Second Serving ^^

Start from the beginning
                                        

Yung time na yun, akala ko bestfriend lang ang turing ko sakanya, naramdaman kong it’s more than that na pala.

Pero natakot akong mawala ang pagkakaibigan namin pag sinabi ko iyon. So I kept it as a secret. Until that time.

- Why are the things that I want to say

Just aren't coming out right?

I'm tripping on words

You got my head spinning

I don't know where to go from here  -

Two years ago…

Hiniling nya na magkita kami sa harap ng park.

Nauna pa nga ako ng isang oras e. Excited ako. Atplanoko ng magtapat. Simple lang ang attire ko, Purple Polo Shirt at Faded Pants, fresh na fresh pa e. Naks.

Para akong tanga nun, hehe. Sa excitement at kaba na din siguro. Wala naman akong magarbong idea e. Siguro okay na tong dala ko lang ay fresh breath. *ting! (kuminang na ngipin)

Three-fifty nine ng hapon. Eksakto. Sabi ko noon better na maalala ko ang bawat detail ng araw na yon, 1 Minute bago mag 4PM.

*plak. May pumatak na basa sa relo ko. Inamoy ko naman baka biyaya n ibon yun or what. Hehe.

Then. It started to rain. Nakita ko siya papadating. Nakapayong. She’s wearing a plain white dress. She’s so beautiful. Lalo akong nahuhulog sa kanya bawat segundong lumilipas.

Dumadami na yung patak. Nababasa na ko. Ayt. Kung pure romance lang to, baka natatalon na ang lahat sa kilig dahil sumabay pa ang langit sa nararamdaman ko.

Tears of Joy? Syempre! Diba sky? Hehe. Sige. Buhos lang. Lumalakas. Parang nambabatok na yung patak e. Kaya I decided na salubungin sya.

- 'Cause it's you and me

And all of the people people with nothing to do

Nothing to prove –

Habang papalapit ako, agad kong napansin na parang may kulang sa kanya. Hindi naman make-up, kasi di naman nya trip yun, earrings? Lipstick? Hm…Napatitig ako sa mata nya. Hindi ko mawari ang emotion ng mukha nya.

Nawawala, yung smile nya, yung ngiting mula pa lang pagkabata ay nakakapanghawa sakin, hindi ako na’immune all those years, laging may epekto sakin ang mga ngiting yon na tila sa mga oras na ito ay naiwan nya sa bahay nila. Siguro dapat ko syang pagalitan.

Kasabay ng patak ng kalangitan ay pumatak din ang lhang  nakikita ko lang kapag nadadapa at nasusugatan sya. Parang napako ako sa kinatatayuan ko. Pero ramdam kong ibang luha yun.

Ewan ko kung bakit. Pero naramdaman kong mas higit pa sa sugat sa tuhod ang natamo nya.

“Faye---.”

Magsasalita na sana ako pero nag’hand gesture sya na parang ‘please, hayaan mo muna ako magsalita’.

“Kick, ahm.. maraming salamat sa lahat…

 Wag mo kong kakalimutan ha?”

umiiyak na sya? As in hugulgol. Wala namang sinabi sa balita na may bagyo a. Pero parang bumibigat yung tama ng ulan sa braso at katawan ko, habang nakatayo sa harap niya at naghihintay ng mga sasabihin nya.

Bakit ba? Wala akong maintindihan! Is she leaving? Ano ba? Salamat para san? Dapat talaga pinag-aralan ko yung mind reading dati e.

Ayt. Badtrip. Hindi ako makapagsalita. I feel like in a state of shock, o baka nga ganun na ako.

“Bye.”

Anong?!!!”

Binitawan nya yung payong. Umuulan pa din. Yung luha nya nagmimix na sa ulan. Wala akong maintindihan. Tulala pa din ako. Then, she hugged me.

“Salamat”

Salamat para san? Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin. Then handed me a bracelet. Color yellow, hand-made. Kinuha nya yung payong nya. At tumakbo sya.

Pinagmamasdan ko lang siya. Habang unti-unting nawawala ang imahe niya sa paligid ko. Lumalakas ang ulan. Lumalamig ang katawan ko. Nadudurog ako. I’m still in a state of shock. Then tears fell from my eyes. She left me with those words.

- And it's you and me

And all other people

And I don't know why

I can't keep my eyes off of you –

Hanggang ngayon.

Akala ko nalimutan ko na sya.

I’m still affected.

Ilang bagay lang ang iniwan nya sakin.

Itong yellow bacelet na binigay nya,

yung memory nng araw na yun at regret.

Walang katapusang regret.

- What day is it

And in what month?

This clock never seemed so alive –

Naririnig ko ang palakpakan. Malakas na palakpakan. Lumalabo ang mata ko. Napansin kong I am in tears. T.T Bakit? Dalawang taon na. Hello? Erase. Erase na dapat.

Nagsenyas si Cheek ng okay. Nagsmile sya. Ganun din si Cab, nagsensyas din ng Eleven? Onse? Adik to a.

I wiped my tears. Nadala ako masyado nung kanta. Pagkamulat ko ng mata ko.

A familiar face. Tumayo mula sa isang table, at papalabas na. Naramdaman ko nanaman yung feeling. Napako ako sa kinatatayuan ko. Isa lang ang aking nasambit.

“It was her..”

---

Masyadong maikli itong istorya na to. ^^

Sana maapreciate nyo. :)

Vote! ^^

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 16, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Just A MinuteWhere stories live. Discover now