Chapter 2

1 0 0
                                    

*kringgggg.krinnnnggg.*

Pinilit kong imulat ang mata ko sa pagkakapikit dahil sa narinig kong ingay mula sa left side ko.

*krinnnng.krinnnggg.*

Nakita ko ang alarm clock ko na nagsasabing alas otso na ng umaga. Unang araw ng college life ko ngayon at ang first class ko ay alas nuebe ng umaga. Nothing important.

Agad kong ibinalik mga mata ko sa pagkakapikit at muling inumpisahan ang mahimbing na pagtulog ng....

"Oh sheez! Late na a-- ouch!" Hinimas himas ko ang balakang ko dahil sa sakit na nararamdaman ko mula sa pagkakahulog sa kama ko.

Oo,tama kayo ng basa. Lumagapak lang naman ako. Ouch lang ah! Bakit ba kasi nag-alarm ng 8 ang alarm clock ko eh sa pagkakaalam ko naman 7 ko yan isinet eh!

Kahit na sobrang sakit parin ng balakang ko ay pinilit ko paring makatakbo agad sa c.r which is located lang naman dito sa loob ng room ko. It took as fast as hell ang pag hahanda ko. Iniisip ko palang na late na ako parang aatakihin na ako sa puso eh.

Nakita ko agad si mama pagkababa ko palang ng hagdan since nakalocate yung kwarto ko sa second floor. I give her a peck of kiss of both of her cheeks as a sign of gratitude.

"Morning ma!" Bati ko once na nahiwalay ako sa kanya from cheek to cheek greeting.

"Oh anak. Morning din. Dumiretso ka na dun sa dining para makakain ka na."

Iniling ko naman ang ulo ko ng sobra na parang maaalis na sa pagkakakabit with matching shake shake pa ng hand.

"Hindi na po ma! Dun nalang po ako kakain, tsaka malelate na rin po kasi ako eh. Late po kasi ako nagising." Sinamahan ko yan syempre ng convincing look. Para maniwala si mama.

"Are you sure? Nagluto pa naman ako para sa first day mo." Kung ako may convincing look, si mama naman may patampo look. Oh diba! Cool ni mama, nakikibagets.

"Sorry talaga ma pero *tingin sa relo* 20 minutes nalang simula na ng first subject ko eh. Babyahe pa ako and we don't know na baka mamaya traffic pa pala." Medyo naghuhurry na ako kasi naman si mama mukang balak pang makipagchikahan sakin.

Disappointment is visible on my mother's pretty face. Natahimik siya ng about a second habang ako naman ay kating kati ng makaalis dito sa kinatatayuan ko. Oh dear God! Help my mom to think fast! He need your guidance now! But then suddenly her face fall sign of giving up.

"Sige na nga! Pero mamayang dinner umuwi ka ng maaga ha. Ako ulit magluluto." I sighed in relief. Buti naman nakapagdesisyon din.

"Thank you ma.Alis na po ako. Bye!!" Hindi ko na hinintay na makasagot si mama. May ugali kasi si mama na hanggat may sinasabi ka hindi siya nawawalan ng isasagot hanggang humaba na naman.

Nagpahatid ako kay kuya Julio(personal driver namin) sa school since hindi ako marunong magdrive at wala pa naman akong sariling kotse.

Halo halong emosyon ang nararamdaman ko pagkarating namin sa parking lot ng University na'to. Nga pala, Stanford High University ang name nitong school ko.

Nakakakita na ako ng mga estudyanteng nakasuot ng uniform na may logo ng S.H.U just like mine. Base sa nakikita ko, lahat sila may sariling kotse na kaya naman walang dudang mayayaman nga sila. Kung sabagay, hindi ka naman makakapasok dito kung, you know, hirap ka sa buhay. Mahal kasi tuition fee dito.

To już koniec opublikowanych części.

⏰ Ostatnio Aktualizowane: Oct 07, 2016 ⏰

Dodaj to dzieło do Biblioteki, aby dostawać powiadomienia o nowych częściach!

He's the ReasonOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz