Anong Nangyari?

66 4 2
                                    

PLAYLISTS No.1


Now Playing: Anong Nangyari Sa Ating Dalawa
Performed by: Aiza Seguerra

Ikaw ang pinangarap
Ikaw ang hanap hanap
Ngunit bakit nagnago ang lahat?
Ang init ng pagmamahal parang anong salat.

Pangakong habang buhay
Pangakong di magwawalay
Ngunit ba't lumamig pagmamahal?
Parang di na ikaw
Sa Maykapal ang dinasal

Among nangyari sa ating dalawa?
Akala ko noon tayo ay iisa
Ako ba ang siyang nagkulang
O ikaw ang di lumaban
Sa pagsubok sa ating pagmamahalan

Among nangyari sa ating dalawa?
Pagmamahal ngayon bakit naglaho na
Damdamin ay nasasaktan
Puso'y nasusugatan
Pangako momg pagmamahal ngayon ay nasaan?

Nasan ang sumpaan
Akala ko ay walang hanggan
Ngunit bakit ngayon nasasaktan
Hanggang dito na lang ba
Ang ating walang hanggan?

Among nangyari sa ating dalawa?
Akala ko noon tayo ay iisa
Ako ba ang siyang nagkulang?
O ikaw ang di lumaban?
Sa pasubok sa ating pagmamahalan?

Anong Nangyari?

(Pls.play the You Tube Video for more drama effects)

---------------------------------

Alyssa POV

Sa apat na sulok ng aking silid tanging mga hikbi at impit na hagulhol ang maririnig. Ma's pinili Kong magkulong sa aking kwarto. Ayokong marinig o makita ako ng mga kasama ko sa bahay na ganoon ang ayos ko nakakahiya kasi ang itsura ko.Walang ligo at gulung gulo ang buhok. Magulo rin pati suot kong damit. Daig ko pa ang nadaanan ng buhawi. I'm a mess!

Nakadapa ako sa malambot kong higaan habang walang tigil sa kakaiyak. Halos maubos ko na ang apat na rolyo ng tissue paper at mapuno ang trashcan sa gilid.

Anong nangyari?

Kahapon ay excited pa ako dahil tumawag sa phone si Jeremy. Asking me to go out with him may mahalagang bagay raw kaming pag uusapan. I did not bother to ask kung anong bagay na yun. Dahil naexcite at kinilig ako agad. Bihira lang naman kasi itong magyayang lumabas. Nagpaganda ako at siniguro kong maayos ang itsura ko. Suot ko ang ternong damit na regalo sa akin nito last anniversary namin. Masigla pa akong nagpaalam sa tiyahin ko.

The Break Up PlaylistsWhere stories live. Discover now