At ito na nga ang nakakainis na part sa akin, dahil sa part ng iba kikiligin sila.



I kissed Francis on his lips. >______<



"HUH? So-sorry, hindi ko sinasadya."

"Huh? Anong hindi, bakit mo ako ki-niss?"



Muli akong nakabalik sa reyalidad. Sinampal ko ng mahina ang pisngi ko.



"asarrrrrrrrrrrrrrr!!!!"



Kinabukasan...



"Amiko? Anong nangyari sayo? Bakit parang antok na antok ka?" tanong ni Denise.

"Don't tell me Amiko, di ka nakatulog dahil sa kakaisip kay Fafa Rupert?" natatawang sabi naman ni Kaye.

"WHAT? Did i? heard it right? TYPE mo si Fafa Rupert? Yung SC president?" nabigla at naguguluhan na sabi naman ni Fenrir.

Si Delilah naman wala sinabi, ayun lang nagbabasa ng libro, this time iba naman ang book na binabasa niya. Nagkagulo silang lahat sa reaksyon ni Fenrir na parang object na object sa sinabi ni Kaye.

"WAHHHH, WHY? WHY MY FAFA RUPERT PA AMIKO GOZALES!!!" naiinis na sigaw nito sa akin. Pero sinuklian ko lang siya ng isang malalim na buntong hininga.

"OH? Fenrir, wag ka ngang OA, look, Amiko looks so upset" saway ni Denise kay Fenrir.

"Amiko? Is there anything wrong?" dagdag na tanong nito.

"Ah, eh, wala. Inatake lang yata ako ng insomnia last night"

"Insomia nga lang ba?" pang-asar na sabi ni Kaye.

Wala dito si Francis, kasama siya ni Menchie sa meeting ng mga president of the class for the upcoming school festival. Nandito kami sa rooftop habang inaantay ang homeroom meeting namin. Passed 12:30 na din.

Nag-uusap lang sila habang ako, medyo napapapikit na dahil sa antok. Pero nagulat kami ng bumukas ang door ng rooftop.

Nagulat kaming lahat ng Makita namin si Rupert, he supposedly in the meeting also di ba? And what is he doing here?

Seryoso ang mukha nitong lumapit sa amin or better to say sa akin.

"Amiko, can I have a talk with you?" he said seriously. This is the first I saw him like that. Yung kilala kong Rupert, ay jolly at lagging nakangiti, pero ang gwapong nerd na toh na nasa harap ko parang kakaiba ang presensya. From his eyes, to his eyeglass and to my eyes, parang nag-aantay siya sa sagot ko.

Sila Kaye, Denise at Fenrir naman, parang istatwa na hindi gumagalaw sa eksena. It takes a few minutes of silence bago ito nasira ng boses ni---.

"Sasama ka bas a kanya o magtitigan na lang hanggang lumubog ang araw? Mahalaga ang bawat Segundo, minute at oras sa buhay ng tao, kung sasayangin niyo lamang ito sa kakatitig niyo para kayong mga taong walang kaluluwa—"

Hindi na natapos ni Delilah ang sinasabi niya at tinakpan na ni Kaye ang bibig nito.

"Hehehehe, sorry sa creepy speech niya, hehehe I guess we have to go, Amiko,kita na lang tayo sa room, bye!" sabay sabay silang tumayo, tumingin pa sa akin si Fenrir at inismiran ako, problema nun?

So? Naiwan na lang kami ni Rupert ditto sa rooftop. Mula ng umalis sila Kaye, hindi pa din siya nagsasalita. Ano kaya ang sasabihin nito sa akin?

Bigla kong naalala ang mga nangyari kahapon. Yung, narinig ko silang nag-uusap ni Ayesha. Shocks! How come that I forgot that thing! Im dead! >___\<

Nakayuko lang ako sa tabi niya habang nakatayo. Pinagmamasdan lang namin ang ibaba ng building, kitang kita namin ang kabuuhan ng field.

"Amiko—" nagumpisa na siya magsalita pero hindi ito nakatingin sa akin. Nakamasid lang siya sa malayo. Pinagmasdan ko ang side view ng mukha niya. Itong taong nasa harap ko, bakit, ganun na lang din niya palakasin ang tibok ng puso ko? Habang pinagmamasdan ko ang maamo niyang mukha. Ang mga mata niya sa likod ng salamin niya, ang matangos niyang ilong ang maninipis niyang labi at ang buhok niya makintab na ngayo'y hinahangin. Ang ganda ng nakikita ko ngayon, nakakalambot ng puso, isama pa ang seryoso niyang mukha na tila may dinadalang problema.

"Yung narinig mo kahapon, lahat yun ay totoo" pagpapatuloy nito.

"ah, yung sa inyo ni Ayesha, oo, pero wala lang sa akin yun. Nauunawaan ko kung may kaunti kayong pagtatalo hehehe" hindi ko alam ang magiging reaksyon ko pero ito lang naman ang dapat kong sabihin di ba?

"Hindi iyon Amiko" mas lalong tumaas ang boses niya. Nagulat naman ako sa biglang pagbabago niya. Parang may bagay siyang hindi niya masabi.

"So-sorry, p-pero R-rupert, h-hindi k-kita maunawaan" nauutal kong wika dito. Tumingin naman ito sa akin ng may pagmamakaaw sa mukha. At walang alilangan na sinabing---

"I LIKE YOU AMIKO!"

Hindi ko ala­­m ang gagawin ko ng mga oras na ito. Siya? May gusto sa akin? O baka naman nabibingi lang ako at mali ang mga naririnig ko,. Isang malaking himala naman na ang isang gaya niya ay magkagusto sa isang Sadakong tulad ko. Nagbibiro siya di ba? Pero habang pinagmamasdan ko ang expression ng mukha niya base sa nakikita ko, hindi siya nagbibiro.

"yung sinabi ni Ayesha na kung ikaw nga ba ang gusto ko, totoo yun Amiko" tumingin muli ito sa malayo "Ayesha was my ex girlfriend, noon, hindi naman ganito ang itsura ko, isa akong geek, nerd na sobrang ewan" medyo natawa siya "meron akong braces nakasuot ako ng mas makapal na eyeglass at hindi rin ganito ang hairstyle ko, ang weird kong tao noon, pero dumating si Ayesha. Agad ko siyang nagustuhan at naging kami, pero..." naging kakaiba ang reaksyon niya "she fooled me, pinagpalit niya ako sa isang lalaki na mas gwapo, mas maayos manamit at cool. Na kumpara sa akin ay isa lamang akong alikabok. Then now, she's here, at nakikipagbalik sa akin. Noong nakita ko siya, bumalik din lahat sa akin ang sakit, I was depressed that time and I begin to change myself, nag-ayos ako kagaya ng ibang tao at heto na ako ngayon. Nagtransfer din ako dito at umalis sa school nila Ayesha, nabalitaan ko nagpunta din naman siya sa ibang bansa at ngayon. Nagbalik siya. Naguguluhan ako." Ang haba ng sinabi ni Rupert na alam kong galing sa kanyang puso.

"Pero ngayon, noong nakilala kita, nagkaroon ako sa iyo ng interes. Amiko. I really like you"

Muli akong nagulat sa sinabi ni Rupert. >.....< SHOCKS TELL ME WHAT TO DO!!!

"Hindi mo pwedeng magustuhan si Amiko" nagulat naman kami sa biglang nagsalita.

"F-FRANCIS?"

Naglakad paroon sa amin si Francis. Shocks! Anong ginagawa niya dito.

"Di ba, the last I saw you, I said that this creepy girl is my girlfriend? So why the hell you wasting your time telling those words to her?" ohoh, iba ang boses nito ah.

"No, you're not her boyfriend, nabalitaan ko yon, you lied to me. Amiko don't have a boyfriend."

"Oh? Well I guess what you have heard is the lie here"

"No, you are the lie here, you're just saying that just to make Amiko away from me, bakit ba? Are you scared na ako ang gusto ni Amiko?"

"Shut up, hindi mo kilala si Amiko, at ako kilala ko si Amiko"

"Makikilala ko siya gaya ng pagkakakilala mo" ?_____________? Tell me what to do with this two man.

Nakatitigan silang dalawa habang ako ay nasa gitna nila. Ilang minuto nilang ginawa yon.



*ssshhhgggg*

Nagulat kaming tatlo sa pagbukas ng pinto. At nakita namin sila Kaye, Denise, Fenrir at Delilah na natumba at magkakapatong. -_________-" so? Kanina pa pala sila nasa likod ng pinto at pinapakinggan kami.

"I guess this is not the time. Let's just wait for her decision" mahinahon na wika ni Rupert pero bakas pa din ang talim sa mga tingin nito. Sumagot lamang si Francis sa mga titig lang din nito.





AMIKO GONZALES, chicks ka ba? -______-"

Sadako's First LoveDonde viven las historias. Descúbrelo ahora