Masyado akong nagpadala sa selos, lintek na selos kasi yan eh. At hindi rin ako nagtiwala kay Bea nun, sa tuwing naaalala ko yung ginawa ko sakanya kanina ay mas lalong kumukurot yung puso ko. Pucha Jho, tanga mo naman.

"Teka, kuha lang ako ng tubig"

Tumango ako, at agad nang lumabas si jaja.

Pagkatapos nun ay nakatanggap ako ng tawag galing kay Gizelle, na ikinagulat ko naman kasi hindi naman siya tumatawag saakin. Ngayon lang as in first time.

"H-hello, Gi?" Pilit kong inaayos yung boses ko.

"Jho! Where are you? Bea needs you right now, we're at St. Lukes right now"

Bigla naman akong napatayo sa mga narinig ko.

"Ha? Hospital? A-ano. Bakit kayo nandyan?"

"Si Bea, nabang--"

Natapon ko yung phone ko at biglang kumuha ng mga gamit. Agad akong nagbihis para makapunta kay Bea.

Hindi ko alam kung ano nga ba ang nangyari pero sa tuwing naririnig ko yung pangalan ni Bea naiiyak at nakokonsensya ako. Hindi ko alam kung bakit.

"Jaja," sabi ko at umalis na.

Pumara ako ng taxi para puntahan sila Bea.

"Kuya, wala na bang mas bibilis pa diyan?" Reklamo ko at napatingin naman saakin yung driver.

"Maam, kalma lang po tayo--"

"Kuya, pakibilisan naman oh, magbabayad po ako. Please" pagmamakaawa ko pa.

"Maam, kung bibilisan ko ito maaksidente lang tayo" huminga ako ng malalim "At saka madilim na rin po yung daan, wag po kayong magalala makakarating tayo sa pupuntahan niyo"

Hindi na lang ako nagsalita, patuloy pa rin ang pagaalala ko kay Bea, kahit na hindi ko pinatapos si Gi sakanyang sasabihin ay parang alam ko na rin yung mga nangyari.

Halos ilang oras din yung biyahe bago ako makarating sa paroroonan ko.

"Maam, andito na po tayo" sabi ni manong at tumango na lang ako.

Lumabas na ako ng taxi at agad na pumasok sa loob, naabutan ko naman si Gizelle na nagaantay saakin sa labas, na parang hindi na rin mapakali.

"Jho!" sabi niya at niyakap niya ako "Dito tayo"

Hindi pa rin ako makapagsalita, sumunod na lang ako sakanya at hindi nagtagal ay nakarating na rin kami sa room ni Bea, 

Napapikit ako sa aking nakita...

Si Jana, habang hawak niya yung kamay ni Bea, at si Bea naman na nakatingin din sakanya.

Hindi naman siguro ganon kalala para maiwan siyang unconscious kasi sa nakikita ko parang hindi eh, may mga konting galos siya sa ulo, sa balikat, sa kamay at sa kanyang pisngi.

Bumuntong hininga ako bago tuluyang pumasok na sa room ni Bea.

Napaluha na lang ako sa aking nakita, hindi ko alam, dahil ba to sa kalagayan niya. O dahil sakanya na kasama ngayon si Jana.

Napatingin naman saakin si Jana, at ganoon na rin si Bea. Parang gulat pa silang dalawa.

"Jho, kalma lang ha?" paalala ni Gi, at tumango naman ako.

"B-Bea" Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako, kung bakit ako nagkakaganito.

Lalapit na sana ako ng biglang bumukas yung pinto at nakita kong pumasok ang kanyang mommy at daddy,

Agad naman silang tumakbo papunta kay Bea para yakapin ito.

"Beatriz, anong nangyari sayo?" Nagaalalang tanong ng kanyang mommy.

Love StruckWhere stories live. Discover now