Chapter 1.1

18 3 1
                                        

Kristina's POV Present Day


"Bakit ganoon? Nawala ka nang maaga. Sabi mo sakin,walang iwanan."

Halos mahimatay na ako sa kakaiyak dito sa burol ng aking pinakamamahal na kaibigan,si Denz.
Namatay siya dahil sa isang aksidente na hindi niya nakayanan. Napakasakit,noh? Kapag namatayan ka ng kaibigan at hindi mo nasabi ang tunay na nararamdaman mo para sa kanya.

5 years ago Kristina's POV

"Tana,punta ka naman sa amin,laro tayo. Palagi na lang kasi ako ang pumupunta sa inyo,eh."sabi sa akin ni Denz. Napakacute niya hanggang ngayon. Dati nga,palagi kaming naglalaro ng bahay-bahayan. Sweet diba?
Ay,oo nga pala,hindi pa ako nagpapakilala. Ako si Kristina Fuentabella. Ang kaibigan ko nga pala ay si Denz De Guzman. Siya ang aking BFFAEAO(Best friends forever and ever and one). Tana ang tawag niya sa akin kasi madami nang tumatawag sa akin na 'Tina' tulad ni mama at ni papa. Kahit malayo ang bahay nila sa amin ay palagi siyang pumupunta dito. Kung ikukumpara ko si Denz sa ibang lalaki ay nasa kanya na ang lahat. Simula sa kotse,pera,alahas at kung ano-ano pa. It was grade 8 ng first time naming magkasama sa isang classroom. Aaminin ko,nagseselos ako kapag may umaaligid-aligid sa kanya at kapag may gustong mag-flirt sa kanya. Pero mag-BFFAEAO lang naman kami eh. Pero bakit ganoon yung nararamdaman ko.


TearsWhere stories live. Discover now