang usok na bumabalot sa paligid ng kwarto. Pero ang kisame ay kulay usok na puti. Biglang may lumitaw na parang whirlpool sa ilalim ko, nandun ang babaeng sumusunod saamin mag kakaibigan. Hinahatak niya ako. Sinasama niya ako sa portal na lumitaw na lang bigla sa hinihigaan kong sofa. Habang hinahatak niya ako, unti unti ding nawawala ang pag hinga ko kasabay nito ang pag sakop ng madilim na usok sa puting usok sa kisame. Alam kong gising ako that time. Kasi nararamdaman ko yung aso ko na nag lalaro at kinakalmot ang kamay ko. At naririnig ko yung electric fan ko. At nakakaramdam ang katawan ko pero hindi ko maigalaw. Habang unti unti akong hinahatak ng babae pawala din ng pawala ang hininga ko hanggang sa tuluyan nang nag blackout ang paligid nasakop na ng itim na usok ang puting usok at nawalan na din ako ng hininga. Aware na aware ako sa nangyari sakin para bang nasa dalawang mundo ang iisa kong katawan. Nawalan ako ng hininga at bigla na lang akong nagising at hinihingal. Takot na takot ako. Dahil unang beses kong nakaranas ng ganon.
Nilagyan ni mama ng rosary at praying booklet ang bed frame ko para maiwasan na mangyari pa ulit ito sa akin.
Hoppla! Dieses Bild entspricht nicht unseren inhaltlichen Richtlinien. Um mit dem Veröffentlichen fortfahren zu können, entferne es bitte oder lade ein anderes Bild hoch.
-=<December 23,2015>=- Huling pag paparamdam, siya nanaman. Oo siya ulit.
Dahil mag papasko, kaming mag pipinsan ay karaniwang nag sasama sama at sumasalubong sa pasko at bagong taon. Dahil marami kaming nasa bahay ng tito ko. Kami ng pinsan kong si "N" ay natulog sa ibaba. Nag latag kami ng kutson. Oo binangungot uli ako at siya nanaman. Madami sila pero iisa ang mukha. Naka pila sila at isa isa silang nag fe-face dance sa mukha ko. Para bang mapang asar na mukha ang gingawa nila. Sobrang pangit niya at sobrang dilim ng paligid. Ganun pa rin , gising ang diwa ko pero ang utak ko nasa dimension ng babae. Buti na lang at na sipa ako ng pinsan ko kaya bigla akong nagising.
Yan na ang last na naranasan namin. Sa akin nag tapos ang pag sunod ng babae, dahil siguro di niya ako ginugulo nung una. Binawian ako sa huli. After niyan wala nang masamang nangyari sa amin.