Chapter 1

2.8K 77 2
                                    

Erika's P.O.V

"Ugh, Erika, I told you, this house that we're about to enter is so scary, aren't you scared that there's something scary thing in there?"

Iritang iritang sabi ni Ellaine. She's my bestfriend.

Nandito kami sa tapat ng bahay na mala-haunted house.

"Wag ka ngang maarte diyan, nandito na tayo kaya hindi na tayo pwedeng umurong pa"

Ito kasi ang itinuro ni tita Dory sa'min. Bahay ng isang albularyo.

The reason why we're here?

Gusto ko lang naman ibalik ang 'Third Eye' ko. Creepy right?

"Bakit ba naman kasi sa dinami dami mong gustong maipabalik, third eye mo pa? Hindi ka ba natatakot? Ang weirdo mo talaga Erika"

Gusto ko lang naman na mapabalik ang third eye ko kasi posibleng yun ang maging daan para makaalala ako.

Para maalala ko ang nakaraan.

"Diba, sinabi ko naman na sa'yo? Kasi posibleng yun ang maging daan para makaalala ako"

"At paano ka naman nakakasiguradong yun nga ang mangyayari kapag napabalik na ang third eye mo? What if, hindi?"

She's right. Still, i don't even know kung anong mangyayari kapag napabalik na ang third eye ko. Pero ewan ko ba, kung bakit.

"You can leave now Ellaine if you want to, I can do this alone"

"Ugh, do you think na hahayaan ko yung mangyari? Kung hindi nga lang kita best friend, hinding hindi na kita sasamahan sa mga kaweirdohan mo"

Nakatayo na kami ngayon sa tapat ng pintuan na tipong ilang dekada ng nalipasan. Dagdag pa dito ang mga spider web na nakapaligid sa halos kabuuan ng pintuan.

"Go na bessy, katokin mo na, gusto ko ng matapos to"

Maktol ni Ellaine. Kakatukin ko na sana ang pinto ng biglang humangin nang malakas.

Sabay sa paghangin ay nadala nito ang mga tuyong dahon na nakapaligid sa bahay ng albularyo.

"Brrr! Bakit biglang lumamig? Ang creepy talaga, whoosh"

Kinatok ko na ang pinto ng tatlong beses pero wala ni anino ng may ari ng bahay ang sumasagot.

"Tao po? May tao ho ba rito?"

"Wala naman yatang tao rito Erika, balik na lang tayo sa isang araw"

Pinaningkitan ko naman ng mata si Ellaine, upang isenyas na 'hindi' ang sagot ko.

"Tao p----"

Sa pagkatok kong muli ay awtomatikong bumukas ang pintuan. Lumangitngit ito na tila ba sobrang luma na.

Ngunit ang nakakapagtaka pa, wala man lang tao o anino man lang nito ang nagbukas ng pintuan.

"B-bessy, d-don't tell me, walang nagbukas ng pintuan?"

"Wag ka na lang maingay, pumasok na lang tayo sa loob"

"W-wait what? Seryoso ka ba diyan Erika? Eh ang dilim dilim sa loob tapos---"

Hindi ko na tinapos pa ang sasabihin ni Ellaine, bagkus dire-diretso na lang akong pumasok sa loob.

"Wait Erika, wait for me"

Third Eye (Completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя