Tuwang-tuwa si Stephen *♥*

Start from the beginning
                                    

“mama? Gising pa kayo? Anong oras napo oh di pa kayo natulog, dapat nagpapahinga na kayo ma”

“Stephen anak hinihintay talaga kita para tanungin kung kamusta na ang lakad mo” sa tanung ni mama napangiti ako bigla.

“mama kunting panahon na lang at makakasama ko na ang babaeng sobrang mahal na mahal ko at ang magiging ina ng mga anak ko” sagot ko pero bigla lang akong niyakap ni mama bago sya sumagot.

“salamat anak. Masaya ako para sayo. Para sa inyo ni Samantha at sa magiging apo ko”

“mama pano po ba maghanda ng isang surpresa , wala kasi akong alam eh” sabi ko sabay napakamot sa batok ko. Ako dapat magi sip ng paraan eh kaya lang diko talaga alam kasi hindi pa ako nakakapag handa ng sorpresa.

“ah eh para kanino naman nak?”

“eh kanino pa ba mama? Eh di kay Samantha po. Isusurpresa ko sya ng proposal pagkagaling ni Ramon”

“ganito na lang gawin natin anak---blah blah blah” sa mga sinabi ni mama napangiti ako sa ganda ng naisip nya.

“salamat ma, tara na hated na kita sa kwarto nyo ng makapag pahinga na kayo”

“okay nak” sabi nya at inalalayan ko na sya sa pag pasok sa kwarto nya.

Parang hindi ata ako makakatulog ngayon ah..

Tito Eric’s p-o-v

“mama mauna kana sa kwarto iinom lang ako susunod nadin ako doon”

“okay pa antok nadin ako eh, tulog nadin pala ang mga bata”

Pagkasabi nya nun eh umaakyat na sya at ako naman dumiretso sa kusina. Paakyat nadin ako ng mapalingon ako sa kwarto ni Samantha. Binuksan ko ito dahan dahan, tulog na sya. Dahan dahan akong naupo sa tabi nya at hinawakan ang kamay nya.

“anak *sob* naiintindihan ko naman ang ginawa no pero… ako ang ama ako dapat ang nag sakripisyo at hindi ikaw.. *sob* nahihirapan ka tuloy ngayon sa sitwasyon mo.. patawad anak, mahal na mahal kita , mahal na mahal ko kayo ng mga kapatid mo *sob*.. patawad anak, kasalanan ko kung bakit nasa sitwasyong kang ganito ngayon.” Napayuko na lang ako dahil pakiramdam ko sobrang bigat ng ulo ko.. tama naman ako diba? Kasalanan ko dahil isa akong pabayang ama.. maya-maya pa ay naramdaman ko na lang na may humawak sa balikat ko.

“papa *sob* tara na sa kwarto natin, alam kung pagud ka lang.” hindi ko nap ala namalayan ang pagpasok din ng asawa ko dito. Tumayo na ako at naglakad kami palabas ng kwarto pero bago yun napatingin ulit ako kay Samantha . parang kelan lang nung mga bata pa sila.

“papa *sob* hindi mo kasalanan” sabi ng asawa ko at hinawakan ang kamay ko.. hinawakan ko din ang kamay nya at ngumiti ng pilit para hindi sya mag-alala.

She's My Sexy Slave [Away Pamilya]Where stories live. Discover now