"Ha? Kay nysel(ni-sel)? Baku, hindi pwede yang sinasabi mo eh. "

"Asawa nya po ako"

"Ha?" Bakas sa mukha ng babae ang pagtataka.

"Naku, mukhang budol budol ka ata eh, teka at tatawag ako sa barangay."

Patalikod na ang babae ng mahawakan ito ni Kame at ipinakita sakanya ang isang picture. Picture sa kasal nila ni Jeany.

"Aba! Ay totoo nga, naku ang babaeng yun di man lang nag sabi na sikat na artista pala ang asawa nya, ay sige, ibibigay ko na sayo. "

Matapos mag pa autograph at magpa picture ay binigay din ng landlady ang susi sakanya.

Madaling pumunta sya sa bahay ni Jeany at binuksan yun. Malinis naman ang bahay, maayos ang mga gamit, kaparehas pa din ng dati, malinis talaga si Jeany. Nakita nya ang isang picture frame, si Jeany at Kyohei, ibabalik na sana ni Kame sa ayos ang frame ng mapansin nya ang naka usling papel sa likod ng litrato.

Sa curiosity nya ay binuksan nya ito, nakita nya ang wedding picture nila Jeany. May picture pa din pala tayo na tinatago mo ha?

Ala sais na at naiinip na sya sa kakaintay kila Jeany kaya napag desisyunan nyang ipagluto na lang mag ina nya. Nagsuot pa sya ng apron na bulaklakin na syang ginagamit ni Jeany.

"Mommy, bakit bukas ang ilaw sa bahay natin?"

Nanlaki ang mata ni Jeany, kumuha sya ng kahoy. May naka pasok sa bahay nila.

"Teka anak, dyan ka lang sa likod ko, sigurado akong nilock ko ang bahay natin, malamang may magnanakaw yan"

Pumasok si Jeany sa bahay ng hindi man lang tumingin.

"Hoy! Sino kang magnanakaw ka ha! At anong ginagawa mo sa bahay ko?"

"Mukha ba akong magnanakaw?"

Pag angat ng ulo ni Jeany ay nakita nya si Kame. Naka pony ang buhok, wala ng balbas at bigote. Hindi maiwasang napatulala sya sa harapan nito.

"Stare much wifey?" Pambasag na bati ni Kame.

"Hi-hi-hindi ahh! Anong ginagawa mo dito, pano ka nakapasok?"

"Mommy, si daddy ba yan?"

"Yes baby, mag bless ka na sa daddy mo"

Nagtataka man ay sinunod pa din sya ng anak at nagmano kay Kame.

"Daddy, nasan na yung buhok mo sa ilong?" Bahagyang napangiti si Kame dahil sa sinabi ng anak.

"Pogi ba si daddy?"

"Opo, mas pogi ngayon"

"Tama na nga yang bolahan nyo, ayusin mo muna ang gamit mo Kyo."

"Yes mommy."

"At ikaw lalake? Pano ka nakapasok dito?"

"Ginamit ko angna kagwapuhan ko" sabay kindat nito sakanya.

"Ang kapal! Hindi na uubra sakin yan, nakakadiri to."

"Sus! Kaya pala ang lagkit ng tingin mo sakin kani kanilang."

"Sasagutin mo ba ako ng ayos o papalayasin kita?"

"Oo na. Oo na. Di ko alam na masungit ka pala. Sinabi kong asawa mo ko"

"Ahh,. Ano? Buti naniwala sayo"

"Pinagkamalan pa nga akong budol budol eh, pinakita ko lang to, at naniwala na sya." Pinakita ni Kame ang picture sa wallet nya.

"Nasayo pa pala yan? Buti hindi pa nawawala?" Tanong ni Jeany habang nakatalikod sa kanya.

"Bat ko naman iwawala, masayang sandali ng buhay ko to, bakit ikaw? Tinapon mo na ba lahat ng picture natin?"

My Celebrity HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon