Ikatatlumpu't walong Pahina

Magsimula sa umpisa
                                    

"Sana hindi ka na lang umalis ng Khara no." may panghihinayang sa pagkakasabi nya noon.

Napayuko ako at nilaro ang daliri ko.

"Okay lang. Wala naman akong pinagsisisihan eh."

Bumuntong hininga si Xander atsaka ako nginisian. Alam talaga niyang matigas ang ulo ko pagdating sa pagmamahal kay John Calvin.

Kinagat ko ang ibabang labi ko. Nang hindi na ako makatiis, nagtanong na ako sakanya. "Uhm.. Xander.. si.. Selena.."

Pero hindi na nya ako pinatapos at tumayo siya ng tuwid. "Wait here. Kukuha lang ako ng wine."

Kanina pa hindi mawala sa isip ko ang inaasta ni Xander. Malungkot siya nang tingnan niya sila John Calvin at Selena kanina. And I think alam kong dahil kay Selena ang pag-asta nya ng ganun. At base na rin sa kwento ni Steffan, close talaga sila ni Selena dati. And maybe, just maybe, si Selena ang babaeng tinutukoy ni Xander na nangiwan sakanya.

For a moment, gusto kong mainis kay Xander. Kung pinaglaban lang sana nya ang Selena na yun, eh di sana hindi sila ikinasal ni John Calvin. Eh di sana, kami na ang ikinasal ngayon!

Umiling iling ako sa kabaliwan ko. Pero natutuwa ako dahil hindi kagaya ng dati, hindi na masyadong mabigat sa dibdib ko ang isiping may asawa na siya. Tanggap ko na ba?

Nanginginig na ako sa lamig ng simoy ng hangin dito kaya napayakap na lang ako sa sarili ko. Maya maya ay nakarinig ako ng mga yapak sa likuran ko.

Alam ko namang si Xander yan kaya hindi na ako lumingon.

Nakita kong nilapag niya ang wine sa harapan ko.

"Ang tagal mo ha." Pagbibiro ko pero nagulat na lang ako nang biglang may dalawanh kamay ang pumulupot sa baywang ko.

Nanigas ako sa pagkakatayo ko at biglang lumakas ang tibok ng dibdib ko. Ang mga yakap na to, the warmth of his hugs, ang epekto ng init niya sa sistema ko. Kilalang kilala na ng katawan ko ang mga hawak niya.

Humigpit pang lalo ang pagkakayakap niya sa akin mula sa likuran. Nararamdaman mo ang hininga nya sa buhok ko at paulit ulit niyang pinauulanan ng halik ito. Matapos ang ilang segundo ay iniharap niya ako sakanya at halos mangatog ang binti ko nang magtama ang mga mata namin.

Pagkakita ko pa lang sakanya ay gusto ko nang maiyak sa tuwa. Oh, his effect on me! Sa isang iglap natibag lahat ng pader na binuo ko sa puso ko. At tila magnet, ay kusang humihiwalay ang puso ko sa katawan ko para dumikit kay John Calvin.

Titig na titig lang ako sakanya. Kinakabahan. Natatakot akong huminga dahil baka panaginip lang ito at sa isang iglap mawala siyang parang bula.

Hinaplos nya ang pisngi ko. Marahan at mainit. "Can we pretend that we belong to each other? Kahit ngayon lang, Amanda Marie?" he said sincerely. Kumikislap kislap ang mga mata niya habang sinasabi iyon.

Dahil doon ay umagos na naman ang luha ko. I can't be mad at him. I really can't. Mahal ko siya!

Pinunasan nya ang mga luha ko. "I wish I can always do this when you cry. I wish, I can always be beside you. I wish I am that man you'll ever need."

At dahil doon, kinuha ko ang kamay nya at mahigpit na hinawakan iyon.

"You're the only man that I'll ever need, John Calvin. Choose me and be with me." buong pusong sabi ko.

I will fight for him, I will fight for my love. Lalo na at sigurado akong nasa akin ang alas.

"I wish I can." mahinang bulong niya.

Ikinulong niya ang mukha ko gamit ang dalawa niyang kamay. Napapikit ako sa sensasyong nararamdaman ko.

At naramdaman ko na lang ang mainit niyang labi sa labi ko. Bahagya pa siyang nanginig nang maglapat ang labi naming dalawa. Habang nakapikit at tumutulo ang luha ko sa gilid ng mga mata ko. Please, John Calvin. Choose me.

"I wish I can, Amanda Marie. I wish I can." sabi nyang ipatong niya ang noo niya sa noo ko.

Biniyak na naman sa dalawa ang puso ko. Why can't we be together? If we feel the same way, why can't it be us? Bakit hindi pwedeng mangyari na kami naman? Is this how things really is for the both of us? Palagi na lang kaming magnanakaw ng sandali and pretend like we can love each other? But in reality, we are like oil and water. Kahit anong dikit, kahit anong halo, we can never be together.

Ilang sandali pa kaming nanatili sa ganoong posisyon, feeling each other, savoring the moment dahil alam ko, in just a few minutes we're back to ignoring each other. I'm back to watching him from afar.

"OH MY GOD!"

Sabay kaming napalingon ni John Calvin kay Steffan na gulat na gulat na makita kaming ganito.

"S-s-sir. Hinahanap po k-kayo ni M-am S-Selena."

Nailabadbaran ako sa oagkakabanggit sa pangalan na yun. She is the reason why John Calvin and I can't happen. Sya ang nanira ng relasyon!

Tiningnan muna ako ni John Calvin. And for the last time, hinaplos nya ang pisngi ko. Bago siya tuluyang lumayo ay hinawakan ko ang kamay nya.

Please, don't go. Kahit ngayon lang, piliin mo ako.

But he chose to ignore my plead, and walked away from me. For the nth time, I let him go. Physically is he is not mine, but emotionally I know he belongs with me. And that's what makes it hard for me to let him go.

"Amanda." Niyakap ko na lang si Steffan and cried my heart out.

When Do You FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon